85

1.1K 56 21
                                    

Serene's pov

"You need Zhaika's help-"

"Just give me the exact location and I handle it alone," saad ko habang sinusuksok ang ilang dagger sa outfit ko. "Let me end her life."

1am ng naisipan kong bantayan si DJ sa pagtrace sa kinaruruunan ng kambal ko.

Pangatlong araw na ngayon ng paghahanap niya at sa wakas nahanap na rin ang pinagtataguan ni Serenity.

"Okay, ikaw ang bahala. Hindi ka naman siguro mamamatay dahil babalikan mo pa si bulinggit."

"Yeah."

Tipid na sagot ko dahil kahit ako hindi ko alam ang mangyayari.

Nagpasya ako na tawagan si Laurence at kamustahin ang anak namin.

"I feel so useless, damn!"

"You are not, hubby. Just make sure that our daughter is safe, that's the most important."

Tipid akong ngumiti. Gusto ko pang makasama ang mag-ama ko. Gusto ko pang bumuo ng mga ala-ala kasama sila. Gusto ko pang masubaybayan Ang paglaki ng anak ko, pero wala akong choice. Hindi kami matatahimik hanggat nabubuhay si Serenity na kinain na ng galit at inggit. Hindi na siya ang kambal ko, tuluyan na itong nawala sa katinuan.

"Wife, please be safe."

"I love you," tanging nasabi ko at tuluyan ng pinatay ang tawag.

"Ate-"

"I don't like drama DJ," Saad ko at nilampasan siya.

Tumawa naman ito at umakbay na akala mo mas matanda sa akin.

"Don't worry, I hate dramas too. Just want to give you this," nilahad nito Ang isang kwentas. "Bulinggit asked me to give you that. Ngayon ko lang naalala."

Nagpresinta ito na isuot sa akin.

Napahawak ako ng mahigpit sa bilog na pendant.

"I don't want to say goodbye coz I know you will come back."

"You bet..."

Sumaludo ito sa akin pagkasakay ko sa big bike na sasakyan ko.

Isang oras na akong nagmamaneho hanggang sa makalabas ako ng Manila.

Inabot ako ng ilang oras bago makarating sa vacation house namin sa La Gazilla

Yes, vacation house ng pamilya. Wala siyang ibang matatakbuhan dahil walang wala na siya.

Walang tao sa labas ng bahay kaya dere-deretcho ang pagpasok ko.  Hanggang sa biglang bumukas Ang ilaw.

Nakaupo sa gitna Ang kambal ko na animoy isang Reyna.

"Alam kong darating ka," nakangiting saad nito.

Napatingin ako sa pangalawang palapag at nakakita ako ng ilang kalalakihan na may hawak na baril at nakatutok sa akin.

Sa ilang parte ng unang palapag ay lumabas ilang kalalakihan na pumunta sa likod ni Serenity.

Mukhang pinaghandaan ang pagdating ko.

"Scared now?" Tawag pansin sa akin. "Akala mo ba maiisahan mo ako?"

Hindi ako nagpakita ng takot.

"Nga pala may gustong bumati sayo," kasabay ng pagsabi nito ay Ang paglabas ng lalaki sa isang kwarto sa iba at binagsak Ang isang lalaking duguan sa harapan ko.

"Ninong Zeo?" Mahinang Saad ko ng makilala ang matanda sa harap ko. "Ninong."

Lumuhod ako at sinubukan itong gisingin. Buhay pa siya pero nanghihina lang dahil sa daming dugo sa mukha at katawan nito. Halatang pinahirapan.

"Bakit pati siya," mariing sabi ko ng mapatingin ako kay Serenity.

"Dahil galit ako sa mga taong nagmamahal sayo, Serene. Galit ako dahil Ikaw Ang laging pinipili! "

" You are pathetic! " Mariing sabi ko at Hindi na ako nakapagtimpi at mabilis na lumapit sa kanya pero agad ring naharang ng mga lalaki.

Kaya nilabas ko Ang mga dagger mo at isa isang tinamaan sa puso. Natigil lang ako ng may tumamang bala sa tagiliran ko.

" HAHAHAHAHAHAH,"

Umalingawngaw sa paligid Ang malakas na tawa nito na kasabay ng pagbagsak ko dahil may isa pang bala na tumama sa kaliwang Binti ko.

"TANGA! BAGO MO AKO MALAPITAN MAUUNA KANG MAMAMATAY!"

"Fuck you! " Pagmumura ko.

Hindi maalis sa labi nito Ang ngiti habang nakatingin sa akin na hawak na ng dalawang lalaki.

May ilang kalalakihang napatay ko pero madami pa silang Kasama.

Lumapit siya sa akin at nilabas Ang maliit na kutsilyo. Ginamit niya iyun para paraanin sa pisngi ko. Ramdam ko ang dugo na dumadaloy sa pisngi ko na iniiwanan niya ng sugat.

"Kung hindi ka na sana bumalik, at pinili mo Ang tahimik na buhay Hindi mangyayari sayo ito. Pero Tanga ka eh bumalik ka pa para agawin sa akin Ang lahat!"

Puno ng hinanakit na Sabi nito.

"Kung nakontento ka sa kung Anong Meron sayo sana Masaya at buo ang pamilya natin," saad ko.

"Hindi ko matanggap na kambal tayo pero simula ng makilala natin Ang pamilya ni Mommy, Ikaw lang Ang gusto. Lahat sila sayo nakatingin! Lahat sila aliw sayo habang ako si Mommy lang, pero Akala ko lang pala 'yun dahil lagi Kong naririnig si Mommy na pinagmamalaki ka dahil kagaya mi raw siya! Tang-ina niyong lahat! Ako Ang laging Kasama pero ramdam ko na Ikaw Ang hinahanap! Na saakin lang sila dahil nag-aalala sila sa sakit ko! "

" AHHHHHHHHHHH! " Sigaw ko ng tapakan nito ang binti kong nabaril.

Hindi ako pwedeng mamatay.

"A-ako na lang Ang patayin mo. 'Wag Ang kambal mo," rinig kong Sabi ni Ninong Zeo.

"Sure!"

Kasabay nun ay nabigla ako ng sunod sunod na barilin ni Serenity si Ninong. Tulala akong nakatingin rito na sumusuka ng dugo.

"NINONG!" sigaw ko. "BITAW!"

Siniko ko Ang may hawak sa akin at mabilis na humugot ng kutsilyo sa tagiliran ko pinatay Ang may hawak sa akin.

Agad kong dinaluhan si Ninong.

"Ninong, gumising ka. Ninong please."

Tuluyan na akong napaluha ng Wala na akong maramdaman na pulso nito.

"DEMONYO KA! PAPATAYIN KITA! " sigaw ko kay Serenity.

Patayo na sana ako ng maramdaman ko Ang pagpalo sa ulo ko. Tuluyan na akong bumagsak at unti-unting hinihila ng dilim.

Ito ba ang kapalaran ko? Ang mamatay sa kamay ng taong sumira sa buhay ko, sa taong prinotektahan ko nuon?

Hindi ko na ba makasama ang pamilya ko?

"Laurence, I'm sorry."





Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant