83

1.5K 91 30
                                    

Author's pov

"Wife, you need to eat."

Nag-aalala na ito dahil dalawang araw na Mula ng dumating sila sa Pilipinas at Hindi pa rin ito umaalis sa tabi ng kabaong ni Raya.

"Mommy, kain ka na po. Hindi magugustuhan ni Tita Raya pag nakikita kang ganyan," singit ni Sierra na yumakap sa mommy nito. "She is in heaven na po with papa Jesus."

Alam na ni Serene Ang nangyari sa pagkamatay ng Lola niyang si Sheen pero Ang pumupunta lang sa burol nito ay si Sierra at Laurence dahil yun Ang utos ni Serene. Pinili nitong manatili sa tabi ni Raya na tinuturing niyang Kapatid.

"I'm okay here, baby. Go with Daddy and  rest," pilit ngiting Sabi ni Serene sa anak.

"Mommy, don't cry po." Pinunasan nito Ang luha ng Ina.

"I'll be okay, baby. I just need to stay here with your Tita Raya," malungkot na sabi ni Serene.

Wala ng nagawa si Laurence kundi iuwi Ang anak at hayaan Ang Asawa na manatili.

Dumating si Zhaika at pumunta sa harap ni Serene.

"Si grandma," maluha-luhang Sabi ni Zhaika at niyakap si Serene.

Nag-iyakan Ang dalawa hanggang sa magdesisyon si Serene na dalawim Ang Lola at panandaliang Iwan si Raya.

"Alam kong alam mo kung sino Ang pumatay kay Raya," basag ni Serene sa katahimikan sa loob ng sasakyan. "Hindi ko pa sinasabi ni Uncle sa akin-"

"Si Serenity," walang pag-aalinlangang sagot ni Zhaika.

Si Serenity Ang sinisisi ni Zhaika sa nangyayari sa gulo sa pamilya nila kaya labis Ang Galit niya rito.

Hindi nagsalita si Serene at walang kababakasang emosyon sa mukha nito kahit ng makarating sila sa Clemente masyon.

Pagpasok nila sa kanya agad Ang tingin ng lahat, napako Ang tingin ni Serene Kay Shawn na nasa gilid at tahimik. Nilapitan niya ito at niyakap.

"I was so insensitive, I'm sorry uncle. I wasn't here for days to comfort you," naluluhang Sabi nito.

"She's gone," tanging nasabi lang ni Shawn.

Ilang sandali pa ay sinundo na ito ng Asawa para makapagpahinga, naiwan naman si Serene na walang emosyon sa mukha habang nakatingin sa kanyang Ina.

Pabalik balik Ang ginawa ni Serene, magbabantay Kay Raya at sa gabi ay pupunta sa mansyon ng mga Clemente.

Ngayon na Ang libing ni Sheen Venus Clemente at kita Ang lungkot sa pag-iyak ng lahat habang si Serene naman ay tahimik lang at walang emosyon na nakatingin sa ama na nakayakap sa kanya.

"Anak-"

"If I kill your daughter, are you going to hate me?" Bulong ni Serene sa ama kaya napalayo si Drey.

"Anong sinasabi mo, Anak?"

"Don't play dumb, Dad. Alam mo kung sino Ang pumatay kay Raya, impossibleng hindi." Saad ni Serene at tumingin sa Ina na yakap si Gavin Clemente sa di kalayuan.

"Kambal mo pa rin siya-"

"You think I care if she's my twin?" Malamig na tanong nito. "Mas pamilya pa Ang Turing ko kay Raya kaysa sa Sarili Kong pamilya... Kaysa sa inyo."

" Anak," Hindi alam ni Drey kung ano Ang sasabihin niya sa anak. Alam nitong nagluluksa si Serene sa pagkamatay ng kaibigan.

"I will kill her at hindi mo ako mapipigilan. Kahit Ang Asawa mo Hindi ako mapipigilan," mariing sabi ni Serene. "For once, wag niyo siyang konsentehin. Sa pagkakataon na ito sisiguraduhin ko na isa lang Ang matitira sa Amin."

Nauna ng umalis si Serene at dumeretcho sa kinaruruunan ni Raya at duon niya nadatnan Ang kanyang Asawa na agad yumakap sa kanya.

"Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon, masakit para sa akin dahil wala akong magawa. Kung pwede lang akuin ang sakit wife, ginawa ko na."

"Walang kasalanan si Raya para idamay niya. Siya ang di umalis sa tabi ko mula pa nuon, a-ang sakit kasi pinatay siya para saktan ako. S-sana ako na lang..."

"Everything happens for a reason," pang-aalo ni Laurence. "Isipin mo na narito pa kami ni Sierra, kailangan ka namin." Napahinga ng malalim si Laurence bago binuhat ang asawa na nawalan ng malay dahil sa ilang araw na walang pahinga.

Sa mansyon ng Clemente ay tahimik ang lahat, kakauwi nila galing sa huling hantungan ni Sheen.

"Pangako ko sa Asawa ko na magiging Masaya Ang pamilya na bubuuin namin, pero Hindi ko inaakala na magiging malungkot siya sa huling linggo niya dahil sa pamilyang ito." Malungkot na sabi ni Gavin.

"Iisa lang naman ang problema Lolo, kinonsente ng lahat kaya nabaliw." Walang pag-aalinlangan na sabi ni DJ kaya sinaway ito ni Yves. "It's true Dad, si Ate Serenity lang naman ang problema dahil kinonsente niyo Lalo na ni Tita Shannie. Am I wrong?"

Walang nakapagsalita sa kanina kaya napangisi si DJ.

"Hmm, you think everything is okay now? I don't think so, we all know na si Ate Serenity Ang pumatay sa secretary ni Ate Serene." Nakuha ni Dj Ang attention ng lahat dahil sa sinabi niya. "Alam niyo na Ang susunod na mangyayari."

" DJ, enough! " Galit na Saad ng Asawa ni Yves sa anak.

Tumayo si Yves at isa-isang tinignan Ang lahat.

"This family is a mess- let me correct," nakangising sabi nito at napako Ang tingin Kay Shannie. "Tita Shannie's own family is a mess. I'm sure na one of this days isa sa anak mo Ang ihahatid natin sa huling libingan-"

"DJ!"

Hindi na nakatiis si Yves at sinuntok na Ang anak.

"Ano ba ang pinagsasabi mo. Wala ka na talagang ginagalang, kamamatay lang ng Lola mo!" Galit na sita ni Yves.

Naiiling so Dj habang pinunasan ang dugo sa labi nito at muling tumingin kay Shannie.

Tumayo na rin si Shawn at hinarap si Shannie.

"DJ is right, one of these days may susunod. Is it Serenity? Or Serene?" Tanong ni Shawn. "Face the problem that you yourself made. Magpapatayan ang mga anak mo at isa ka sa naging dahilan kaya nangyayari Ang lahat ng ito."

Naglakad na palayo si Shawn.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now