18th

2.3K 97 23
                                    

Serene's point of view

Kakauwi ko lang galing sa hospital. Wala pa ring signs na magigising na ang kambal ko. Nadatnan ko rin duon si Mommy kasama sila grandma. Tinanong nila ako kung okay lang daw ako, I said yes. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang pang-iinsulto ng asawa ko sa akin dahil sigurado ako na magagalit sila lalo na kay Mommy dahil siya ang nagpasok sa sitwasyon kong ito.

Naniniwala na ako sa sinasabi ng iba. Lahat ng nanay may paboritong anak. Unfortunately, I'm not the favorite one.

"Saan ka galing?" Tanong ni Laurence.

"House, why?"

"I'm hungry, cook for me." Sabi nito na akala mo utusan niya ako.

"I'll poison you-"

"Babantayan kita," seryosong sabi nito.

Nailing na lang ako at dumeretcho sa kusina. Hinanda ko ang mga ingredients na gagamitin ko. Buti na lang at naggrocery sina Tanya at dinala rito.

"Cook for two," sabi pa nito habang naka-upo at nakabantay sa akin.

For two? Good start, sabay pa kaming kakain. Okay na yun para naman kahit papaano mabawasan ang tension sa bahay na ito.

"Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto. Akala ko puro landi ka lang," saad nito.

"You know nothing about me," sagot ko.

"I don't give a fuck about you," baliwalang sabi nito.

Hindi ko na lang siya pinakinggan at tinapos ang niluluto ko. Nilagay ko sa maayos na lalagyan.

"Let's eat," nakangiting sabi ko.

"What are you saying, bitch?" Sabi nito at nakangisi at kinuha sa akin ang tray na may lamang pagkain.

"BABY, I'M HUNGRY!" rinig kong mula sa taas.

Alam ko na ang nangyari, ginamit nila ang kwarto sa fucking nila. Pinikit ko ang mata ko para kumalma.

Narinig ko ang yabag pababa kaya napatingin ako ruon.

Nagdilim ang patingin ko ng makita ko ang babad at suot ang isang black nighties na pagmamay-ari ko.

Hindi na ako nag-isip at lumapit rito. Agad kong hinila ang buhok ng babae.

"AHHHH, OUCHHH. LET GO OF MY HAIR! BABY HELP ME!" sigaw nito pero hindi ko siya tinigilang hilain pababa.

Nagsisisigaw siya pero wala akong paki-alam. Sobrang pambabastos ang ginawa nila sa akin. Gumawa na nga sila ng kababalaghan sa kwarto, nakuha pang gamitin ang pagmamay-ari ko.

"SERENITY, LET GO OF HER HAIR!" galit na sabi ni sa akin naramdaman ko rin ang hawak niya sa akin kaya binitawan ko ang babae at hinarap ang magaling kung asawa.

Sinampal ko si Laurence ng napakalakas. Tinignan niya ako ng masama kaya tinignan ko siya ng masama.

"YOU FVCKING SHIT! I DON'T FUCKING CARE IF YOU FUCK EACH OTHER HERE. I DON'T FUCKING CARE IF YOU USE THE ROOM AND FUCK HER NON-STOP!! BUT NEVER USE WHAT IS MINE, YOU EVEN LET HER USE MY DRESS!! FUCK YOU!" galit na sigaw ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa mata niya.

Hinarap ko ang babae. 

"Hubarin mo yan o hindi ka makakalabas ng hindi nababali ang boto mo!" banta ko.

Hindi siya sumagot kaya sinampal ko ito ng malakas. Naramdaman kong hinawakan ulit ako ni Laurence.

"Don't touch me. Nakakadiri ka," galit na sabi ko. Hinarap ko ang babae, "Take that off."

"Baby," humihinging tulong nito.

"Just take that off, Melissa." rinig kong sabi ni Laurence.

"What?" gulat na sabi ng babae.

Hindi na ako nakapaghintay at hinila ko ang dress napunit ito sa taas exposing her boobs. Umiiyak itong tumingin sa akin.

Napangisi naman ako ng makakita ng Hickey sa boobs nito.

