53

2.6K 119 29
                                    

Guys sorry po talaga kong matagal akong mag-update.

At sa mga naghihintang ng TAMING SHAWN YVAN CLEMENTE, Baka magstart na ako ng daily updates sa dreame. Duon hindi niyo kailangan maghintay dahil araw-araw may update kaya add niyo na sa library niyo.

-------

Railey's pov

Ilang buwan na rin ng bumalik kami dito sa Manila, madami na ring nangyari at lahat umaayon sa plano ko.

"I'm leaving pupunta pa ako sa office ni Jhezter, I miss him na kasi. Asahan ko ang blueprint next week ah. B-bye girl," paalam ni Serenity sa akin.

"Sure, enjoy your time with him. Byeee," sagot ko naman.

Tsk, sige lang magtiwala ka lang sa akin Serenity. 

Sa ilang buwan na nagdaan naging malapit kaming dalawa ni Serenity madalas ko itong kasama sa club dahil iniimbitahan niya ako.

Ang sa amin naman ni Jhezter magkikita lang kami kung nanduon si Serenity dahil yun ang kagustuhan ko, dahil duon nakuha ko ang tiwala ni Serenity. Sinabi ko sa kanya na wala akong balak agawin ang boyfriend niya na pinaniwalaan niya naman, stupid!

"Architect kompleto na ang mga engineers ng Montenegro sa boardroom," sabi ni Raya sa akin.

Tinanggap ko ang proposal niya sa akin, ang project ng new building na ipapagawa na ako ang magde-design. Mas madali yun para may dahilan na magkita kami.

Tumayo na ako at dumeretcho sa board room at duon ko nakita si Jhezter kaya napataas ang kilay ko.

"What are you doing here?" Tanong ko rito at umupo na.

"I want to know everything about my building that's why I'm here," sagot nito na nakatitig sa akin.

Tsk, babaero. May girlfriend na pero kung makatitig sa akin parang hangang hanga.

Kawawang Serenity binisita ang boyfriend na nandito pala. 

"I don't care how much the price is. I want high-quality materials for the building to be built because if there is a problem, my name will be involved. That is not what you presented to me in the first meeting," mariing sabi ko sa junior engineer.

"Ms. Dela Vega trabaho na namin ang pinapakialaman mo. Kami ang magde-desisyon sa lahat ng gagamitin. Sa tagal ko sa trabahong ito wala pang nangahas na paki-alaman ang gusto ko lalo na sa materyales," pagmamatigas ni Engr. Roxas.

"This is my project too kaya may karapatan akong magdesisyon kung ano ang gagamitin para mapaganda ang design ko," mariing sabi ko at tumingin kay Jhezter na mukhang nage-enjoy sa panunuod sa akin, tsk. "If I can't follow what I want and your engineers insist on what they want, I won't continue with the agreement. You can't  use my blueprint."

Tumayo na ako at tinignan silang lahat.

"Next week is the next meeting and I want everything to be fine."

Umalis ako at hindi na sila binigyan ng pagkakataon na magsalita. Kita ko rin ang masamang titig sa akin ni Engr. Roxas. Anong akala niya matatakot ako sa kanya? Tsk, hindi ko kailangan ang trabaho-sila ang may kailangan sa akin kaya hindi ako natatakot.

"Architect Railey, Wait!"

Hindi ko pinansin si Jhezter at dumeretcho sa office ko.

"Ang bilis mo ata. Tumawag sa akin si Zhaika sunduin mo na lang daw mamaya si Sierra sa bahay ng Uncle Yves nito," sabi ni Raya na inaayos ang mga papeless sa mesa ko.

"Architect!" Tawag ni Jhezter na pumasok sa office.

"Labas muna ako," paalam ni Raya sa akin.

"What?" Iritang sabi ko kay Jhezter pero tinawanan ako.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now