60

2.9K 144 96
                                    

Clemente's Mansion

Kompleto ang pamilya sa bahay nila Gavin. Tumawag si Shawn na magsama-sama ang lahat dahil uuwi na ito. Nabalitan ni Shawn ang nangyari dahil umiiyak na tumawag sa kanya si Sierra, agad niyang tinawagan Ang pamilya sa pagbabalik.

Kakauwi lang ni Sheen na namamaga ang mata kakaiyak galing ito sa bahay nila Railey. Isang linggo na mula nuong nangyari ang pamamaril, madamdamin si Sheen dahil sa nangyayari sa pamilya ng anak na si Shannie. Pinipilit niya si Railey na patawarin Ang pamilya nito pero hindi pumayag. Agad naman nitong dinaluhan ni Gavin.

"Anong nangyari, wife?" Bulong ng matandang si Gavin sa Asawa habang nakayakap.

"Hindi ko na alam, hindi ko akalain na magiging ganito ang pamilya natin. A-ang gulo Gavin," nanghihinang sabi ni Sheen."Nagkamali ba ako ng pagpapalaki sa mga anak n-natin? Pati mga apo natin nagkulang tayo."

"Wife-"

"Mommy, kamusta si Dela Vega?" Tanong ni Ivan.

Pinunasan ni Sheen Ang luha at mapait na tumingin sa anak.

"Salamat sa Diyos at okay na siya-"

"Tsk, pasalamat siya Hindi ko siya tinuluyan. Kulang pa 'yun sa ginawa niyang pag-agaw sa kompanya ng pamilya na pinaghirapan ni grandma," singit ni Serenity.

"Stupid, sabihin mo 'yan pag nandito na si Uncle Shawn. Binaril mo lang naman ang babaeng mas tinuturing niyang kapamilya kumpara sayo," nakangising sabi ni DJ kaya natahimik si Serenity.

Nakaramdam ito ng takot.

"Cut your tongue-"

"Binaril niya rin ako--"

"Because your mouth is a piece of shit. Sabihin mong mamatay na sana si bulinggit, tsk. Hindi na ako magtataka lahat ng matatanda dito kinonsente ka," walang galang na sabi ni DJ. "Sila Ang dahilan kaya ganyan Ang ugali mo, basura!"

"DJ tumigil ka!" Pagpigil ni Yves sa anak.

Nag ring Ang cellphone ni RJ.

Naka-isip ng kapilyujan si RJ kaya niloud-speaker ang tawag.

"Baby Sierra, how are you?"

"I hate you Tito Rj, I hate you and your family for hurting my Mommy. I will never forgive all of you!!!"

"Why me?" Tanong ni RJ.

"Because you are a Clemente too. I asked Shawny to sue that girl who hurt my Mommy. Your family against me, my mom and Shawny. I'll see her in Jail!"

Napakagat labi si Sheen para pigilan ang pagluha. Sarili niyang apo sa tuhod kinamumuhian ang buong pamilya.

"Hoy bulinggit wag kang maki-alam sa usapang matanda-"

"Tito DJ, makiki-alam ako because my mom is involve! I hate you, ALL OF YOU!"

Nawala sa linya si Sierra, sakto namang dumating si Zhaika at tumabi agad sa Grandma nito.

Naghintay pa sila ng isang oras ng dumating si Shawn na walang emosyon ang mga mata.

"Anak-"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Sheen ng  mabilis na nakalapit si Shawn kay Serenity at tinutok nito ang baril sa noo ng pamangkin.

"SHAWN, NO!"

"SHAWN-"

"Subukan mong gumalaw sa kinakaupuan mo sisiguraduhin kong ibabaon ko sa ulo mo ang lahat ng bala ko!" Banta ni Shawn.

"U-uncle," nanginginig na sabi ni Serenity.

"Shawn, 'wag ang anak ko!"

"Bitawan mo yan Shawn!"

Sabay na sabi ni Shannie at Drey.

Nilabas ni Shannie ang baril niya at tinutok kay Shawn, ganun din ang ginawa ni Drey, Ivan, Yves. Tinutok nila Ang baril kay Shawn.

Tumayo naman si Zhaika at tinutok Ang baril kay Serenity.

"Zhaika!" Galit na sabi ni Ivan.

"Sorry, Dad. Sa pagkakataong ito kay Uncle Shawn ako," Sabi ni Zhaika.

Gulat Ang triplets sa nangyayari, habang si Erza naman ay umiiyak na nakatingin sa mga kapatid.

" Tama na please," paki-usap ni Erza at nilapitan si Shawn. "Tama na-"

"Wala kang alam Ate! Wala kayong alam," mariing sabi ni Shawn at diniinan Ang baril sa noo ni Serenity. " Bago ako umalis binalaan ko kayong lahat na wag si Railey at Sierra!"

"Bakit ba ganyan mo na lang ipagtanggol Ang babaebg 'yun? Kinuha niya ang kompanya na pinaghirapan ni Mommy, binaril niya ang anak ko na pamangkin mo! Ano Shawn mas importante na ba ang ibang tao para sayo kaysa sa pamilya natin?!" Panunuya ni Shannie.

Tumingin si Shawn kay Shannie habang nakatutok pa rin ang baril kay Serenity.

"Wag mong kwestyunin Ang pagpapahalaga ko sa pamilyang ito Ate. Wag kang umasta na mapagmahal na Ina at pinapahalagahan Ang pamilya. Sarili mong anak pinabayaan mo, sarili mong anak hindi mo pinahalagahan. Alam mo Ate kita pero kinakahiya kita! Sarili mong pamilya nagulo dahil sayo!"

"Sumusobra ka na, Shawn!" Singit ni Drey.

"Ano Drey? Ama ka ba talaga? Kinonsente mo ang Asawa at isang anak mo nakalimutan mo si-"

"Patay na siya kaya bakit mo pa inuungkat. Patahimikin mo na Ang anak ko!" Galit na sabi ni Drey.

"Wala na ba talaga kayong galang sa amin ng Mommy niyo? Nandito kami sa harap niyo pero ganyan ang inaasta niyo!" Mariin at galit na sabi ni Gavin.

Tumayo si Sheen at niyakap si Shawn habang umiiyak.

"Anak Tama na please. Para sa akin na lang, Tama na." Paki-usap ni Sheen sa anak.

Isa isa namang nilapitan ni Gavin Ang mga anak at ang Apo na si Zhaika para ipababa ang baril.

"Mommy pilit Kong pinupunan Ang pagkukulang ng pamilya na ito pero-"

"Alam ko, anak. Daanin natin sa maamong usapan, nakiki-usap ako. Kahit para sa akin na lang anak," umiiyak pa rin na sabi Sheen. Hinawakan nito ang kamay ni Shawn at binaba.

Nakahinga ng maayos si Serenity ng mawala ang baril sa noo.

"Ano ba talagang nangyayari?" Hindi na mapigilang magalit ni Ivan at hinarap ang anak na si Zhaika.

Walang sumagot.

Tumingin si Shawn kay Serenity.

"Pasalamat ka kay Mommy dahil buhay ka pa ngayon. Sa susunod Hindi na ako magdalawang isip na patayin ka sa harap nilang lahat!" Sabi nito at tumingin kay Shannie. "You ruined your own family Ate. Sierra doesn't deserve you and this family! "

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon