40

2.5K 126 68
                                    

Goodmorning.

Time checked: 12:16am

Matutulog na sana ako pero naisipan kong mag-update pambawi sa matagal kong hindi pag-publish ng new updates

Enjoy.

--------




Serene's pov

Buong linggo akong walang ginawa kundi magpahinga. Nakabantay rin sa akin si Uncle Shawn at may naka-monitor na Doctor.

Narito kami sa bagong bahay niya.

I miss him.

Masakit ang mga sinabi niya sa akin pero hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Sa maikling panahon na magkasama kami pinaramdam niya sa akin na special ako, inalagaan niya ako. Alam ko galit lang siya sa akin.
 

Hawak ko ngayon ang tiyan ko. Oo may brain tumor ako at una pa lang alam ko na bawal sa akin ang magbuntis pero nangyari na at ayokong tanggalin siya.

Nalaman ko na may brain tumor ako nuong nag-aaral pa ako at biglang sumakit ang ulo ko. Dinala ako ni Uncle sa hospital kaya nalaman namin. Sinabi ko na ayokong may ibang maka-alam.

Ipapaopera na sana ako ni Uncle pagkatapos ng graduation ko pero pinili ko na umuwi dahil na rin sa kagustuhan ni Mommy. Wala akong nararamdaman pagsisisi dahil nakilala ko si Laurence at magkaka-anak pa ako.

"Baby gusto mo bang makita si Daddy?" Bulong ko at hinahaplos ang tiyan ko.

"Alam mong hindi papayag si Bossing. Hindi ka rin pwedeng tumakas dahil nasa labas siya at hindi umaalis" saad ni  Tanya na kakapasok lang.

"Kakausapin ko siya," saad ko at pinuntahan si Uncle sa office nito.

Tahimik akong pumasok dahil may kausap ito sa phone. Nakita niya ako at agad binaba ang phone.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Uncle kailan ang alis natin?" Tanong ko.

"Tomorrow night," sagot nito.

"Ahhh pwede ko bang sulitin Ang araw na ito para makita ang asawa ko?" Mahinang tanong ko.

"No-"

"Uncle naman buntis ako kailangang masunod ang gusto ko," saad ko.

"Buntis ka kaya nag-iingat ako. Kung Hindi ka lang naki-usap sa akin pinaglalamayan na 'yang Monteverde na 'yan!"

Yumuko ako at umiyak.

" Gusto kong makita siya sa huling pagkakataon. Please Uncle, mag-iingat talaga ako. Hindi ko hahayaan na may nangyaring masama sa baby ko, " paki-usap ko.

Hindi ito nagsalita ng ilang minuto kaya nawalan na ako ng pag-asa lalabas na sana ako ng tawagin niya ako.

"Magbihis ka dahil ihahatid kita."

Masaya ako dahil napapayag ko siya. Buong byahe ay nakangiti lang ako.

Sa isang linggo na hindi ko siya Nakita sana malamig na ang ulo niya. Sabihin niya lang na mahal niya ako-hindi ako aalis at mananatili sa tabi niya.

Ang tahimik at makalat pagpasok ko sa bahay. Umakyat ako sa kwarto at nakita ko ang maraming bote ng beer. Natutulog pa siya kaya lumapit ako.

"You need to shave hubby," bulong ko habang tinitignan ang mukha nito.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilang ang sarili na umiyak.

Lamanas rin agad ako dahil hindi ko matagalan Ang amoy beer, nasusuka ako. Pumunta ako sa kusina at ipaghahanda siya ng makakakain.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora