34

2.4K 106 48
                                    

-Celine

Ito na❤️💚

-----

Serene's pov

Dumeretcho ako sa bahay nila Mommy para sabihin ang nangyari.

"Where's Mom?" Tanong ko sa nakita kong kasambahay.

"Wala po sila ni Sir maaga pong pumunta sa company niyo," sagot nito kaya umalis ako at pumunta sa company.

" Good morning, Ma'am Serenity." Bati ng guard kaya napa-irap ako.

Ang Kilala lang nila ay si Serenity dahil hindi naman ako pumupunta madalas rito nuon. At masyadong papansin Ang kambal ko na pinagkalat pa na nag-usisa siyang anak.

Dumeretcho ako sa opisina ni Daddy at nadatnan ko rin si Mommy.

"Serenity is with my husband," sabi ko agad paglapit ko.

"Goodmorning, anak." Bati pa ni Daddy kaya lumapit ako rito para humalik sa pisngi.

"Dad, si Serenity nagpapanggap na ako at parehas pa kami ng buhok at damit. Siya ngayon ang Kasama ni Laurence," naiinis na sabi ko.

" Ibalik mo na si Jhezter sa kapatid mo, " Sabi ni Mommy kaya napailing ako.

Wala talagang palya si Mommy para bwesitin ang araw ko.

"Bakit ko ibabalik eh ako ang legal na Asawa? Nag-iisip ka ba Mommy?" Hindi ko mapigilang sabi.

" SERENE!" Sigaw ni Daddy.

"What? I'm just asking, are you going to help me or not? Para alam ko na," inis na sabi ko.

" We are not helping you. Sinabi ko sayo na ibalik na siya sa kambal mo-"

"Laurence is legally married to Serene and that's me!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses.

"I can fix it," Sabi ni Mommy.

Tinignan ko ito nang masama.

"Try me and I'll kill her,"mariing banta ko bago ko sila talikuran.

" Serene, Anak!" Tawag sakin ni Daddy pero hindi ko ito pinansin.

Bakit pa ba ako umasa na matulungan nila ako e paborito nilang anak Ang problema ko. Useless parents.

Tinawagan ko si Zhaika para sabihin na magkita kami sa condo ni Tanya.

Subukan lang ni Laurence na galawin si Serenity sa mismong kama namin. Puputulin ko ang kaligayahan niya.

"Mukha kang papatay," bungad ni Tanya sakin pagbukas niya ng pinto.

"Papatayin ko talaga ang dalawa pag nag sex sila," deretchong Sabi ko.

" Sinong dalawa?" Tanong nito na umupo sa tabi ko sa sala niya.

"Serenity kasama ni Laurence. Fuck her, ginaya niya ang look ko at kasama niya ngayon si Laurence. Argh," inis na sabi ko. "Malaman ko lang na may nangyayari sakanila ngayon kakalimutan ko na kambal ko siya."

"Desperate moves," sabi ni Tanya. "Kaya pala kasabay ko siya sa salon yesterday, may plano pa lang makasama Ang asawa mo."

" Argh! Malalaman siguro ni Laurence na may iba sa Kasama niya di ba?" Hindi mapakaling sabi ko.

Nakaramdam ako ng pandidiri pag iniisip na may ginagawa ang dalawa.

"Malamang hindi, magkamukha kayo ni Serenity lalo na ngayon na ginaya niya ang hairstyle mo. Loka-loka talaga ang kambal mo," sabi ni Tanya.

Hindi na ako sumagot at pinikit ang mata ko. Gusto kong sumugod sa bahay pero ayaw kong matapos Ang pagsasama namin ni Laurence...ayoko pa.

Pag nalaman nito ang totoo there's a possibility na iwan niya ako.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon