47

2.8K 147 58
                                    

Hello

Birthday month ko kaya expect niyo na maraming updates.

Enjoy-

---------


Railey's pov

"I will not be able to attend the meeting so you will be my representative."

"Why?" Tanong ko kay Uncle Shawn.

"Magbabakasyon kami ng asawa at anak ko," saad ni Uncle.

Yeah kasal ni si Uncle at may anak na rin ito. Ayaw kong magkwento dahil may sarili nsiyang story.

"Paano 'yan? Clemente clan ang naduon di ba?"

"You are Clemente-"

"Dela Vega, Uncle. But okay since I'm your representative I'll go," saad ko.

"Zhaika will be there kaya hidni mo kailangang mag-alala. I asked her to come," sabi nito kaya tumango na lang ako.

Umalis na siya at bumyahe habang ako naman ay pinag-aaralan ang mga company ng pamilya para naman hindi ako magmukhang tanga mamaya.

Dahil wala akong maalala at nagbabase na lang ako sa kwento ni Uncle, Zhaika at Tanya mahirap akong magtiwala sa iba. Para sa akin silang tatlo lang ang dapat kong pagkatiwalaan para sa amin ng anak ko.

"Mommy, where's Shawny?" Tanong ni Sierra.

Shawny ang tawag niya kay Uncle Shawn. Malay ko ba sa anak kong ito parang matandan lagi, hindi ko nga naranasang ihele 'yan dahilnasa coma ako nuong pinanganak ko siya.

"He left. Come here, I will fix your hair. Where's your yaya?" Tanong ko pagkalapit nito sa akin.

Hindi ako nito sinagot at tumawa na parang nakakaloko.

"Ano na naman ang ginawa mong bata ka?" Tanong ko.

"Hehe, we played hide and seek in the park. I'm bored kaya umuwi na ako baka naghahanap pa rin siya till now," nakangiting sabi nito.

"I told you to be nice-"

"Mom, I am nice. Naboring lang ako," sagot nito. "Are you leaving Mommy?"

"I have a meeting-"

"I'll go with you and you can't say no to me. Sad ako pag hindi mo ako sinama, at ayaw mong maging sad ako kaya sasama ako. Right?"

Natatawang tumango na lang ako dahil ang cute niya tipong hindi mo maiintindihan.

Sabay kaming nagtungo sa main office ng Clemente's company, kasama ko pala si Raya o Tanya para maging secretary ko.

Nakwento na nila sa akin ang lahat ng nangyari nuon kaya sobra ang nararamdaman kong galit. Kahit kay Monteverde na ama ng anak ko? Tsk, jerk with no balls.

"Do you have an appointment-"

"I am Railey Dela Vega, Shawn Clemente's representative."

"Ah opo. Pasensya na po hindi ko kayo nakilala. Naitawag na ni Sir Shawn ang pagdating niyo. Kanina pa po sila nasa board room," saad ng nasa front seat.

Sinamahan niya kami hanggang sa board room.

"Is it boring inside, Mom?" Tanong ni Sierra.

"Para sa batang gaya mo boring talaga kasi wala kang maiintindihan," natatawang sabi ni Raya(Tanya).

"Duh, I'm smarter than my classmates Tita. Kaya I'm sure people inside are stupid like my classmates," sabi ni Sierra kaya natawa kami ni Raya. Habang ang babae naman na naghatid sa amin ay gulat na lumuhod sa harap ng anak ko.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now