64

3.2K 151 103
                                    

Ito na Madam hahahaha.

Lee_dragon16 sa Dreame at yugto.

(Sa nagtanong pala kung nagbabasa ako ng mga comments, yes po paulit-ulit na pagbabasa. Haha di lang ako nagrereply kasi nahihiya ako.)

"GOOD MORNING EVERYONE!"

--------------

Serene's pov

Nandito kami sa office ni Grandpa kasama si Uncle Ivan, Uncle Yves, Uncle Shawn, Tita Erza, Zhaika, Daddy at Mrs. Shannie.

Umiiyak siya habang pinapakalma ni Uncle Ivan.

Katabi ko ngayon si Zhaika at sa kabila ko ay si Uncle Shawn.

Hindi ko nagugustuhan ang Galit niya kay Uncle Shawn dahil nilayo ako. She is selfish.

"A-anak, m-maniwala ka p-para akong pinatay nuong akala namin patay ka na," pagdra-drama niya sa harap ko- sa harap namin.

Wala akong maramdamang awa.

Galit ako dahil sobrang galing niyang umarte na akala mo siya ang nasaktan.

"Sana nga namatay ka na lang talaga," walang emosyon na saad ko.

"Serene!" Granny

"How dare you!" Galit naman na sabi ni Uncle Shawn Yves.

Habang ang iba ay tahimik lang na nakamasid.

Tumawa naman ako.

"Serene," pigil ni Zhaika sa gilid ko at hinawakan ang nanginginig kong kamay.

Gusto kong manakit!

"Lahat ginagalang ang pamilya Clemente pero ako? Nasusuka ako sa pamilyang ito!"

"Anak-"

"Wag mo akong tawaging anak Mrs. Evans dahil matagal ko ng kinalimutan na may pamilya ako," mariing sabi ko at hinarap si Mrs. Evans. "Family comes first, 'yan ang lagi niyong sinasabi sa akin nuon di ba? Bullshit! Hindi ko naranasan kahit isang beses na mapabilang sa pamilya mo. But it's okay now, nagpapasalamat pa rin ako dahil pinanganak mo ako."

Umiiyak siya pero Wala eh, naubos ako. Kung nuon mahal na mahal ko siya ngayon hindi ko siya makita bilang pamilya.

"A-anak babawi ako, m-miss na miss na kita. A-anak mahal na mahal kita patawad Kong 'yan ang nararamdaman mo-"

"Anak? Isa lang ang anak mo si Serenity lang. Let's stick to that,"mariing sabi ko.

Isa isa ko silang tinignan at sinisiguro ko na makikita nila ang pagkamuhi ko sa kanila.

"Princess-"

"Dad," sagot ko sa pagtawag ni Daddy sa akin.

Galit ako kay Mrs. Evans, Galit rin ako kay Daddy pero  Hindi ko mapigilang maluha pag nakikita ko siya.

"Princess anak patawarin mo kami-"

"Alam mo Dad kaya ko naman sana eh kahit Wala Ang attention nila basta Ikaw nasa tabi ko nuon- pero wala eh. Naging sunod-sunuran ka sa asawa mo at nakalimutan mo na may isa ka pang anak. I-i hate you Dad, g-galit na galit ako sayo kasi pinaglaban kita nuon eh. A-alam mo pinagsisisihan ko ang pagpili ko sayo nuon, sana si Tito Zeo na lang."

Napayuko ako para di nila Makita ang mga luha ko.

Ang sakit pa rin.

Gusto kong ipakita na Hindi na nila ako kayang saktan pero 'yung mga alaala nuon kung paano nila ako baliwalain laging sumasagi sa isip ko.

May mga gabing umiiyak na lang ako bigla.

Sobrang lalim ng sakit na ginawa nila sa akin.

"Erza, Yves, Ivan at Zhaika lumabas muna kayo."

"Pero Dad-"

"Just go!"

Niyakap ako ni Zhaika.

"Maghihintay ako sa labas."

Tahimik Ang lahat paglabas nila. Nanatili akong nakayuko.

"Anak-"

"GET OFF ME! "

Malakas kong tinulak si Mrs. Evans nang tangkain niya akong yakapin.

"SERENE, DON'T HURT YOUR MOM!" Mariing sabi ni Grandpa kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na ako pa ang lalabas na masama.

