41

2.4K 123 47
                                    

Thanks sa mga nagcocomelon Este nagcocomment🤣 ginaganahan akong mag-update.

Papansin kasi talaga ako🤣

-------

Zhaika's pov

"I hate you! Ang dami ng iniyak ko nuong binalita sa akin ni Daddy na patay ka na! Hindi niyo man lang ako sinabihan ng plano," inis na sabi ko kay Serene habang nakayakap dito.

"Hindi ko rin alam. Si Uncle Ang nagplano," sagot nito.

Papunta na sana ako sa mansyon ng Evans ng hinarang ako ni Uncle Shawn at sinabing hindi pa patay si Serene kaya agad akong naki-usap na puntahan ito. Nasa UK kami ngayon.

"Zhaika we need to go back to Philippines. Let's go."

Napaharap ako kay Uncle na nanunuod pala sa drama ko kay Serene.

"Can I stay here? Aalagaan ko si Serene at ang magiging pamangkin ko."

Mas gusto kong manatili Dito kaysa umuwi.

"No baka manghinala sila pag wala ka duon. Use your drama skills, may ipapagawa ako sayo mamaya pag dating natin duon."

Wala na akong nagawa dahil si Uncle na nagsabi kaya bumalik na kami sa Pilipinas.

Madaming sasakyan Ang nadatnan namin sa mansyon ng Evans. Pagpasok namin rinig ko ang pagwawala ni Tita Shannie, kita ko rin ang pag-iyak ni Tito Drey. Hinanap ng mata ko si Jhezter pero wala siya.

Nilibot ko ang mata ko at nakita ko si Serenity kasama nila grandma. Hindi na ako nagsayang ng oras, nilapitan ko ito at malakas na sinampal kaya nakuha namin ang attention ng lahat pati ang magulang namin.

Nakahawak na sa akin si Daddy at pinipigilang malapit kay Serenity. Dumaloy ang mga luha ko habang asamang nakatingin rito.

"It's all your fault! Akala nila Ikaw siya! Ikaw Ang gusto nilang patayin Hindi si Serene! Nang dahil sa kasamaan mo siya ang nawala! F-fuck you, mamatay ka na!" Sigaw ko sa harap niya.

"H-hindi ko alam sinasabi mo-"

"Hindi mo alam? Ikaw ang gustong patayin hindi siya!-"

"Anong ibig mong sabihin? " Umiiyak na tanong ni Tita Shannie sa akin kaya ito ang hinarap ko.

"M-masaya ka na Tita? Wala na si Serene, dahil sa inyo wala na siya! Dahil sa pagkonsente niyo sa anak niyong 'yan nawala si Serene!"

"Zhaika, stop!" Pigil ni Daddy sa akin.

Pasimple akong tumingin kay Uncle Shawn at nakita ko ang pagtango niya.

Tumingin ako kay Serenity.

"N-ngayon masaya ka na dahil wala na si Serene. 'Wag ka sanang patulugin ng konsensya mo," mariing sabi ko nagwalk out.

Pagpasok ko sa kotse ni Uncle Shawn agad kong pinunasan ang luha ko.

"A really good actress," bulong ko habang nakatingin sa salamin.

Nauna na akong umuwi sa mansyon ni Uncle at dumating siya kinagabihan.

"Good job, Zhaika."

"Thanks, Uncle. Para saan 'yun?" Tanong ko.

"I want them to blame Serenity," baliwalang sabi nito. "They looked stupid while crying. Serene don't deserve them."

Isa sa dahilan kaya Galit na galit si Serenity kay Serene ay dahil sa attention na binibigay ni Uncle Shawn kay Serene na hindi nito makuha kahit anong gawin. Hindi matanggap ng ego niya na kahit anong paninirang gawin niya kay Serene Hindi niya nakukuha ang attention ni Uncle.

Limang araw na pinapanuod ko ang pag-iyak ng pamilya namin lalo na ang magulang ni Serene dahil sa inaakalang pagkawala nito. Kung pwede lang tumawa ginawa ko na dahil totoo Ang sinasabi ni Uncle Shawn na mukha silang Tanga.

Ilang beses kong Nakita Ang pambabaliwala ni Tita Shannie kay Serenity, narinig ko rin na sinigawan niya ito at sinisisi sa pagkamatay ni Serene.

Ngayon niya kakampihan kung wala na siya rito. Kakaiba si Tita.

Natahimik ang lahat ng pumasok si Jhezter at dumeretcho sa harap ng coffin ni Serene- Este ibang bangkay.

Ang sarap niyang sapakin dahil siya Ang dahilan kung bakit muntik mawala ang pamangkin ko pero iniisip ko na sapat ng ganti Ang hindi niya makilala ang anak nila ni Serene. Deserve niya!

Hindi na nagpa-imbestiga Ang pamilya dahil sinabi ni Uncle Shawn na Wala na sa mundo ang mga may gawa.

Nasa cemetery kami ngayon dahil ngayon na ang living.

"No, D-Drey. I-ibalik niyo ang anak ko, ibalik niyo si Serene. A-ang anak ko," paulit ulit na pagmamakaawa ni Serene habang yakap ang coffin. "Anak nandito na si Mommy. I'm sorry, bumalik ka na please. Pangako babawi ako."

Tsk, it's too late.

Napatingin ako sa buong Clemente Clan na umiiyak. Wala si Uncle Shawn Dito, hinanap ko siya pero sinabi ni Daddy na bigyan ng oras si Uncle dahil sobrang sakit para rito ang pagkawala ni Serene. Gusto kong matawa sa sinabi ni Daddy pero pinigilan ko ang sarili ko para hindi mahalata.

Tumingin ako kay Jhezter na nakakuyom Ang kamao habang nakatingin sa coffin na pababa na.

Bastard, Hindi lang asawa ang nawala sayo- dalawa sila!

Napatingin ako sa may Puno at nakita ko si Tanya kaya sigurado akong nanduon si Serene. Sinigurado ko na walang makakapansin sa akin na lumapit sa kanila. Agad kaming pumasok sa kotse.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko.

"They are crying, wow. They love me or it is just an act? Nakakatawa," bulong ni Serene habang nakatingin sa mga taong umiiyak Lalo na sa magulang nito. "Tinuturing pa pala nila akong anak."

"Serene-"

"I don't feel anything, Zhaika. Kung mamatay man ako wala silang karapatang umiyak," saad nito. "Kakalimutan ko sila, Hindi ko kailangan sa buhay ko ang mga taong sakit lang ibibigay sa akin."

"I understand," sagot ko.

Malas niya dahil may kambal siya tangeena ang ugali at ang laki ng insecurity sa katawan.

"Si Jhezter-"

"He is happy, 'yan ang gusto niya ang mawala ako. Mahal ko siya kaya ibibigay ko ang gusto niya," saad nito na Puno ng lungkot ang mata. "Magiging Masaya kami ng anak ko kahit Wala siya."




Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now