58

2.4K 122 40
                                    

Zhaika's pov

Kanina pa kami sa hideout para tignan ang mga CCTV malapit sa school para malaman kung nasaan si Sierra. Wala si Uncle Shawn kaya alam kong mahihirapan kami dahil limited lang ang kaya naming gawin.

"Zhaika kanina pa tumutunog ang phone mo," sabi sa akin ni Drew kaya tumayo ako at kinuha ang phone ko.

Nakita ko na si Raya ang tumatawag kaya agad kung sinagot.

"Nahanap na ba-"

"Zhaika, kailangan kita. Umalis si Railey at dala ang baril, papatay raw siya!" 

"What the hell!" Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas. " Nasaan kayo? Nasaan siya?"

"Sinusundan ko ang kotse niya ngayon at kung hindi ako nagkakamali papunta siya ngayon sa bahay ng Evans!"

"Pigilan mo papunta na ako," sabi ko at pinatay ang tawag.

 Tinawagan ko rin si Daddy para sabihin na pumunta sa bahay nila Tita Shannie. Sa sobrang galit ni Railey ngayon dahil anak niya na ang dinadamay hindi malayo na makapatay nga siya ng sarili niyang pamilya, wala si Uncle Shawn na magpapakalma sa kanya.

Tinawagan ko rin si Doctor Reagan para sumunod sa amin, maliban kay Uncle Shawn nakikinig rin si Railey kay Reagan. 

"I have a flight-"

"It's an Emergency, makakapatay siya-"

"Oh what?"

"Just go Reagan!" Inis na sabi ko.

Pagdating ko sa bahay nila Tita Shannie agad akong pumasok at nakita ko si Railey na nakatutok ang baril kay Serenity. Katabi nito si Tita Shannie at Uncle Drey.

"Nasaan ang anak ko?!" mariing tanong ni Railey.

"Ilang beses ba naming kailangan sabihin sayo na hindi namin alam kung nasaan ang anak mo! Trespassing ang ginagawa mo at pwede kitang patayin sa pamamahay ko," seryosong saad ni Tita Shannie.

"Of course you can pero sisiguraduhin ko na sabay kaming mamatay ng anak mo, Mrs. Evans. Ilabas niyo ang anak ko kung ayaw niyo makita kung paano ko patayin si Serenity. Wag na tayong maglokohan dahil ikaw at si Serenity lang ang may galit sa akin at pwedeng kumuha sa anak ko!"

Lumapit na ako sa likod ni Railey. Ayaw ko siyang pigilan dahil nage-enjoy ako kina Tita. Ano kaya ang mararamdaman nila pag nalaman nila na si railey at si Serene ay iisa, lalo na ngayon sa pinag-gagawa nila.

"Wala akong kinalaman sa pagkawala ng anak mo. Oo galit ako sayo pero hindi ako mandadamay ng bata sa galit ko sayo," mariing sabi ni Tita Shannie.

"Serenity-"

"Dad, wala akong kinalaman! Kung may kikidnappin man ako si Railey 'yun at hindi ko idadamay ang bata!

"Railey-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng humakbang ito palapit kay Serenity.

"Bullshit, Serenity! Alam kong isa sa inyo ng Mommy mo ang may pakana sa pagkawala ng anak ko! Nakakasuka kayo," puno ng galit na sabi ni Railey.

"Railey tama na."

Nilapitan ko siya at hinawakan dahil nakatutok na ang baril sa ulo ni Serenity. Kailangan ko siyang pigilan dahil masama ng nakatingin si Tita Shannie at alam ko na mabilis lang niyang maaagaw ang baril kay Railey at baka ikapahamak pa nito.

"Tama na? Zhaika ilang oras ng nawawala ang anak ko at hindi ko alam kong nasaan siya! Paano kung ano ng ginawa ng mag-inang ito sa anak ko!"

"WALA NGA KAMING KINALAMAN-AHHHHHHH"

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now