63

2.9K 147 98
                                    

Unang una thanks sa pitong nag follow. Co-writer ko 'yun.

Need pa ng tatlo pero uunahan ko na, haha.



---------

SERENE'S POV (Railey)

Kaharap ko kanina si Zhaika.

"Ano ba talaga ang plano?" Tanong nito.

Hindi ako sumagot dahil nakita ko si Mommy galit na palapit sa pwesto namin kasama nito si Serenity na nakatingin rin sa akin nang masama.

Nagpapasalamat ako kay Uncle Shawn na pinapalitan niya ang mukha ko dahil habang nakatingin ako kay Serenity ngayon nandidiri ako.

"Who invited you? You are not welcome here," galit na sabi ni Mommy. "And you are wearing red! Leave now!"

"Tita-"

"Zhaika 'wag kang maki-alam dito. Paalisin mo 'yang kaibigan mo o ako mismo ang kakaladkad sa kanya palabas," sabi ni Mrs. Shannie. 

Yeah Mrs Shannie na lang, nakakasuka pag tinatawag ko siyang Mommy, she is not a good mother.

"Ang kapal ng mukha mo para pumunta dito ngayon eh. Ang dami ng ginawa mo sa pamilya namin pati ang pinaghirapan ni Grandma kinuha mo!" Singit naman ni Serenity.

"Aalis ako-"

"Good, umalis ka na dahil hindi ka welcome dito. Wag mong sirain ang gabi ng pamilya namin," pangungutya ni Serenity.

Napangisi naman ako at hinarap si Mrs. Shannie.

"Aalis ako basta lumuhod kayong dalawa ng anak mo sa harap ko."

"Railey," tawag ni Zhaika sa akin at hinawakan ako sa braso.

Kita ko sa mag-ina na gulat sila sa narinig ko.

"Damn you!" Galit na sabi ni Mommy at sinampal ako nang malakas kaya nakuha namin ang attention ng lahat.

Tamang tama naman na dumating si Grandpa Gavin at si Daddy.

"Inside now!" Galit na sabi ni Grand pa.

"She is not welcome here, Dad!"

"I said go inside! Drey dalhin mo ang asawa at anak mo sa loob," utos ni Grandpa.

I like the slap. She will regret it later.

"Are you okay?" Tanong ni zhaika.

"I'm happy," sagot ko at binalik ang tingin kay Grandpa. "Hindi alam ang anak mo na tumanggap ng bisita. Nagkamali ka ata sa pagpapalaki sa kanya Mr. Clemente."

"Sa loob tayo mag-usap Dela Vega," puno ng Authoridad na sinabi nito bago ako talikuran.

Pagpasok namin sa loob nakita ko na galit na nakikipagtalo si Mrs. Shannie kay Grandma.

"Stop!" Galit na sabi ni Grandpa. 

Umupo ako at hidni sila pinansin. Dumating na rin si Uncle Shawn kaya natahimik ang lahat.

"Ms. Dela Vega-"

"She is not welcome here Dad! Gulo lang ang dala niya sa pamilya!" Galit na sabi ni Mrs. Shannie.

"Who invited you?" Tanong ni Uncle Ivan sa akin.

"Mrs. Sheen Venus Clemente invited me," sa sinabi ko napaharap silang lahat kay Grandpa.

"Inimbitahan ko siya at wala kayong magagawa kundi respetuhin ang desisyon ko," kita ko kay Grandma Ang lungkot.

"Kung 'yan ang gusto ng Asawa ko 'yun ang masusunod. Kung talagang ginagalang niyo pa kami wag kayong gagawa ng gulo Ngayon, " Sabi ni Grandpa. "Bumalik na tayo sa labas at naghihintay na ang mga bisita."

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon