79

3.8K 112 62
                                    

Author's pov

"Ganda ng ngiti ah, in love yarn?" Panunukso ni Zhaika sa pinsan na si Serenity.

"Di ka na nasanay dyan, isang linggo na 'yan nakangiti. Malamang nadidiligan," banat rin ni Raya at sabay silang tumawa ni Zhaika.

"Jealous eh, magjowa na rin kayo." Natatawang sabi ni Serene sa dalawa.

Busy si Serene sa pagluluto para sa breakfast ni Sierra at ni Jhezter na tulog pa rin sa kwarto nito.

"Pagod na pagod ata si Jhezter at dito na nakatulog. Sarap na sarap ka naman at hindi mo na pinauwi," nanunuksong sabi ni Zhaika.

"I asked him to leave but he said he is tired so I let him -"

" Asus, gusto mo rin eh. Bwahahahahahaha."

Naiiling na lang si Serene sa panunukso ng dalawa sa kanya. Ilang minuto lang bumaba si Sierra Kasama si Jhezter.

" Goodmorning, Mommy."

" Goodmorning, Wife."

Sabay na bati ng dalawa pagkatapos humalik kay Serene.

" Wow ah para kaming multo na Hindi napansin," pagpaparinig ni Raya. "Hello, we are here."

"Morning ladies," walang gang bati ni Jhezter at muling binalik ang tingin kay Serene at niyakap ito sa likod." Wife-"

" May mga tao Laurence -"

" I don't care, I wanna stick on you whole day. Damn, you smell good."

Mabilis na nakalapit si Zhaika kay Sierra at tinakpan nito ang mata ng bata.

" Pasintabi huh may bata rito baka magulat na lang kayo magkajowa agad ito," saad ni Zhaika kaya mabilis na napabitaw si Jhezter at lumapit sa anak.

"Princess bawal may boyfriend Hanggang 30 ka huh."

"Tito DJ said the same thing Dad."

"Princess, I'm serious. No boyfriend. "

Tumayo si Sierra sa upuan at humarap sa daddy nito.

"Dad, I am not a princess that need a prince to save me. I am a queen, I can handle myself. I don't need a man."

Napangiti naman si Jhezter sa narinig.

"Asus, ganyan rin ang Mommy mo nuon. Kita mo ngayon sila na ng Daddy mo at nagawa ka pa," saad ni Zhaika.

"Tama na 'yan. Kain na muna," singit ni Serene at inihanda na ang almusal nila.

Sa gitna ng pagkain nila tumayo si Jhezter at nilahad Ang kamay kay Serene.

"What?" Tanong ni Serene na tumayo rin.

Natigil sa pagkain sila Zhaika, Raya at Sierra.

Lumuhod si Jhezter at nilabas Ang singsing.

"Omg!!!"

"Gosh, may singsing!"

Hyper na sabi ng dalawa habang si Sierra naman ay Hindi alam Ang nangyayari.

"Laurence -"

"This time I want everything to be perfect. Let's start a new beginning," saad ni Jhezter. "Serene, will you marry me?"

Nakagat ni Serene Ang labi at paulit-ulit na tumango habang Hindi inaalis Ang tingin kay Jhezter.

"Yes."

"Kasalan ulit. Yehey," parang batang sigaw ni Zhaika na nakalapit na kay Sierra. "Congratulations."

Kinuha naman ni Jhezter si Sierra at sabay nilang niyakap ni Serene.

Pagkatapos ng proposal na 'yun napagpasyahan ng lahat na pumunta sa Clemente mansyon para ipaalam sa lahat.

Nadatnan nila duon ang lahat dahil naitawag na ni Zhaika ang pagdating nila.

"Where's Dad?" Tanong ni Serene ng mapansin na Wala si Drey.

"On his way," sagot ni Ivan. "What's the news?"

"Later, I want my dad to be here." Saad ni Serene bago umupo sa harap ng lahat.

Tahimik at nangungulilang nakatingin si Shannie kay Serene at sa apo nitong si Sierra.

Ramdan ni Serene Ang pagtitig ng kanyang Ina pero pinagsawalang bahala niya ito. Hindi pa rin niya magawang patawarin Ang Ina sa lahat ng nangyari Lalo na ang pagkakasira nilang mag-asawa at ang paglaki ni Sierra na walang ama sa loob ng ilang taon.

"Serene, Hindi mo ba babatiin ang itong Ina?" Tanong ni Ivan dahil pansin nito ang lungkot ng kambal.

"Wala akong Ina," baliwalang sabi ni Serene.

Sasagot pa sana si Ivan ng hawakan ni Jewel na kanyang Asawa Ang kamay nito.

"Hayaan mo siya," bulong ni Jewel.

"Thank Mom," saad naman ni Zhaika sa Ina.

Ilang minuto lang dumating si Drey. Kaya nagtipon na ang lahat.

Tumayo si Serene at Laurence sa harap nila.

"Do I need to stand too?" Agaw pansin na sabi ni Sierra kaya natawa ang lahat.

Hindi na kailangan ng sagot dahil kusa na itong pumunta sa gitna ng magulang.

"Nandito ako para Kunin ang blessing niyo sa muling pagpapakasal namin ni Serene," pauna ni Jhezter at tinaas Ang kamay ni Serene na may singsing. "She said Yes."

"If that what makes my daughter happy, you have my blessing." Unang sabi ni Shannie na kinatahimik ng lahat.

" I don't need your-" Hindi na naituloy ni Serene ang sasabihin ng pisilin ni Jhezter ang kamay nito.

"Thank you po," magalang na sagot ni Jhezter kay Shannie.

Wala ng nagawa si Serene kundi hayaan ang Ina nito.

"You have my blessing," saad ni Drey.

"Thanks Dad," nakangiting sabi ni Serene.

Isa-isang bumati ang lahat. Sabay-sabay silang pumunta sa S.A restau para magcelebrate.

"Pwede ba kitang makausap anak?" Tanong ni Shannie kay Serene pagkatapos ng celebration.

Tatanggi na sana si Serene ng binulungan siya ni Jhezter.

"Talk to her, wife. You need it."

Iniwan sila ni Jhezter at nauna na ito sa kotse.

"What is it?"

"I'm sorry," pauna ni Shannie. "Alam ko hindi ako naging mabuting Ina. Sa kagustuhan Kong maprotektahan Ang kambal mo at di siya mawala sa akin- nagkagulo Ang lahat. Pati Buhay mo nasira ko, I'm sorry."

"Wala ng magagawa ang sorry mo," galit na sabi ni Serene at pinakatitigan ang Ina. "Alam ko ang ginagawa mong pagtulong kay Serenity Ngayon"

"Anak ko pa rin siya at binigyan ko lang ng pera. Intindihin mo naman ako anak, mahal ko kayong dalawa. Masakit para sa akin-"

"Enough!" Mariing sabi ni Serene. "Bantayan mo ang anak mo dahil isang beses pang guguluhin niya ang pamilya ko, papatayin ko siya."

" Nagbago na siya-"

"That's bullshit! " Hindi na napigilan ni Serene ang Galit niya.

"Anak, may anak ka na rin. Alam Kong kung Ikaw ang nasa kalagayan ko-"

"Hindi ako matutulad sayo dahil papalakihin ko ang anak ko ng puno ng pagmamahal at hindi isang masamang tao gaya ng anak mo! "

" Serene-"

"Cut it," seryosong sabi ni Serene." You are invited to my wedding but I don't want you to Walk down the aisle with me. Disgusting."

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now