61

2.6K 123 27
                                    

Author's pov

Nasa harap ng malaking bahay ni Railey si Jhezter. Nabalitaan niya ang nangyari kaya nagpasya itong pumunta sa bahay ni Railey para na rin sa kailangang pirmahan nito. Hindi nito alam ang buong pangyayari basta ang alam lang niya ay nahospital si Railey at kakauwi lang nito sa kanyang bahay.

"Excuse me, I'm Jhezter Monteverde and I would like to see miss Dela Vega-"

"What do you need from my Mommy?" Si Sierra na naglalaro sa garden at nakita si Jhezter kaya ito lumapit.

Napatingin si Jhezter sa batang nagsalita at agad na napangiti ito ng makita na nakapameywang pa ang bata. Magaan ang loob niya kay Sierra at hidni niya alam kung bakit kahit anong sabihing ng anak nitong si Jhema hindi niya makuhang magalit sa anak ni Railey.

"I bought fruits for her and-"

"What do you think, we can't afford to buy fruit?"

"Haha, you are so cute Sierra. Gusto kitang iuwi," natatawang sabi ni Jhezter.

Tumaas naman ang kilay ni Sierra dahil sa kabila ng pagtataray niya nakuha pang tumawa ng kaharap niya, at alam niya pang ito ang tunay niyang Ama.

"Annoying," pag-irap ni Sierra bago ito tinalikuran.

Sumunod si Jhezter kay Sierra at naiiling habang nakangiti sa inaasta ng bata sa harap niya.

Papasok na sila sa loob ng bahay ng huminto si Sierra at humarap sa kanya.

"Wag kang maingay," bulong nito kaya walang nagawa si Jhezter kundi tumayo lang.

Walang sinoman ang nag-uutos sa kanya sa dapat niyang gawin pero pagdating sa batang nasa harap niya hindi niya ito matanggihan.

"Apo nagmamakaawa ako sayo 'wag mo ng kasuhan si Serenity. Malaking gulo pag magkataon dahil gagawin lahat ni Shannie-"

Napasilip sa loob si Jhezter at nakita niya ang Lola ni Serenity kaya nagtaka siya.

"Anong mangyayari pag napuruhan niya ako? Paano ang anak ko?" Galit na tanong ni Railey.

Sa isip ni Jhezter si Serenity ang may gawa ng pagkakahospital ni Railey kaya nandito ang Lola para maki-usap.

"Hindi na mauulit Apo-"

"She will never hurt my Mommy again. I will be a lawyer soon, I will make sure that everyone who hurts my Mommy will be imprisoned." Singit ni Sierra at tumabi sa Mommy nito.

Napatingin naman si Sheen, Shawn at Railey kay Jhezter na kakapasok kasunod ni Sierra.

"Good morning," bati ni Jhezter.

"Clemente and Monteverde, I will never forget na pinagkakaisahan niyong saktan ang Mommy ko. Even you Shawny, you promise that you will sue that girl who hurt my Mommy pero ngayon ayaw mo na kasi family mo siya. I hate you," naiiyak na sabi ni Sierra na masamang nakatingin kay Shawny.

Hindi makaharap si Shawn kay Sierra dahil totoo ang sinasabi nito. Pinakiusapan niya si Railey na wag ituloy ang kaso dahil yung ang paki-usap ng inang si Sheen.

"Raya samahan mo muna si Sierra sa room-"

"But Mommy I need to be here, I need to protect you from them!"

"I can handle this baby. Go to your room and do what Mommy say, ahkay?"

Walang nagawa kundi tumayo si Sierra pero tinignan muna ang tatlo.

Puno ng pagtataka si Jhezter kung bakit pati sa kanya ay galit si Sierra gayong wala siyang matandaan na nagawa niyang mali.

"I think I need to go-"

"I'm sorry Mr. Monteverde fo this. I will go to your office tomorrow to sign those documents," saad ni Railey.

Walang nagawa si Jhezter kundi umalis kahit may kung ano sa puso niya na gusto niyang punatahan si Sierra para punasan ang luha. Nalilito na siya sa sarili kung bakit laging pumapasok sa isip niya kahit kasama niya ang anak na si Jhema. 

Pagkaalis ni Jhezter naghari ang katahimikan sa tatlo hanggang sa tumayo si Sheen at lumapit kay Railey.

"Serene, apo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nuong mapatunayan ko na buhay ka at may apo na ako sayo," madamdaming sabi ni Sheen. "Alam kong ang laki ng pagkukulang namin sayo, hayaan mong bumawi ako sa lahat."

"Too late," bulong ni Railey habang pinipigilan ang luha. "Hindi niyo alam kung gaano kalalim ang sakit na binigay niyo sa akin, sobrang sakit dahil sarili kong pamilya ang nanakit sa akin. Grandma nanduon ka eh pero pinipili mo pa rin si Serenity, pinili niyo siya at nakalimutan niyo na meron ako."

Unti-unting tumulo ang luha ni Railey lalo na ng maalala lahat ng pambabaliwala sa kanya ng sariling pamilya. 

"Apo-"

"Si Uncle Shawn, si Zhaika at si Tita Jewel lang ang nakakaalala sa akin. Kahit nuong maaksidente ako inaasahan ko na pupunta kayo pero wala e, i-inubos niyo ako. Kaya ang nagtulak para kamuhian ko kayo. Kayo mismo ang nanakit sa akin," puno ng hinanakit na daing ni Railey.

"Patawad apo, patawarin mo kami. Patawarin mo ako, hayaan mo akong makabawi sayo at makabawi rin sa apo kong si Sierra," pagmamakaawa ni Sheen na nakuha pang lumuhod sa harap ni Railey.

Napatayo si Shawn at agad na nilapitan ang ina.

Kita ni Railey na naqsasaktan ang Uncle niya sa nakikitang pagluhod ng grandma niya kaya mas lalo siyang umiyak.

"Para kay Uncle Shawn hindi ko itutuloy ang kaso. PAra kay Uncle hahayaan kitang makilala at makasama si Sierra pero---hindi ko maipapangako ang kapatawaran ko sayo ngayon dahil masakit pa. I'm sorry, granny."

Umalis si Railey na umiiyak.

"Magulona ang pamilya natin, anak. H-hindi ko nagawang ayusin nuon, hinayaan kong mangyari ito at magkawatak-watak ang pamilya. Kasalanan ko ang lahat," umiiyak na nakayakap si Sheen kay Shawn.

"Blame your daughter for ruining her own family. It's not your fault."

Sumilip si Railey sa kwarto ni Sierra. Nakita niya ang anak na umiiyak kaya nilapitan niya ito.

"Ako na dito Raya," saad ni Railey at nila[pitan ang anak. "Baby-"

"I hate them, Mommy! I really hate them. Daddy who left us and your family who always make you cry."

"Hey, Mommy is okay. You are young to hate people. They don't do anything wrong to you so you shouldn't hate them,"paliwanag ni Railey sa anak. "Baby don't hate your Tito Shawn, ginagawa niya lang 'yun dahil sa Mommy niya."

"But he promised-"

"He did, Baby. Pero katulad mo ayaw rin ni Tito mo na umiyak ang Mommy niya. And your Shawny loves you so much, masasaktan siya pag sinabi mong hate mo na siya."

Pinunasan Sierra ang luha at yumakap sa ina.

"I always love Shawny....but I will always hate my Daddy and the Clemente."

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now