30

2.7K 126 70
                                    

Kalmahan niyo, hindi ko nabuksan Wattpad ko for days. Hahahha

Kakaayos ko lang ng watty ko😊

-----

Serene's point of view

"Ito ang matagal ko ng hinihintay, ang matuto kang kalabanin ang pamilya mo. Exciting," kinikilig na sabi ni Tanya.

Narito ako sa condo niya kasama si Zhaika at si Yana. Nasabi na rin ni Zhaika kay Yana na hindi ako si Serenity kaya ilang beses itong humingi ng tawad.

"Can't imagine Serenity's face when you slapped her. I'm sure she was shock," natatawang sabi ni Zhaika.

Kung tatanungin nila ako kung nasaktan ba ako sa pagsampal ni Mommy? Yes, pero feeling ko nakawala ako sa cage! Hindi ko na sila ituturing na pamilya, hindi naman nila ako tinuturing na isa.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik ka na ng Pinas at ngayon ay asawa ka na ng pinsan ko," gulat pa ring sabi ni Yana. "Pasensya talaga sa pang-iinsulto ko sayo."

Nginisihan ko siya.

"It's fine. Pwede ka rin namang gumanti sa kambal ko pag nakakalakad na siya. I'll help you," sabi ko.

"Ayan na! Sabi nga ni Bossing Shawn iba magalit ang mabait- ops di ka pala mabait. Ahaha," pang-aasar ni Tanya.

"Couz, tumawag si Mommy and she is inviting you and your husband tonight-
"

"For what?" Tanong ko.

"Dinner. Tanya and Yana can come too," sabi nito kaya napa-Yes ang dalawa.

Si Ashton? Bumalik na sa bansa niya. Nag-usap kami at sinabi ko sa kanya na ayoko ng gulo at hindi niya magugustuhan pag si Auncle Shawn ang kumausap sa kanya. Takot si Ashton kay Auncle Shawn.

"Girl, ano pala ang plano mo kay Serenity?" Tanong ni Zhaika.

Sumandal ako sa couch at tumingin sa kanilang tatlo.

"Watch out, bitches. I will make her cry," nakangising sabi ko.

Matagal akong nagtimpi at laging iniisip na pamilya ko sila. Matagal akong pumayag na maging masama sa paningin nila, ngayon ipapakita ko kung gaano ako kasama.

"Let's start with our family business CEcorp," bulong ko.

(Clemente-Evans Corporation)

"No, you're kidding. You can't-"

"I can," nakangiti kong sagot kay Zhaika.

CEcorp ang hawak ni Daddy ngayon at balak niyang ibigay ang pamamahala kay Serenity this friday- 10th anniversary ng company.

"Woah, papayag kaya si Tito Drey? At isa pa magwawala ang kambal mo, sobrang inaasahan niya yan. Mababaliw siya," sabi ni Zhaika kaya natawa ako.

"Mababaliw pa lang? Akala ko baliw na siya," singit ni Yana.

"Same, bitch. Akala ko baliw yun," pagsang-ayon naman ni Tanya.

"I will have it this Friday," paniniguro ko. "I will make sure CEcorp will be mine."

Bakit ang CEcorp ang una kung kukunin? Dahil 'yun ang pinapangarap ni Serenity na makuha at ayaw nitong maibigay sa akin.

Dati pa lang sinabi na ni Daddy na sa akin mapupunta ang CEcorp pero hindi pumayag si Serenity at nagwala kaya kinampihan siya ni Mommy at walang nagawa si Daddy.

Amazing, right? She manipulated everyone.

"Handa ka na ba talagang kalabanin ang kambal mo at hindi sundin ang magulang mo?" Seryosong tanong ni Tanya sa akin.

Alam ni Tanya ang mga pinagdaanan ko sa sarili kong pamilya. Alam niya na wala akong ibang iniisip kundi ang intindihin sila kahit anong mangyari.

Ngayon napagod na ako. They said kill them with kindness? Fuck no, hindi ka pwedeng maging mabait sa mga taong walang binigay sayo kundi sama ng loob.

Tinignan ko si Tanya.

"They deserve my bad side. They are not my family anymore," matigas na sabi ko.

"Couz, kami ni Mommy at Auncle Shawn kampi sayo dati pa. Alam mo 'yan," sabi ni Zhaika.

"I know," bulong ko.

Nakita ko na umiilaw ang phone ko.

Laurence calling.

"Wife," bungad nito. "Where are you? I'm hungry."

"Cook for yourself," sagot ko.

"But I want my wife to cook for me," sagot nito.

"Whatever. Come here at Tanya's condo, I'll cook for you here. Send you the address,"sabi ko at pinatay agad ang tawag.

"What?" Tanong ko sa tatlong nakangisi na sa akin.

"Okay na kayo ni Kuya Jhezter?" Tanong ni Yana.

"Wow, husband and wife na talaga." Sabi naman ni Zhaika

"May forever ka na biatch! Nadiligan ka na rin kaya blooming ka nuh," biro ni Tanya kaya hinampas ko ito ng unan

"Your mouth!" Sabi ko rito na tinawanan lang nila.

Kalahating oras ang nagdaan ng may nag door bell at unahan ang tatlo sa pagbukas ng pinto.

"Hi, papa Jhezter."

"Kuya Jhezter, pasok ka."

"Mr. San ford," rinig ko pang sabi ni Zhaika.

"Where's my wife?" Sabi ni Laurence ng mapatingin sa akin.

Agad itong lumapit at hinila ako patayo. Dinampian nito ng halik ang labi ko bago bumitaw. Rinig ko ang kilig sa tatlo at nagtutulakan pa, mga loka-loka.

"Cook for me," utos nito kaya napa-irap ako bago pumunta sa kusina ni Tanya.

Hindi ko alam kung maiirita ba ako o matatawa na lang sa apat na nanunuod sa akin. Kinakausap rin nila si Laurence pero hindi man lang ito sumasagot at nakatingin lang sa akin.

"Matunaw ang pinsan ko," sabi ni Zhaika.

"Papa Jhezter nagagandahan ka ba sa kaibigan ko?" Tanong naman ni Tanya.

Tumingin ako kay Laurence dahil hindi nito sinagot si Tanya.

"Sabihin mong hindi, lalagyan ko ng lason ang pagkain mo. Try me," banta ko rito.

Bigla naman itong tumawa at tumayo. Lumapit sa akin at inakbayan ako.

"My wife is gorgeous and delicious-OUCH! WIFE!" Napabitaw ito ng sikuhin ko ng malakas ang tiyan niya.

Ang tatlo naman ay natatawa.

"Delicious daw!"

"Masarap daw!"

"Nagkatikiman na sila!"

Commento nilang tatlo.

Tinignan ko sila nang masama at binalik ang tingin kay Laurence.

"Anong sabi mo?!"

"Masarap ka naman talaga especially when you moan," biro nito at nagmadaling lumabas sa kitchen.

Bwesit na lalaking 'yun!

Tumingin ako sa tatlo.

"Labas," sabi ko sa kanila.

"Ngayon ko lang nakita si Kuya Jhezter na tumawa ng ganyan," sabi ni Yana na nakatingin sa akin.

"Ngayon ko lang din nakitang namula si Serene ng ganyan. Kahit kay Lucas hindi ganyan ang epekto sa kanya," sabi naman ni Zhaika.

"Out or I'll burn this place!" Banta ko at nagsilabasan naman sila.

My gosh, people around me are stressing me out!

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Kde žijí příběhy. Začni objevovat