39

2.3K 111 48
                                    

Nae-excite ako sa naisip kung twist sa story.

Exciting part, malapit na.

-----------

Tanya's pov

Kasama ko si Zhaika sa bar nuong tumawag si Divine at sinabi ang nangyari kay Serene.

Grabe ang kapit ko sa upuan ko dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Zhaika. Pagdating namin sa hospital nakita ko si Drew na hinihintay na kami. Agad kaming pumunta sa emergency room at nanduon si Divine na umiiyak.

"Anong nangyari?" Galit na tanong ni Zhaika.

"Nag-away sila ni Jhezter kahapon pa tapos kanina may dalang babae si Jhezter sa bahay. Hindi ko na alam Basta ang sabi niya ang sakit ng ulo niya, tapos nakita ko na lang ang hita niya na may umaagos na dugo. " Umiiyak na sabi nito.

"Anong away? Bakit sila nag-away? " Tarantang tanong ni Zhaika. "Pag may nangyaring masama sa pamangkin at sa pinsan ko mapapatay ko siya!"

Kanina ko pa iniisip kung tatawagan ko si bossing o hindi. Natatakot ako sa magiging reaction nito. Sa huli napili kong tawagan siya.

"Yes, Tanya?"

"B-bossing," utal na bungad ko.

"What?"

Hindi ako nagsalita dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Spill, Tanya. Wala akong oras para pakinggan ang paghinga mo," saad ni Bossing Shawn.

"NasahospitalsiSerenemaynangyaringdimaganda," tuloy tuloy na sabi ko.

"Serene, what?" Galit na sabi nito.

"Nasa hospital po may nangyaring di maganda. Nasa emergency room kami ng BHospital," mahinang sabi ko.

Nawala agad sa linya si Bossing at alam ko na papunta na 'yun.

"Is that Uncle Shawn?" Tanong ni Zhaika kaya tumango ako. "We're doomed! Pag may nangyaring masama kay Serene lahat madadamay sa Galit ni Uncle."

Kinabahan ako sa sinabi ni Zhaika ganun rin sila Divine.

Tahimik lang ako sa gilid habang hinihintay ang paglabas ng Doctor. Sobrang nag-aalala ako dahil buntis siya.

Tumayo kaming lahat ng lumabas ang doctor.

"Nasaan Ang asawa-"

"I'm her cousin, kamusta siya at ng baby?" Agap ni Zhaika.

"They are fine for now. I need to talk to her parents or her husband for a serious matter," Sabi ng Doctor.

Sinabi ni Zhaika na bukas ng umaga pa ang dating ng guardian ni Serene. Nilipat na rin ito sa private room.

Naiwan kami ni Zhaika na nagbantay. Galit na galit ito lalo na nuong nakwento ni Divine ang pagdadala ng babae ni Jhezter sa bahay nila.

"Hindi mo ba tatawagan ang magulang niya?" Tanong ko.

"She needs Uncle Shawn not her parents," tipid na sabi nito.

Napatitig ako kay Zhaika at ngayon ko nakikita na parehas sila ng awra ni Serene at Bossing. Nakakatakot kausapin.

Alas seis ng umaga ng dumating si Bossing Shawn. Hindi ako makatingin sa mukha nito habang pinapagalitan niya kami ni Zhaika dahil ayaw naming sabihin ang nangyari.

"Damn it!" Galit na sabi nito at pinuntahan ang Doctor.

"Nakakatakot," bulong ko.

"Uncle Shawn's girl si Serene. Tinuturing niya ng anak si Serene kaya hindi natin siya masisi. Ipagdasal mo na lang na Buhay pa si Jhezter pag nalaman ni Uncle ginawa nito," makahulugan na sabi ni Zhaika kaya natahimik ako.

Bumalik si Bossing na namumula ang mata nito at nagdudugo rin ang kamao, parang sumuntok ng pader.

"Uncle anong sinabi ng Doctor?" Tanong ni Zhaika.

Hindi ito sumagot at lumapit kay Serene.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o tama ang nakita ko na may luha si Bossing.

"She's pregnant," bulong nito.

"Kahapon lang po namin nalaman," sagot ni Zhaika.

"Damn it! Damn them!" Galit na bulong nito.

Nagising si Serene at agad na kinapa ang tiyan nito habang umiiyak.

"M-my baby, t-tell me that m-my child is fine. U-uncle," umiiyak na pagmamakaawa ni Serene.

Nakita ko na umiiyak na rin si Bossing kaya hindi mapigilang ang luha ko na tumulo ganun rin si Zhaika.

"The baby is fine, Sweety."

"Thank God-"

"Sweety, listen to me. You know how much I love you, right? How much I treasure you," Sabi ni Uncle.

Hindi ko alam kung bakit kumabog Ang dibdib ko kung paano ito magsalita

"M-may problema po ba?"

"Magiging dilikado ang Buhay mo pag pinagpatuloy mo ang pagbubuntis mo-"

"Uncle-"

"You know your situation. Hindi ka na pwedeng magtake ng gamot pag itinuloy mo-"

"Itutuloy ko kahit mamatay ako. U-uncle anak ko siya, h-hindi ko siya pwedeng tanggalin sa akin. K-kakayanin ko hanggang sa mailabas ko siya, Wala na akong paki kung mamatay ako. Please uncle, ito lang ang hiling ko sayo. This baby is m-mine," umiiyak na sabi ni Serene.

Hindi ko alam ang ibig nilang sabihin. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Basta ang naiintindihan ko nanganganib ang buhay ni Serene pag pinagpatuloy niya ang pagbubuntis.

"U-uncle please. K-kung talagang kailangang pumili-pipiliin ko ang Buhay ng baby ko. W-wala na akong paki sa buhay."

Putcha! Hindi niya ako kadugo pero Ang sakit sa dibdib.

"I care about your life, damn it! Sana hindi na lang kita pinayagang umuwi. Tang-ina nila! " Galit na sigaw ni Bossing habang patuloy na umiiyak. "Bullshit, Serene. Kung wala kang paki sa buhay mo ako meron."

"U-uncle, d-durog na durog na ako. N-nakakapagod manglimos ng pagmamahal."

Kita ko ang sakit sa mata niya. Sana Hindi ko na lang siya iniwan pagkatapos kong malaman na buntis siya.

"Why do you need their love? We are here- I'm here?" Bulong ni Bossing at niyakap si Serene na tuluyan ng napahagulgol.

"I want my baby to see the world and I know you will love my child the way you love me. I chose my child-"

" And I chose both of you. Promise gagawin ko ang lahat mabuhay lang kayong dalawa," pangako ni Uncle. "Hush now, Sweety. Baka makasama sa bata at sayo. M-mahina ang kapit niya and need extra care."

Nakayakap lang si Uncle Shawn kay Serene habang pinapakalma. Nilapitan ko si Zhaika at niyakap rin dahil patuloy ito sa pag-iyak.

Ilang minuto ring nagtagal Hanggang sa kumalma kaming lahat.

"B-bakit dilikado? B-bakit Wala kaming alam?" Mahinang sabi ni Zhaika.

"She has a brain tumor," Sabi ni Bossing.

Gulat akong napatingin kay Serene dahil wala itong nasabi sa akin.

"Wala kayong pagsasabihan ng tungkol kay Serene." Sabi nito habang kami ni Zhaika ay gulat pa rin na  nakatingin sa kanila.

"U-uncle, ayoko na dito. Kailangan kung lumayo sa kanilang lahat. Ayokong malagay ulit sa panganib ang baby ko, " mahinang sabi ni Serene.

"I know, I have a plan. "

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon