43

2.9K 128 69
                                    

Gigil pero mag-u-update.

Goodmorning.

(Sorry sa rant, need lang talagang mailabas baka biglang sumabog at mapatay ko lahat ng character dito haha)

-malapit na ang pagbabago sa buhay ni SERENE RAILEY EVAN-MONTENEGRO!

---

Author's pov

"Damn, are you stupid? Hindi mo ba maintindihan ang salitang layuan mo ako?" Galit na sabi ni Jhezter ng makita ulit si Serenity sa bahay niya.

Isang buwan na itong nagpapabalik-balik sa bahay ni Jhezter kahit lagi siya nitong tinataboy.

"I cooked for your, kumain ka na. Maglilinis lang ako ng kalat," saad ni Serenity habang pinupulot Ang mga bote ng beer.

Lagi ring naglalasing si Jhezter dahil hindi pa rin niya matanggap Ang pagkamatay ng Asawa.

"Bitch, kahit magpakaalipin ka sa akin hindi kita tatanggapin sa buhay ko. Tuwing nakikita kita kumukulo Ang dugo ko!"

Hindi nagsalita si Serenity at nagpatuloy sa paglilinis.

"Anong gusto mong iluto ko-AHHHHHH!"

Napasigaw ito nang malakas na hinablot ni Jhezter ang braso niya.

"Kailan mo ako titigilan? Gaano ka kabobo para hindi mo maintindihan na kahit kailan hindi kita magugustuhan! Ang Layo mo sa asawa ko-"

"Ano bang Meron si Serene na wala ako? Anong meron sa kanya bakit nakuha mo siyang mahalin?! Magkamukha ka-"

"Magkamukha lang kayo pero malayo ang ugali niyo sa isa't isa. Wala ka ni sa kalingkingan ng asawa ko!"

"PATAY NA SIYA! WALA NA, PURO KA ASAWA, HINDI NAMAN NA BABALIK!-"

Natigil si Serenity nang malakas siyang sinampal ni Jhezter na ikinatumba niya.

"Sagad sa boto ang kasamaan mo! Kambal mo siya pero kung magsalita ka parang wala lang sayo ang pagkamatay niya!"

"DAHIL INAAGAW NIYA SA AKIN ANG LAHAT! WALA SIYA PERO SIYA LAGI ANG HINAHANAP NILA MOMMY! MALAPIT SILA SA AKIN DAHIL MAY SAKIT AKO SA PUSO PERO ANG TOTOONG MAHAL NILA SI SERENE!"

Umiiyak na sigaw nito.

"Wala akong paki sa pinagdadaanan mo, " baliwalang sabi ni Jhezter at tumalikod. "Mahal ko ang asawa ko at hindi mo siya mapapalitan sa buhay ko."

Nagmamakaawang yumakap sa binti niya si Serenity.

"G-gamitin mo ako para makalimutan siya. Hindi ako hihingi ng kapalit, makokontento ako sa kung anong kaya mong ibigay. Lahat ng utos mo susundin ko 'wag mo lang akong itaboy," pagmamakaawa ni Serenity.

"Desperate bitch!"

Tinulak niya ito nang malakas at hinawakan sa panga.

"Lahat ng utos ko susundin mo? Kill yourself," mariing sabi ni Jhezter. "That's my order, kill yourself!"

Iniwan ni Jhezter na umiiyak si Serenity.

Pagka-alis ng kotse ni Jhezter bumaba ng sasakyan si Zhaika at pumasok sa loob ng bahay.

"Hey Dear cousin, stand up! Damn, you're a mess! Pathetic," kalmadong saad ni Zhaika.

Pumasok rin ang grupo nila Divine.

Inayos ni Serenity ang sarili at tumayo.

"Anong ginagawa niyo rito? Hindi kayo pwedeng pumasok-ANO BA! BITAWAN NIYO AKO?!"

"Wag kang magulo!" Inis na sabi ni Divine at sinampal si Serenity habang hawak ni Drew at Alex. "Nakabawi na rin ako sa pagmumura mo sa amin."

"SHIT! BITAWAN NIYO SABI KO! GUSTO NIYO BANG IPAKULONG KO KAYO MGA HAMPAS LUPA! " galit na sigaw nito pero hindi nakinig sila Drew at tinapi sa upuan. " ZHAIKA, STOP THEM! ANO BANG GINAGAWA NIYO! ISUSUMBONG KITA KILA MOMMY! "

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon