76

2.7K 110 27
                                    

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!!

Serene's pov

"Mom, good morning. Wake up, dad is here."

Pagkamulat ko ng mata ko tinignan ko agad ang oras.

Darn, 7 pa lang ng umaga.

"Too early baby, " inaantok na sabi ko.

Halos dalawang oras pa lang ang tulog ko dahil sa dami kong binasa para sa kompanya kaninang madamiling araw. Tatlong kompanya ang hawak ko kaya kailangan ko laging mag-overtime.

Ilang buwan na ang nakaraan simula ng makuha ko lahat kay Serenity. Wala na itong paramdam sa amin at unti-unti na rin akong napapalapit sa pamilya Clemente maliban kay Mommy.

"Sierra baby, hayaan mo munang mag-sleep si Mommy. Samahan mo akong ipagluto siya," rinig kong sabi ni Laurence na nakuha pang humalik sa noo ko.

Kahit ilang beses ko na yang ni-reject patuloy pa rin ang panliligaw niya sa akin. Close na rin sila ni Sierra, that's all I want. I want my daughter to be Happy.

Bumalik ako sa pagtulog pagkatapos nilang lumabas. 9 na ng magising ako at pagbaba ko nakita ko si Laurence na kasama ang anak na nagbabasa.

"Morning," bati ko sa dalawa at humalik kay Sierra.

"How about me?" Nakangiting sabi ni Laurence pero inirapan ko lang ito. "Cute, kain ka na."

Dumeretcho kami sa dining area at sinabayan ako ng dalawa na kumain.

Tahimik lang ako habang ang dalawa ay patuloy na nagkwe-kwentuhan.

"Mom," tawag ni Sierra. "Ryle said I'll be his girlfriend when we grow up. Sinabi ko na to be my future boyfriend dapat may company siya and he is the CEO. I told him that I don't want a stupid future boyfriend so he needs to study hard."

Natawa ako sa sinabi nito dahil grade 2 pa lang siya.

"Dapat kagaya ko anak," singit ni Laurence.

"No, daddy. I love you but I don't want my future boyfriend to be like you, my future boyfriend should be faithful."

Kinagat ko ang labi ko para pigilang matawa Lalo na ng makita ko ang mukha ni Laurence na napasimangot.

"Si Mommy mo lang kaya ang mahal ko. Di ba wife?" Hahanap pa talaga ng kakampi.

"I don't know," sagot ko at sabay kami ni Sierra na tumawa.

"Pag okay na tayo ulit sisiguraduhin ko talagang bubuo ako ng baby boy para may kakampi ako," saad nito na parang bata kaya mas Lalo akong natawa.

"I love you dad," sabi ni Sierra.

" I love you too, Princess-"

" Ewwww- my name is Floryn Sierra not princess," taas kilay na sabi ng anak ko

"I love you, Sierra." Ulit ni Laurence bago tumingin sa akin. " I love you my wife."

Ngumiti ako at hindi siya sinagot. There's always a right time to say I love you too to him.

Nagsimba kaming tatlo bago dumeretcho sa condo ni Daddy. Birthday niya Ngayon at I'm planning to surprise him, Yung Galit ko kay Dad nawala na, bawing bawi na rin siya sa anak ko at sa akin.

Gusto kong maging okay muna ako kay Daddy bago kay Laurence. At ngayong tuluyan ko ng babasagin Ang harang sa pagitan namin ni Daddy.

"Happy birthday dad," bungad ko pagbukas nito ng pinto.

"Serene," Hindi makapaniwalang sabi nito.

Bumati rin si Sierra at Laurence na nauna ng pumasok sa condo. Habang ako naman ay kaharap ko pa si Daddy.

"Anak, I'm sorry."

"Okay na daddy, pinapatawad na kita. Nagkulang ka man sa akin nuon, okay na yun dahil sobra sobra pa ang pinaparamdam mong pagmamahal kay Sierra. Thanks dad."

Niyakap ako ni Daddy nang mahigpit, ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko habang yakap niya ako. Umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasabing babawi siya sa akin.

"Patawarin mo si Daddy sa lahat ng pagkukulang ko. Hinding hindi na ulit kita iiwan sa ere, magiging kakampi mo ako sa lahat ng oras."

" I know," tipid na sabi ko.

"Sobrang na-miss kita anak."

" I missed you too, Dad."

Naging masaya ang handaan sa bahay ni Daddy dahil tinawagan ko si Zhaika at dumating ito Kasama sina Uncle Yves at Uncle Ivan.

"Masaya ako at okay na kayo ng Daddy mo," nakangiting sabi ni Zhaika sa akin. "Excited na rin ako na madiligan ka ulit. Hahahaha."

"Baliw," natatawang sabi ko.
Nag-inuman si Daddy Kasama sila Uncle at si Laurence. Habang ako si Raya at Zhaika ay nagkwen-kwentuhan. Si Sierra naman ay nasa kwarto ng condo natutulog.

"Anak 'yung Asawa mo lasing na," tawag sa akin ni Daddy.

Tumayo naman ako at pumunta sa pwesto nila. Nakita ko si Laurence na umiinom pa habang papikit pikit Ang mata.

"Mahal na mahal kho ang mag-ina kho, alam khong nagkulang ako sa kanila kaya babawi ako. She sherene lang ang mamahalin ko sa buong Buhay ko," drama nito.

"Naks sana all," sabay na sabi ni Raya at Zhaika na sumunod pala sa akin.

" Lasing na lahat-lahat pero Ikaw pa rin ang laman ng bibig," saad ni Raya.

" Kanina pa yan, humihingi siya ng sorry sa amin dahil nasaktan niya kayo ng mag-ina niya," saad ni Tita Jewel sa akin.

"Pabebe pa kasi si couz, Mommy. Dalagang pilipina," side comment ni Zhaika.

Pabiro ko itong tinulak bago nilapitan si Laurence.

" Hoy," tawag pansin ko rin.

Napapapikit pa itong tumingin sa akin bago tumayo at nilapitan ako.

" Shinusundo na ako ng Asawa ko. Uwi na kami," lasing na sabi nito. At dinampian pa ng halik ang labi ko at sinuksok Ang mukha sa leeg ko."Uwi na tayo Asawa ko."

"Tsk, iinom inum di pala kaya."

"Sorry na wife, nagpapalakas ako kay Daddy." Bulong nito sa akin.

Narinig ko pang natawa si Daddy sa likod ko.

"Sige na anak, iuwi mo na Ang Asawa mo. Ako na Ang bahala kay Sierra, susunod kami sa inyo."

"Thanks dad. Happy birthday again," alis yayakap ako sa daddy ko.

Pilit kong tulak rito dahil ang higpit ng yakap sa akin.

"No, you are only mine."

"AT PUTCHA, KASALAN NA COUZ. PATI SA DADDY MO PINAGDADAMOT KA. HAHAHA!"

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now