Pang anim na pahina

2.8K 80 15
                                    

Ms A's pov

"Kyahhhhhh, oh my gosh. Ang sweet ni papa Lucas, may pa flowers ka na naman." Tili ni Tanya ng makita ang bouquet sa ibabaw ng upuan ni Serene.

"Haha," natawa lang si Serene at binigay kay Tanya ang bulaklak.

Ilang linggo ng nanliligaw si Lucas kay Serene at kalat yung sa Sanford University.

"Hindi ka man lang kinikilig?" Tanong ni Tanya.

"A bit,"

"Ahy bahala ka. Basta ako happy ako. Lagi kong nakikitang nakasimangot ang kambal mo pag na sayo lahat ng attention. Sagutin mo na kaya," panunulsol ni tanya.

"I don't love him," sagot ni Serene.

"Duh, hindi naman porket sinagot mo mahal mo na. Try lang naman!"

"Good morning class, hmmmm. May pa flowers ulit si mr. San ford. Hindi pa ba kayo, Serene?" Tanong ng teacher nila.

Nasa 30s lang ito. At siya ang namumukod tangi na ginagalang ni Serene sa lahat ng teacher niya.

"Not yet-"

"Yet! Meaning may pag-asa. That's nice." Sabi pa ng guro bago mag-umpisang magturo.

Pagkatapos ng Klase nila. Pinaiwan ni Teacher veronica si Serene.

"Stop skipping your classes, Serene." sahi nito.

Hindi naman sumagot si Serene.

"I'm not asking you to study hard. I'm asking you to cooperate, Ayoko naman na lagi kang ikumpara ng ibang teacher sa kambal mo. Matalino kang bata Serene. Kailangan mo lang magseryoso sa pag-aaral." sabi ni Veronica.

"Comparing me to my twin? Hindi na bago yun ms. Veronica, teachers here sucks." Sabi ni Serene.

Natawa naman si Veronica.

"I always believe in you, Serene. I'm just like you when im in high school," sabi ni Veronica.

"I'll go now, Ms." Sabi ni Serene. Ngumiti si Veronica bilang pagsang-ayun.

Paglabas ni Serene sa room ay nakita niya si Lucas na naghihintay.

"You like the flowers?" Bungad ni Lucas at sumabay sa paglalakad ni Serene.

"Yeah, thank you."

"Would you mind if I invite you to date me tonight?" tanong ni Lucas.

" You can date me, Lucas. You are courting me," casual na sabi ni Serene.

Nakita niya na napapatingin sa kanila ang mga nadadaanan nila.

" Nice, Ipagpapaalam kita sa magula-"

"Don't bother. Hintayin mo na lang ako sa harap ng school mamaya. Uuwi lang ako para magbihis," sabi ni Serene.

"Ahh- okay," nag-aalalang sabi ni Lucas.

Pumasok sila sa Cafeteria at nakita ni Serene na magkaharap ang bestfriend niya at ang kambal niya.

Agad siyang lumapit sa mga ito.

"What is happening?" tanong ni Serene.

"Ewan ko dyan sa kambal mo at sa mga plastikada niyang kaibigan. Sabihin ba naman na landi lang alam mo pero bubo naman at nagtawanan pa talaga sila kasama ang kambal mo. Bwesit," galit na sabi ni Tanya.

"That's not true-"

"So mali ang narinig ko? Ikaw ang sunungaling mo!" Sabi ni Tanya.

"It was just a joke," mahinang sabi ni Serenity.

"Ahy Joke, ang tanga mo nuh. Opsss Joke lang," sabi ni Tanya. Kaya nagtawanan ang ilang nakarinig.

Namumula naman si Serenity sa pagkapahiya.

"Stop, both of you are making a scene." seryosong sabi ni Serene.

Tumingin si Serene kay Serenity at sa mga kaibigan nito na mga nakayuko na.

" Watch your friends, Serenity. I can't hurt you but I can hurt them," seryosong sabi ni Serene.

"Ang babaw mo naman, yun lang mananakit ka!"

"Then stop talking behind me!" Sabi ni Serene.

Natigil ang dalawa ng humarang si Lucas at nilagay sa likod nito si Serene.

"Lucas," mahinang sabi ni Serenity.

" I thought you were nice, back stubbing your sister and make fun of her- really Serenity?" Sabi ni Lucas.

"I don't. It's my friends who said it, tumawa lang ako para makisabay. Ayokong ibully nila ako ulit," naluluhang sabi ni Serenity. Ang mga kaibigan nito sa likod ag nagulat sa sinabi nito.

"Binubully ka nila? Sa kademonyohan mo mabubully ka? Malala ka na," singit ni tanya kaya napaharap sila rito. "Joke lang ulit."

Natatawang sabi ni Tanya at kumapit na kay Serene.

"Ang drama ng kambal mo, ang singaling pa." Bulong nito.

"Sagutin mo na kasi si Lucas. Halatang may gusto ang kambal mo sa kanya, ayaw mo nun for once ikaw ang pinili at hindi siya. Haha," sugsog ni Tanya.

Natahimik si Serene at humarap sa kambal na nakayakap kay lucas at pinapatahan ito sa pag-iyak.

Ngumisi si Serene sabay tingin kay Tanya, "why not?"

....

Maagang pumasok si Tanya at nagulat siya sa usap usapan.

"Oo, ang sweet ni Lucas. Pinost niya talaga si Serene sa acct niya. Official na sila,"

"Oo nga, kinilig nga ako nung nabasa ki yun."

"Bagay sila,"

Agad na tinignan ni Tanya ang acct ni Lucas. At napatili siya dahil totoong may boyfriend na ang beat friend niya.

Nagmadali siyang lumabas at pumunta sa parking lot para hintayin ang best friend niya.

Sakto namang lumabas ito sa kotse kasabay ng kambal. Hinatid sila ni Drey.

"Kyahhhhhh, bruhhhaaa ka. Kayo na pala bakit hindi mo sinabi sa akin?" bungad niya kay Serene. Wala siyamg paki sa presensya ni Serenity na napahinto sa narinig.

"Kayo na?" Gulat na bulong ni Serenity kaya napaharap si Serene at tanya rito.

"Yeah, last night." Sabi ni Serene bago nag-umpisang maglakad.

Naiwan naman si Tanya na nakatingin kay Serenity na tulala.

"Tsk, tsk. Kawawa ka naman, yung gusto mo boyfriend na ng bestfriend ko. Sabi sayo e, mas maganda si Serene." Pang-iinsulto ni Tanya.

"Shut up! You are just a scholar, hawak ka ng family ko! I can easily tell my mom to-"

"FYI, Serene. Si bossing Shawn na ang nagpapaaral sa akin. At hindi kayo close ni bossing para mapatanggal ako, haha mas gusto pa nga ako ni boss Shawn kaysa sayo. Maka alis na nga, nangangamoy ka na."

Natatawang umalis si Tanya at iniwan si Serenity na naiiyak sa sobrang galit sa kambal at sa bestfriend nito.

Habang si Serene naman ay masaya dahil sa binibigay na attention ni Lucas sa kanya.






............

Taming SHAWN YVAN CLEMENTE

Sa dreame po yan😊 baka next year na

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now