45

2.7K 132 51
                                    

Sabi ko next month ako mag-u-update eh😅

Pero dahil nangako ako sa nagmessage sa kin. Here na po😊-

.....

Author's pov

"Where's Uncle Shawn?" Tanong ni Serene kay Tanya at Zhaika na kumakain.

Pitong buwan na ang tiyan niya at excited na sa panganganak. Naging mahirap para kay Serene ang pagbubuntis dahil hindi na siya pwedeng uminum ng gamot, kaya tinitiis niya na lang ang sakit ng ulo.

"Kakalabas lang ng room mo nagpaalam na matutulog na," sagot ni Zhaika. "Hindi ko kinakaya ang pagmamahal sayo ni Uncle. Imagine binabantayan ka buong gabi kasama ng ilang Doctor tapos sa umaga siya matutulog."

"Malamang anak na ang turing nun kay Serene," sabat naman ni Tanya.

"Ahy oo nakalimutan kong sabihin sa inyo. Haha, wait natatawa ako pag naaalala ko ang mukha ni Serenity. Pinahiya siya ni Uncle Shawn sa lahat at walang kumampi sa kanya. Pati ang Mommy mo tahimik lang, ang epic lang. Grabe ang epekto ng pagkawala mo," kwento ni Zhaika.

"Dasurb!"

Naghigh five pa ang dalawa habang si Serene naman ay tahimik na umupo.

"Tulungan niyo ako," bulong ni Serene kaya natigil ang dalawa.

"Bakit?"

"Gusto kong makita si Laurence sa huling pagkakataon. Ilang araw ko siyang iniisip tapos 'yung tiyan ko nananakit rin. Gusto ko-"

"Gaga ka ba couz? Sa tingin mo ba papayagan tayo ni Uncle-"

"Kaya nga tulungan niyo ako. Kahit isang oras lang, aalis din agad tayo. Please," pagmamakaawa ni Serene.

Narinig nitong nag-uusap ang ilang Doctor at si Uncle Shawn na may posibilidad na mawala ang alaala niya pagkapanganak niya at gagawin ang operasyon. Nang marinig 'yun ang unang pumasok sa isip ni Serene ay ang Asawa niya.

"Paano? Hindi umaalis si Uncle Shawn," saad ni Zhaika.

"Ako na ang bahala," saad ni Serene at pinakita Ang sleeping pills.

"Ui ayokong sumama dyan. Gusto ko pang mabuhay loko ka. Masama magalit si Bossing."

"Pagbigyan na natin kasi buntis. Kami ang bahala sayo," nae-excite na sabi ni Zhaika. "Imagine matatakasan natin ang mafia lord. Hehe."

Nagtimala sila ng kape at si Serene mismo ang nanguna para ibigay ito kay Shawn.

Nadatnan nila si Shawn na nasa kama nito at nagbabasa ng dyaryo.

"What is it?" Tanong ni Shawn na hindi man lang hinarap ang tatlo.

"Nagdala kami ng kape mo, Uncle. Alam ko kasi na may mga gagawin ka pa."

Kinuha ni Shawn ang kape at pinakatitigang mabuti bago ngumisi. Ininum niya at nagkunwaring nakatulog.

"Yes, success!"

"Bilis na para hindi tayo maabutan. Haha bye uncle. Sorry not sorry," Masaya pang sabi ni Zhaika.

"Kayo ang bahala sa kin ah. Baka ako pag-initan ni bossing."

Paglabas ng tatlo agad na tumayo si Shawn at sinuka ang nainum at uminum rin ng pangontra.

"Brats," naiiling na bulong nito.

Narinig ni Shawn ang pinag-uusapan ng tatlo, hinayaan niya lang dahil 'yun ang kagustuhan ni Serene. Bilang buntis gusto niyang ibigay ang lahat ng gusto nito.

"Yeah, make sure that they are safe. Susunod ako."

Mabilis lang ang naging byahe dahil private plane ang ginamit ng tatlo.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon