67

3K 131 43
                                    

Serene's pov

"Baby-"

"No! My decision is final Mom," sabi ni Sierra.

"Anak-"

"Mom, I don't need a Dad. Why do I need to meet him? For what?"

"Daddy mo pa rin-"

"Father but not a Dad," baliwalang sabi ng anak ko.

Ilang araw ko na siyang kinakausap na kausapin ang kanyang Daddy na si Jhezter. Naisip ko na sa murang edad ng anak ko ayaw kong lamunin siya ng galit.

"It's the same thing," saad ko.

"It's not the same, anyone can be a father but not all fathers can be a Daddy," sabi nito sa akin at naglakad na palayo papunta sa small house nito sa garden.

"FLORYN SIERRA!"

Pupuntahan ko na sana ito ng humarang sa akin si Raya.

"May bisita ka," saad nito. "Nasa labas ang magulang mo kasama si Sir Gavin at Ma'am Sheen."

"Let them in," saad ko at muling sinundan si Sierra. 

Nadatnan ko na nanunuod siya sa kanyang laptop.

"Anak-"

"I don't understand Mommy why you insist on introducing me to Mr. Monteverde. He is my sperm donor, yes - that's all."

Itatanong ko sana kung saan niya narinig ang salitang sperm donor pero naalala ko mahilig na magbasa at manuod ang anak ko tungkol sa science.

"Akala ko ba gusto mong makilala ang Daddy mo. Yun ang gusto mo nuon di ba?" Tanong ko.

"Yeah but not now," sabi nito at humarap sa akin.

Minsan talaga napapaisip ako kung bata pa talaga ang anak ko dahil ang tanda nya magsalita lagi.

"Sierra-"

"I'm thinking now, Mommy, how did you last so long in your life back then? You have a twin demon, you have a parent who doesn't consider you as their child and you have a husband who doesn't love you," natigil ako sa sinabi nito dahil natamaan ako. Ramdam ko sa kanya ang emosyon. "I feel sorry for you mommy, I'm sorry because I wasn't there to accompany you. I hate them because I know they all made you cry. I hate them for hurting you so please stop asking me to talk to them. Stop asking me to meet my father who abandoned us."

"Baby-"

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko ng isuot nito ang headphone niya.

Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"I love you," bulong ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

Bumalik ako sa living room ang nadatnan ang apat.

"Why are you all here?" Tanong ko bago umupo.

"Anak-"

"Mrs. Evans isang tawag mo pa sa akin na anak mapipilitan akong paalisin ka sa pamamahay ko," saad ko na hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. "Ang please stop your tears mRs. Evan , I don't have time for dramas."

Natahimik naman sila. Napatitig ako kay Daddy na nakayuko lang.

"Apo gusto kong makita ang apo ko sa tuhod. Sana hayaan mo ako," sabi ni Granddad.

"Sure," saad ko. 

Hirap tanggihan si Grand Dad dahil wala naman siyang ginawang masama sa akin nuon. At isang linggo rin nagmakaawa sila Daddy na makita si Sierra pero lagi akiong tumatanggi. Ngayon dahil kasama nila si Grand Dad hahayaan ko sila.

"Raya pakitawag si Sierra," utos ko.

Tahimik lang ang lahat habang hinihintay si Sierra. Nakatitig sa akin si Grandama at grand dad si Daddy na nakayuko pa rin at si Mrs. Evans na umiiyak pero hindi inaalo ni Daddy. Nabalitaan ko rin kay Zhaika na hindi umuuwi si Daddy sa bahay at hindi sila okay ni Mrs. Evans. 

Nakita ko na palakad si Sierra sa pwesto ko na nakasimangot ng makita ang mga bisita. Tumayo si Mrs Evans para lapitan ang anak ko pero tumakbo ito palapit sa akin.

"Why did you let them in here, Mommy?"

"Behave, baby. Your Lolo Gavin is here, di ba may sinabi sayo ang Uncle Shawn mo?" Mahinahong sabi ko.

Tumngo naman ito at tinignan si Grand dad.

"Hello po, nice to meet you. My name is Floyn Sierra Dela Vega," magalang na sabi nito kaya napangiti ako dahil nakinig ito sa lambing ni Uncle. "I still hate you for not protecting my mom way back then but Shawny said you are his Dad so i need to respect you."

Napangiwi naman ako sa dinagdag nito. Kita ko sa gilid ng mata ko si Raya na pinipigilan ang tawa.

"Sorry for not protecting your Mom," malungkot na sabi ni Grand dad kaya nilayo ko ang paningin ko dahil tumingin ito sa akin. "Can I hug you apo?"

"Yeah," sabi ng anak ko.

Tinignan ko sila at mahigpit na nakayakap si Granddad kay Sierra.

"Ang unang apo ko sa tuhod. Masaya ako at binigyan pa ako ni Lord na makilala ka," saad ni Grand dad.

Yayakap na rin sana si Grandma pero umatras si Sierra.

"I don't like you, you begged mommy not to press charges against the woman who shot her."

Hinila ko na si Sierra sa tabi ko dahil puro galit na lang ang nakikita ko sa kanya. HIndi maganda 'yun dahil bata pa lang siya.

"Apo-"

"And you!" 

Nagulat ako ng ituro ni Sierra si Mrs. Evans.

"Baby," pagpapahinto ko rito pero umiiyak itong galit na tumingin kay Mrs. Evans. "Anak, enough."

"I know everything Mommy. I heard you and Tita ganda talking, narinig kong sinabi niyo na dahil sa kanya nasira ka at si Mr. Monteverde. She ruined you and s-she ruined my dream to have a complete family!" Umiiyak siya kaya niyakap ko siya. "Your twin sister and your Mom ruined everything, Mommy."

"Sierra anak-"

"I-I will never forgive them Mommy. They don't deserve us, b-bumalik na lang tayo sa Canada."

Masakit para sa akin na nakikitang umiiyak ang anak ko, masakit na sa murang edad niya madami na siyang dala-dala sa dibdib niya.

"Raya samahan mo siya sa room niya," saad ko at binigay si Sierra na umiiyak pa rin. "Susunod si Mommy."

Pag-alis ni Sierra nakatingin lang ako kay Mrs.Evans na umiiyak. My daughter is right, she ruined everything.

"Tumigil ka na sa pag-iyak mo Shannie," madiing sabi ni Daddy.

"H-how? M-my daughter hates me and my granddaughter-"

"PUNYETA TUMIGIL KA NA! WALA NA EH NASIRA MO NA!" Galit na sigaw ni Daddy na nakaturo kay Mrs. Evans.

Nanunuod lang ako habang si Grand dad nakahawak na kay Daddy at si grandma ay tahimik lang na umiiyak sa tabi ni Mommy.

"SINIRA MO ANG PAMILYA NATIN, TOTOO NAMAN ANG SINABI NG APO NATIN! SINIRA MO ANG LAHAT!" Sinipa ni Daddy ang maliit na mesa sa gilid ni Mrs. Evans at inambahan ito ng sampal pero napigilan niya ang sarili. 

"D-drey..."

"Sa oras na ito nagsisisi ako na ikaw ang naging ina ng mga anak ko. Pinagsisisihan ko na minahal kita ng sobra at sinunod ang lahat ng gusto mo," mariing sabi ni Daddy bago siya umalis.

Nakabantay lang ako habang inaalo nila si Mrs. Evans.

Hidni pa ako masaya na nakikita siyang umiiyak.

Ang gusto kong makita si Serenity na nakaluhod sa harap ko at nagmamakaawa.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon