Pang sampong pahina

2.5K 95 11
                                    

Serene's pov

It's 8 am. Hindi ako natulog buong gabi, iniisip ko bakit nagkaganun si Serenity. Bakit galit na galit siya sa akin. Bakit nagawa niya yun.

Napatingin ako sa pinto ng room ko ng may kumatok.

"Baby," rinig kong sabi ni Mommy. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Good morning, mommy!" Pekeng ngiting sabi ko.

Niyakap niya ako.

"Mom, stop hugging me- naiiyak tuloy ako." biro ko at pinunasan ang luha ko.

"Wanna go shopping?" Tanong niya sa akin.

"Po?"

"Me and you time, baby. Babawi ako," sabi nito.

Hinila ako nito papasok sa closet ko.

"You are only 16, baby. That Lucas boy doesn't deserve you," sabi nito habang naghahanda ng isusuot ko.

"H-hindi naman dahil kay Lucas kaya nasasaktan ako. Mas nasasaktan ako kasi sarili kong kambal ang nanloko sa akin, I don't know mom. Bakit ang laki ng galit niya sa akin," sabi ko.

"I'm sorry," sabi ni Mom sa akin.

"Mom, can I have a favor."

"Anything my love,"

"Next week is our 17th birthday. Gusto kong mag stay sa condo, please." Sabi ko.

Natahimik siya sandali at nilapag ang dress ko  na isusuot ko.

Umupo si Mommy sa harap ko.

"No-"

"But mom," hinawakan nito ang kamay ko.

"I want a house for you, kung ayaw mo dito. Hahanap ako ng bahay na pag sstayhan niyo ni Tanya. Maghahanap din ako ng yaya niyo, you are my princess, alam ko naman na wala kang alam sa gawaing bahay. You can't even cook," nakangiting sabi ni Mommy.

"Thank you, Mom." Sabi ko.

Pagkatapos kong magbihis ay sabay kaming lumabas ni Mommy sa room ko. Nakita namin si Dad at Serenity sa dining area.

"Saan pupunta ang mag- ina ko?" Bati sa amin ni Dad at lumapit. " ang ganda mo, anak."

"Thanks po," naiilang na sabi ko. Hindi ako sanay na binibigyan ako ng oras ni mom and Dad.

"Shopping then hahanap ako ng bahay na malapit sa Sanford university,"

"Para saan?"

"Para kay Serene. This is the only way para makalimot siya sa nangyari- ang hindi niya makasama sa iisang bahay ang kambal niya." Dinig ko pa rin ang galit sa boses ni Mommy.

Nakita ko naman na umiiyak si Serenity. Kahit masakit sa akin ay nilapitan ko siya.

" you okay?" Tanong ko rito.

Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak.

"ANO MASAYA KA NA! GALIT SA AKIN SI MOMMY AT DADDY. KASALANAN MO ITO-" natigil si Serenity ng sinampal siya ng malakas ni Mommy.

Agad kong hinawakan si Mommy.

"You-" gigil na sabi ni Mommy. Habang si Serenity naman ay sobra na ang pag Iyak.

"M-mommy please, plinano n-niya lahat ng ito para magalit ka sakin, mom-"

"You will marry Lucas, that's final-"

"Mom, No!! Ang bata ko pa-"

"Sana naisip mo yan bago mo binigay ang sarili mo sa boyfriend ng kambal mo!" nagwalk out si Mommy.

Ako naman ay nagulat sa kasal na sinasabi ni Mommy.

....

Lutang ako buong araw na kasama ko si Mommy.

Papunta ako ngayon kay Tanya ng may humila sa akin. Amoy pa lang alam kong si Lucas na yun.

Dinala niya ako sa loob ng kotse niya.

Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang magdrive. Pagod ang nararamdaman ko. For pete's sake 16 pa lang ako para maramdaman ito. Betrayed by two people I love.

Nakarating kami sa harap ng building nila.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." Mahinang sabi ko.

"Baby, please. Hindi ko ginusto ang nangyari. Lasing ako. Akala ko ikaw dahil parehas kayo ng pananahit. Baby, please. " hinging pakiusap nito.

Nakatingin ako sa kanya at pinipigilan ang luha ko.

"I don't care. Lasing ka? Hindi nga ako nakikipaghalik sayo, tapos tingin mo ibibigay ko ang sarili ko sayo. You're pathetic," galit na sabi ko.

Sinubukan niya akong yakapin ng itulak ko siya.

"Panagutan mo ang kambal ko," sabi ko. Kita ko sa mukha niya ang gulat.

"What?"

"Panagutan mo siya,"

"I don't love her. Ikaw ang mahal ko-"

"YOU FUCKED HER! YOU FUCKING FUCKED HER, LUCAS. Tapos sasabihin mong mahal mo ako? Ang daming babae bakit ang kambal ko pa?" Sigaw ko. Nakita ki ang pagluha niya kaya napaluha na rin ako.

Sinukan niyang hawakan ang kamay ko ng biglang bumukas ang kotse at hinila ako ng kung sino..

"A-auncle Shawn," mahinang sabi ko pagkakita ko sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak at yumakap sa kanya

"Auncle-" umiiyak na sabi ko.

"It's okay, Precious. I'm here," sabi nito.

Niyakap ko lang siya ng mahigoit habang umiiyak. Bumalik ang lahat ng sakit at ala ala ng makita ko si Lucas at si Serenity na magkasama sa kama.

Para akong nakahanap ng kakampi at alam kung ako ang kakampihan ni auncle.

Pinasakay ako ni Auncle sa kotse niya. Nakita ko pa siyang kinausap si Lucas.

Pag-uwi namin agad akong pinag impake ni Auncle Shawn. Nagulat pa ako lalo sila Mommy at Daddy.

"WALANG AALIS!!" galit na sabi ni Mommy.

"Can't you see, Ate? Habang magkasama ang dalawa lalong gumugulo. Masyado niyong pinalaku ang ulo ni Serenity kaya pati ang kambal niya kaya niyang saktan. Kukunin ko si Serene at ako ang magbabantay sa kanya. Sa Canada siya mag-aaral. " galit din na sabi ni auncle.

"I am her morther ako ang-"

"At ano? Hahayaan mo si Serene na masaktan habang nakikita ang kambal niya at ng lalaking minahal niya na kinakasal?"

"Tama ka, alagaan mo ang anak ko." singit ni Daddy at yumakap sa akin. "Alagaan mo ang sarili mo. I'm sorry," naluluhang sabi nu Daddy.

"DREY!!!"

"Let her go, Shannie. Hayaan mong humilum ang sugat sa puso ng anak mo." Sabi nito at humarap sa akin. "Babalik ka naman anak diba?"

Ngumiti ako at yumakap kay Daddy.

"Babalik ako na isa ng ganap na engineer, Daddy. Gagawan pa kita ng bahay galing sa pinagpaguran ko." nakangiting sabi ko.

Wala ng nagawa si Mommy at sa gabi ring iyon umalis ako kasama si Auncle.

Babalik ako, sa pagbabalik ko- wala ng pwedeng manloko sa akin.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now