20th

2.4K 97 53
                                    

Add niyo po ako sa fb SHANNIE CLEMENTE🤣 para maging active na fb ko. Haha kinakalawag eh.

Sa Dreame din, dalawin niyo ang account ko.




-------

Serene's pov

"What the hell, Laurence! Kung wala kang magawa, magpakamatay ka na lang at wag ako ang guluhin mo!" inis na sabi ko kay Laurence na kanina pa naka buntot sa akin.

Mula paglabas ko ng kwarto ay nakasunod na sa akin at lagi akong binubunggo kaya hindi ko magawa ng maayos ang mga kailangan kong gawin.

"Serenity! Serenity! Dati lang gusto mo laging nakadikit sa akin, pero mula ng maikasal tayo parang ibang tao ka na. Hmmmm kung hindi kita kilala iisipin ko na may kambal ka at ang kambal mo ang kaharap ko ngayon," sabi ni Laurence.

Natigil ako dahil sa sinabi nito. Tinignan ko siya ng masama.

"Nakakapagod kang habulin," yun na lang ang nasabi ko.

"Haha, really? Naaalala mo ba ang babaeng binuhusan mo ng juice dahil nakita mong ka-date ko? Yung isang anak ng mayor na sinabunutan mo dahil kasayaw ko sa bar, eh yung isang isang ex ko na muntik mo ng mapatay dahil tinulak mo siya sa second floor ng bahay namin dahil nakita mong naghahalikan kami? Naaalala mo ba ang mga ginawa mo? Galing din kasi ng mommy mo, lagi kang pinagtatakpan. Dahil kung hindi nasa kulungan ka na ngayon," sabi nito na nagpagulat sa akin.

"I pushed her and almost kill-"

"Don't tell me nakalimutan mo na! Lagi mo ngang sinasabi na they deserved your wrath! Bad news slutty wife, I am your bad karma. You'll be mesirable," nakangising sabi nito bago binuhos ang juice sa ulo ko.

"What the fuck, Laurence!!" Galit na sabi ko pero hindi ako nito pinansin.

Galit akong nagpalit at umalis ng bahay. Tinawagan ko si Zhaika at Tanya para makipagkita.

"Haha, ano ba ang nangyari at ang aga-aga mukhang galit ka na," tanong sa akin ni Tanya.

Habang si Zhaika naman ay nakatingin lang sa akin.

"Do you know what my twin does while I'm away?" Tanong ko kay Zhaika.

"Yes, Yana always told me about what Serenity was doing. Yana said that Serenity treats everyone who flirted  Jhezter badly, ang huli ay si Loisa na muntik ng mamatay dahil tinulak ng kambal mo mula sa 2nd floor. Magddemanda na sana ang pamilya nito pero nagbayad ang mommy mo ng malaking halaga. She's obsess with Jhezter," kwenta ni Zhaika. "Oh wait, may malala pa pala na hindi nabalita. Narinig ko lang na pinag-uusapan ni Daddy, may nakalaban si Serenity na nasa mafia dahil din kay Laurence. Yung ang suspect nila Daddy sa nag-ambush sa kambal mo."

"What!?" Gulat na sabi ko.

"Yeah! Kaya galit si Daddy at Auncle Shawn kay Tita Shannie dahil sa pagpapanggap mo. Pwede kang pag-initan ng gumawa nun kay Serenity," sabi ni Zhaika sa akin.

So totoo ang mga sinabi ni Jhezter. At alam din ni Mommy na pwedeng manganib ang buhay ko dahil sa pagpapanggap.

"Hanla, grabe ang Mommy mo Serene." Sabi ni Tanya.

Hindi ako nagsalita at galit na nakatingin sa phone ko kung saan tumatawag si Mommy.

Tinuruan ako ni Auncle Shawn ng Self Defense, pero hindi ang makipaglaro sa kamatayan.

"Couz, chill. Narinig ko rin na may mga nakabantay sayo-"

"That's non-sense, Zhaika. I am architect Serene, pinaghirapan kong makapagtapos hindi lang para mauwi sa ganito! Umalis ako ng bansa because Serenity wanted me to leave! And shit!" Galit na sabi ko bago tumayo.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Där berättelser lever. Upptäck nu