"Fvcking my husband in our house. Both of you don't deserve my respect!" madiing sabi ko. " Get out of my house or I will rip your neck!"

Umiiyak na umalis ang babae. Tinignan ko si Laurence na nakatingin sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

"You are worse," bulong ko bago umakyat sa taas. Nilagay ko lahat sa maleta ang mga damit, dress in all pati ang mga gamit ko sa bathroom. Binaba ko ang lahat ng yun.

"Where are you going?" tanong nito.

Hindi ko siya pinansin at nilabas ang mga gamit ko. Nakasunod naman ito sa akin. Nakita ko ang gulat sa mata niya ng sunugin ko ang lahat ng gamit ko.

"What the!" rinig kong sabi nito.

Hinirap ko siya.

"You can have the room now. I will never sleep in that dirty room. I'll use the maid's room," sabi ko at iniwan siya.

Bakit ko sinunog? Ayokong gumamit ng gamit ko na nahawakan pala ng babae. Nakakadiri sila. Dumeretcho ako sa bahay at nadatnan ko duon si daddy.

"Serene, Anak. Umiiyak ka ba?" tanong ni Daddy. 

Agad naman akong yumakap rito.

"Daddy," bulong ko at pinunasan ang luha ko. Hindi ko alam kong bakit ako umiiyak dahil hindi ako nirerespeto ng asawa ko o namimiss ko lang sila Daddy.

"Kung guso mo ng bumalik sa buhay mo abroad, pwede kong kausapin si Mommy mo-"

"kaya ko pa, daddy. Yun naman ang tingin sa akin ni Mommy di ba. Malakas ako at kakayanin ko ang lahat," mapait na sabi ko.

"Wag kang magalit sa Mommy mo, Anak. Mahal kayo parehas ng kambal mo sadyang ayaw lang ng Mommy mo na mawalan ng anak pag inatake si Serenity. Kaya ingat na ingat siya rito," sabi ni Daddy.

"Hindi naman ako galit kay Mommy. Mahal ko po siya kahit simula nuong bata kami si Serenity na ang mas inaalagaan niya at inuuna niya. Iniintindi ko yun," sabi ko. "Hindi ko lang mapigilang isipin na okay lang kay Mommy na mahirapan ako wag lang si Serenity. Siguro pag dalawa kami ni Serenity na malalagay sa kapahamakan ang ililigtas niya si Serenity."

Hindi nakasagot si Daddy at nakatingin lang sa akin na naaawa. Ngumiti naman ako para itago ang sakit na nararamdaman ko.

"Alis na ako, daddy. Baka hanapin ako ng asawa ko," nakangiting sabi ko bago tumalikod. 

"Serenity, Anak. Mahal na mahal ka namin ng MOmmy mo. Yan ang lagi mong tatandaan," napangiti naman ako sa huling sinabi ni Daddy.

Para maaliw ko ang aking sarili dumeretcho ako sa mall at napili ng mga bagong ilalagay ko sa closet at mga ibang gagamitin ko pa. Natapos ako sa pagsshopping ng hapon. Nagpatawag rin ako ng gagawa ng room ko sa baba ng bahay. 

Pag-uwi ko nakaabang ang magaling kong asawa.

"Saan ka galing?" tanong nito pero hindi ko siya pinansin at dumeretcho sa kusina. So tonight kailangan ko munang magtiis sa room ko na maliit. Just for tonight dahil ipaparenovate ko na.

"Look, I'm sorry. I-"

"It's fine. You can fuck any girl now inside that room," baliwalang sabi ko bago ko siya tinalikuran.

"Kung umarte ka ang linis linis mo ah. Ilan na ba ang nakagalaw sayo!? At wag kang umakto na hindi mo katulad ang babaeng sinaktan mo kanina dahil parehas lang kayong pokpok!" rinig kong sabi nito kaya hinarap ko siya.

Sobra ang galit na nararamdaman ko dahil ni isang lalaki hindi ko hinayaang gamitin ako. Pero hindi ko ipapakita sa kanya.

"Ilan na ang nakagalaw sa akin? Bakit hindi mo bilangin, mukha namang ang dami mong alam sa akin."




Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now