75

2.3K 104 16
                                    

Serene's pov

"Haitz, Ewan ko sayo! Hindi pa rin ako nakaka-move on sa pag-reject mo kay Jhezter."

"Zhaika, isang linggo na kaya magmove on ka na," baliwalang sabi ko.

"Couz, di kita ma-gets. Sabi mo dpat maging close muna sila ni Sierra bago ka niya problemahin. Pwede naman sabay kayong maging close niya pare happy family na! "

"It's my decision."

Napatingin ako kay Raya na natatawa sa phone nito.

"Raya," agaw pansin ko sa kanya kaya napatingin ito sa akin. "What's that?"

"Naglagay ako ng CCTV sa apartment ng kambal mo. Nakakatawa siyang panuorin lalo na kagabi, hahahaah."

Mabilis namang napatayo si Zhaika at lumapit kay Raya. Ganun rin ang ginawa ko at nakita ko sa phone nito si Serenity na naka-upo sa isang maliit na sofa at magulong lugar.

"Wala siyang alam gawin kaya nagmukhang madumi Ang tinitirahan. Ang dogyut lang," natatawa pa ring sabi ni Raya.

"See? Your twin sister is hopeless, it's your time to be happy. Wala ng sagabal," sabi ni Zhaika.

" Pag okay na sila ni Sierra at tuluyan ko na siyang napatawad, tsaka ko siya bibigyan ng chance." Saad ko habang pinipirmahan ang lahat ng papeless sa harap ko.

Pagdating ng lunch Hindi na ako nagulat sa pagpasok ng secretary ko na may mga dalang pagkain.

Hinihintay ko itong magsalita pero hindi ko inaasahan ay ang huling papasok sa opisina ko. Si Laurence kasama ang anak naming si Sierra.

"Hello, Mommy. We had fun po," masayang sabi ni Sierra na agad yumakap sa akin.

"Greet your titas, baby."

Lumapit naman ito kina Raya at Zhaika habang si Laurence naman ay lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.

"I love you wife," everyday niyang sinasabi sa akin 'yan. Walang mintis. "Nagdala ako ng makakain mo dahil alam kong puro ka na naman trabaho. Sabi ko naman sayo you don't need to work, I can provide everything that you and Sierra needs."

"Don't start laurence-"

"Just a fact wife," nakangiting sabi nito at tumabi pa talaga sa akin." Hey, let's eat."

Lumapit ang tatlo sa amin at kita ko ang nanunuksong tingin ni Raya at Zhaika sa akin.

"Gumagwapo ka ngayon, Jhezter." Saad ni Raya.

"Thanks."

"Pero walang epekto ang kagwapuhan mo sa pinsan ko. Tsk yan ang epekto pagchukchak mo sa evil cousin ko," natatawang sabi ni Zhaika.

Wala talagang preno ang bunganga.

Hindi nakapagsalita si Laurence dahil alam naman nito guilty at walang laban sa bunganga ni Zhaika.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa pagkain.

"Hmm, Zhaika pwede bang Ikaw muna ang magbatay kay Sierra mamayang gabi? May pupuntahan kami ni Serene," napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Lawrence.

"Sure, gumawa kayo ng kambal at sa akin na ang isa para maging masaya na si Mommy at Daddy." Biro ni Zhaika.

At tulad ng inaasahan mabilis na umalis ang dalawa at sinama pa si Sierra. Para daw makapagsolo kaming mag-asawa. Sabing gabi eh, masyadong excited ang dalawa.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"Surprise-"

"I told you already na hindi pa ako ready."

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now