"Did I hurt her? Tinulak ko lang siya dahil ayokong madikit siya sa akin. Pananakit na ba 'yun? " Tanong ko. " How about me Mr. Gavin Clemente? Am I not a victim here? Ilang beses niya- no! Ilang beses niyo akong sinaktan sa mga panahon na nasa poder niyo pa ako. Yeah not physically but mentally!"

" A-anak please. "

Hinarap ko siya. Nakita ko si Daddy na naka-upo lang at nakayuko habang gumagalaw Ang balikat nito.

Crying for what?

Tinignan ko si Mommy na tinangka ulit akong lapitan pero tinulak ko siya kaya natumba ito.

Hinawakan ni Uncle Shawn ang braso ko.

"Enough-"

"No! Magsasalita ako para maipamukha sa kanila ang mga ginawa nila, na dapat wag silang umarte na biktima Dito!" Galit na sabi ko at hinarap si Mrs. Evans. "My life in Canada was okay- I was better without all of you pero anong ginawa mo? Sinira mo para kay Serenity. You begged para magpakasal ako, you ruined my life!"

" I-I'm sorry, I'm sorry anak. I- I'm really sorry, please forgive me."

"No! I will never forgive you! You know what kung hinayaan mo lang ako sa piling ng Asawa ko at pinigilan mo ang anak mong guluhin kami, okay na eh. Force marriage pero minahal ko na eh," pinunasan ko ang luha ko na walang tigil sa pagtulo. " S-sabi ko nakabawi ka na kasi may b-bago na akong pamilya at sisiguraduhin ko na h-hindi ko ipaparanas sa magiging anak namin Ang mga naranasan ko BUT YOU AND SERENITY RUINED IT AGAIN! YOU RUINED MY FAMILY! NANG DAHIL SAYO AT SA ANAK MO HINDI LUMAKI ANG ANAK KO NA MAY AMA! NILANDI NIYA ANG ASAWA KO PERO WALA KANG GINAWA DAHIL SI SERENITY LANG ANG MAHALAGA SAYO!"

"H-hindi totoo y-yan! "

" Bullshit! Fuck! H-hanggang Dito ba naman magsisinungaling ka pa? A-akala mo hindi ko alam a-ang ginawa mo? A-akala mo walang makaka-alam? You and Serenity talked to Jhezter and told him everything. S-sinabi mo pa sa kanya na ginagamit ko lang siya at may boyfriend ako sa Canada- sinupportahan mo si Serenity kahit Ang k-kapalit ay masaktan ako. N-nasaktan ako ng Asawa ko, pinagtabuyan ako d-dahil sa paki-alam at sa kasinungalingan niyo!"

"I'm s-sorry- nagsisisi na ako. P-inagsisihan-"

Lumuhod siya sa harap ko kaya.

" P-patawarin mo si Mommy. A-anak please. Mahal na mahal kita, s-sorry- sa lahat. L-lahat ng gusto mo gagawin ko m-mapatawad mo lang ako."

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan ko siya.

"Patayin mo si Serenity sa harap ko, pag nagawa mo 'yun papatawarin kita! "

Iniwan ko sila at tuluyan ng lumabas. Kahit umiyak pa siya buong Buhay niya Wala akong paki-alam.

Pagbaba ko ng hagdanan hinarang ako ni Serenity.

"Bakit bumalik ka pa! Masaya na kami ng Wala ka!" Saad nito. "Hindi-AHHHHHH"

Sinampal ko siya magkabilaan. Hindi pa ako nakontento at sinampal ko pa siya nang malakas at hinawakan ang panga niya.

"Bumalik ako para bawiin Ang Asawa ko!"

Tinulak niya ako kaya napalayo ako sa kanya.

"Wala ka ng magagawa dahil boyfriend ko na siya!" Matapang na sabi nito.

Napangisi naman ako at lumapit sa kanya.

"I'm alive- We are legally married, Serenity. Sa mata ng batas ako Ang may karapatan sa kanya! Sa mata ng batas kabit ka lang!"

"Hindi mo makukuha ang boyfriend ko!"

Naglakad ako at huminto sa gilid niya para bumulong.

"Your boyfriend is my Husband. "


Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon