Pangapat na Pahina

2.8K 76 10
                                    

Serene's pov

Nandito kami ngayon ni Tanya sa cafeteria.

" Sikat ng kambal mo nuh. Kung hindi ba naman kulang sa pansin yang kambal mo eh. Kasal ang magulang mo pero piniling gamitin ang apelyidong Clemente, sikat eh." Sabi ni Tanya .

Tumingin naman ako kay Serenety na nakangiti habang kausap ang mga kaibigan kuno niya.

Serenity Clemente, yes. Yan ang gamit niya. Hinayaan na lang ni Daddy.

"Clemente naman talaga siya," baliwalang sabi ko.

"Ang sabihin mo ultra megang attention seeker ng kambal mo. Clemente ang pinili dahil kilala, kaya ayan kinakaibigan ng lahat. Mabait kuno,"

Yeah, Clemente ang nangunguna pagdating sa business. Thanks to my Auncle Shawn who expand the family business around the world.

"Haha, just don't mind her."

"Paanong hindi, nakakabwesit kaya pag nakakarinig ako ng issue tungkol sa inyong dalawa. Kesyo Clemente daw ang gamit niya dahil sa kanya ipapamana ang family business niyo. Matalino daw kasi kumpara sayo, " gigil na sabi ni Tanya.

"Well, she's smart." I said.

"Oh di wow, kainis. Hihintayin ko talaga ang araw na kakalabanin mo ang kapatid mo at matutuldukan ang kabaitan mo sa kanya."sabi ni Tanya kaya nailing na lang ako.

Kumakain kami ng biglang umingay ang mga studyante.

"Kyahhhhh ang gwapo niya."

"Ang hot niya talaga."

"Shit, nahulog panty ko."

"Kyahhhh, akin ka na lang SanFord."

Ilan lang yan sa sigaw na naririnig ko.

Kaya tumingin ako sa lalaking palapit sa amin... Ohh, hinarang siya ng kambal ko.

"Lucas SanFord, right? Hi, I'm Serenity Clemente." Rinig kong sabi ng kambal ko sa malambing na tono.

"Serenity?" Nakakunot noong sabi nito sabay tingin sa akin.

"Yes, from star section."

Binalik ko ang tingin ko sa pagkain ko.

"Kita mo na ang pagiging papansin ng kambal mo? Haha, muntanga eh."banat ulit mi Tanya.

"She's being nice," sabi ko.

"Yeah and pigs can fly." balik na sabi nito sa akin.

Natigil naman ako ng makita ko ang paghinto ng bultong lalaki sa harap ng mesa namin.

"Serene Evans,"sabi nito.

Tamad akong sumandal sa upuan ko at tumingin rito.

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang kambal kong umirap pa sa akin.

"What do you want?" Tanong ko.

"Gray hair, super short skirt, unbuttoned uniform...."sabi nito at tinignan ako.

"With a pretty face," nakangiting sabi ko.

"Yes- I mean, you should wear your -"

"Mr. Lucas SanFord, you don't care. Tsaka ano bang ginagawa mo dito? College student ka di ba? Bakit nasa high school building ka? Don't tell me, you miss me?" Nakangising sabi ko at tumayo pa sa harap niya.

Ramdam ko ang panunuod ng mga studyante sa amin.

"Yeah, i missed you. I wanna see you, the girl who captured my heart on my first day here,"nakangiting sabi nito.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon