48

2.6K 107 26
                                    

Railey's pov

Mula nang umuwi ako sa Pilipinas kabilaan ng natatanggap kong invitation  para sa party. Gayun pa man wala akong pinupuntahan kahit isa.

Nang makilala ako dahil sa mga designs ko ng building naging mailap na ako sa tao. Ganun talaga siguro pag may amnesia, kailangang double ingat. Kaya nga ang mga gustong makipagmeeting sa akin kahit malalaking tao kailangang maghintay sa schedule nila.

Hindi mo rin basta-basta makikita ang mukha ko sa magazine o sa internet, tanging pangalan ko lang. Kahit tungkol sa anak ko bawal nilang isulat sa kung saan, Ultimo pagpicture ay bawal. Si Uncle Shawn ang nagbantay na dati sa mga reporter at ilang writer sa magazine.

"Mommy."

"Yes, Baby?"

"I miss Daddy Doctor. Kailan niya ako dadalawin?" Malungkot na sabi nito. "And Mom I'm too young to be grounded, I wanna go out with you."

Pinigilan kong tumawa sa huling sinabi nito. Pagkatapos ng meeting kasama ang mga Clemente binawalan ko siya na gumamit ng gadgets at lumabas ng bahay. Isang linggo na.

Magaling siya pero gusto kong itama ang ugali niya, sinabihan ko siya na 'wag sumabat pag matanda ang nag-uusap. Kaloka hindi nga ako nakasalita nun, ako ang representative.

"Mom tawagan natin si Daddy Doctor," pa-cute na sabi nito.

"He's busy-"

"Of course not!"

"Sierra," banta ko sa kanya.

Natahimik naman ito at pinagpatuloy ang pagkain.

Doctor Reagan Ty ang doctor na nag-opera sa ulo ko nuon. Siya rin ang nagmonitor ng lagay ko hanggang last year. Natigil lang dahil sinabi kong okay na ako.

Si Reagan ay 29 years old at isang sikat na surgeon.

"Mommy," malambing na tawag nito sa akin. "Narinig kong nag-uusap si Tita Raya at Zhaika."

"And?"

"About gangster. I think it's cool specially when I'm in high school na. Then bu-buo ako ng all girls group to rule the school."

"4 ka pa lang. 'Wag mo munang isipin 'yan-"

"Pero may dalawa na akong friend sa school, I'll recruit them-"

"Sierra enjoyin mo ang pagiging bata-"

"I don't want," bulong nito at pinaglaruan ang kamay ko. "I don't have Daddy kaya I can't be weak po. I want to protect you po Mommy kasi sabi ni Tita Zhaika even your own family hurt you, my biological father hurt you too. Kasi pag nawala ka rin paano na ako?"

Natulala naman ako sa sinabi ng anak ko. Ang bata niya pa para malaman ang bagay-bagay.

"Baby-" natigil ako sa pagsasalita ng nakangiti itong tumingin sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"I love you Mommy, don't worry hindi ka na nila mahu-hurt kasi nandito na ako. I will pull their hair if they try to hurt you again," lambing nito sa akin kaya napangiti na ako.

Malambing talaga ang anak ko sa akin- sa akin lang. Sa iba pala sagot talaga 'yan. Ang matured niya rin mag-isip akala ko dati may mali pero nuong pinacheck up ko siya mataas ang IQ niya, sabi ni Zhaika sa akin sa pamilya si Uncle Ivan, Uncle Shawn ngayon kasama na duon si Sierra.

Kinahapunan wala kaming ginawa ni Sierra kundi manuod ng Detective Conan. Ewan ko ba sa anak kong 'yan, ang kikay pero ang gustong panuorin pang lalaki.

Dahil sa pagod sa pagod maaga itong natulog.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas."

"Who?"

Hindi pa nakakasagot si Yaya ng pumasok si Raya kasama si Reagan kaya napatayo ako.

"My Doctor,"masayang sabi ko at mabilis na tumalon sa kanya, narinig ko pa itong tumawa at inalalayan ang likod ko.

"Wow, Railey ah! Sayang saya? Hindi maitago? Feeling jowa?" Rinig kong sabi ni Raya pero hindi ko siya pinansin.

"Miss me?" Tanong nito.

"So much, been waiting for you to call me pero nakalimutan mo na ata ako. Baba mo ako I hate you pala," parang batang pagtatampo ko pero tinawanan lang ako at maayos na inupo sa sofa.

"You hate me? Really, my favorite patient?"

He is teasing me.

"Hindi ka niyan hate, Doc. Sobrang miss ka na nga niya eh kita mo naman makatalon sayo akala mo jowa," singit ni Raya kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Joke lang hehe akyat na ako sa room ko."

"Rai, I'm sorry. I was busy because I transferred my patients to another doctor para masundan ko kayo ni Sierra dito," paliwanag nito.

"You are staying here for good?" Masayang tanong ko.

"Haha, 1 year lang. I need to go back after a year," nakangiting sinabi nito at niyakap ako. "I missed you too, Rai. Wala ng nangungulit sa akin."

Yeah, sa sobrang gaan ng loob ko kay Reagan nag-iiba ako pag siya na. Lumalabas ang pagiging sweet ko na kay Sierra ko lang ginagawa.

"Saan ka titira?"

"Here to check on you. I'm still your Doctor."

Sobrang saya ko sa narinig ko kaya pinagluto ko siya dahil sinabi niyang hindi pa siya kumakain.

"Padagdag na lang gutom na rin ako," Sabi ni Raya na bumaba at tumabi kay Reagan sa counter. "Doc, kamusta na kayo ng girlfriend mo?"

Natigil naman ako sa narinig, nakalimutan ko na may girlfriend pala ito.

"We broke up."

Napatingin ako kay Reagan sa sinabi niya. Wala na sila ni Amethyst? Tama ba ang narinig ko.

"Bakit?" Tanong ni Raya.

"Hmm, she's mad when I told her na dito muna ako sa Pinas para sundan si Railey at Sierra," saad nito na nakatingin na sa akin kaya binalik ko ang tingin sa niluluto ko. "Pinapili niya ako-"

"At pinili mo si Architect at si Malditang Sierra?" Tanong ni Raya ulit.

Hinintay kong sumagot si Reagan pero wala akong narinig kaya tinignan ko ulit siya, napaayos ako ng tayo ng nakatitig pa ito sa akin.

" Yeah, when Railey and Sierra left, I realized they areq important to me. It’s okay to lose Amethyst, just don’t be my favorite patient."

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa kilig.

Alam kong mali ito dahil kasal pa rin ako sa asawa ko na si MonteVerde pero hindi ko mapigilang kiligin lalo na't crush ko siya.

Napaharap ako kay Reagan ng hinawakan nito ang buhok ko.

"You are blushing, Rai."

"Hindi ah ang kapal mo," pagtanggi ko at hinampas ko ang dibdib nito. Ang tigas.

"Haha, cute. Wanna know kung ano ang  lagi naming pinag-aawayan ni Amethyst dati," nakangising sabi nito.

"Huh," tulalang sabi ko.

Ang gwapo niya talaga.

"She said you have a crush on me. Is it true?"

Hindi ako nakasagot, nakakahiya.

"Rai-"

"AHHHH IHATECHU!" sigaw ko at tumakbo na papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa itong tumawa.

Sobrang hiya ang nararamdaman ko. Ano na lang ang iisipin niya? May girlfriend siya nuon tapos pinagpapantasyahan ko. Ahhh, kahiya!

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt