59

2.5K 136 45
                                    

Railey's pov

"Mommy, I wanna thank Tito DJ. Please tell him to come here," pakiusap ng anak ko. 

Kakauwi lang namin galing sa hospital dahil maayos na ito. Papunta ako ngayon sa presinto dahil nahuli na ang limang lalaki na dumukot sa anak ko sa harap ng University.

"Hintayin mo ako Dito at susunduin ko siya," Sabi ko bago siya hinalikan.

"Okay, Mommy."

"Raya Ikaw na Ang bahala kay Sierra. If something happen again call me," saad ko.

Paglabas ko ng bahay nakita ko ang ilang guards na hinire ko pati na rin ang limang body guard ni Sierra.

Wala si Uncle Shawn kaya dapat higpitan ko ang pagbabantay sa anak ko.

"Wala kayong ibang papasukin maliban sa akin at si Zhaika kung pumunta man siya dito."

"Copy, Madam." 

Hanggang ngayon sobra pa rin ang Galit ko kay Serenity at sa Mommy nito. Anak ko ang dinamay nila, sisiguraduhin ko na magagalit si Serenity sa mga gagawin ko.

Pag napatunayan ko na isa sa kanila ang nagpadukot sa anak ko, baril ko na ang hahatol.

"Good morning Ms. Dela Vega-"

"Where are they?"

"This way, madam."

Pagpasok namin sa maliit na room nakita ko ang ilang kalalakihan na puro tattoo ang katawan.

Naalala ko ang pasa sa braso ng anak ko kaya mabilis kong hinugot sa bewang ng pulis ang baril at tinutok sa mga lalaki.

"Sino ang nanakit sa anak ko?" Mariing tanong ko.

Kita ko ang takot sa mata nila maliban sa lalaking nasa gitna.

"Ako, bakit may angal ka? Iputok mo at kakasuhan-ARGHHHHH! SHIT!"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng pinutok ko ang baril sa legs nito.

Daplis lang 'yun pero Nakita ko na Ang takot sa mata nito at ng mga kasama.

"Hindi niyo ba Nakita binaril niya ako!" Galit na sabi nito sa pulis habang nakahawak ang kamay sa leg nitong nagdudugo.

Hindi sumagot ang Pulis at lumabas ito ng kwarto na Hindi man lang kinukuha ang baril sa akin. Takot lang nila.

Umupo ako sa harap nila at isa-isa silang tinitigan. Kita ko ang takot sa mata nila Lalo na nuong umalis Ang Pulis.

"Isang beses lang akong magtatanong at sisiguraduhin kong sa ulo niyo ibabaon ang bala ng hawak kong baril pag nagsinungaling kayo sa akin."

"Hindi namin gustong kunin siya napag-utusan lang kami."

"Pasensya na kinailangan ko lang ng pera para sa anak ko kaya nagawa ko 'yun."

"Hindi namin kilala Ang nag-utos sa amin."

Hindi pa ako nagtatanong pero mabilis na silang sumagot, tsk!

"Sino ang nag-utos sa inyo na dukutin ang anak ko!" Tanong ko habang nakatingin sa baril ko at sa kanila.

Ilang minutong walang nagsalita at nagtitinginan lang.

"Drop a name," mariing sabi ko.

Walang nagsasalita sa kanila kaya tinutok ko ang baril sa lalaking nasa gitna.

"Wala akong balak maghintay nang matagal, sasabihin mo o ipuputok ko ito sa ulo mo! Isa-"

"SASABIHIN KO NA! SASABIHIN KO NA WAG MO LANG AKONG PATAYIN!" Malakas na sabi nito.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now