74

2.3K 98 20
                                    

Bukas ulit-

-Kaloka Yung magbayad para lang mabalik Ang acct. 😬

-----

Serene's pov

"Kilig ka?" Tanong ni Zhaika sa akin habang nasa kotse kami at nakatingin kay Serenity na kakalabas ng bar at nagsusuka.

"Kilig, why?"

"Don't deny it cousin. Sinabi na sa akin ni Sierra na magkasama kayo ng Daddy niya last night at tabi niyo pang natulog. Asus family yarn."

"My daughter's request, not a big deal."

"Ayyy ganun? Kala ko pa naman nagchukchakan na kayo habang tulog si pamangkin, hahah."

Sinamaan ko ng tingin si Zhaika dahil sa salita nito pero nginisihan niya lang ako.

"He is still your husband. Kahit mag sex kayo walang masama duon duh. Tsaka ilang linggo ka na niyang nililigawan ulit, why not try?"

"Not easy," saad ko at muling tumingin kay Serenity na may lalaki na ngayong umaalalay rito.

"Serenity? She can't do anything naman na kasi wala na siyang connection, atsaka sinabi naman na ni Jhezter na hindi niya kailan man minahal Ang kambal mo."

"They had sex," saad ko.

" And so?"

"You don't understand Zhaika-"

"I understand, Serene. They made a mistake pero tapos na yun. Ngayon pwede ka ng sumaya ulit. Ang tanong lang ay kung mahal mo pa?"

Natahimik ako ng ilang sandali at pinakiramdaman ang sarili ko.

Do I still love my husband?

"Kasi nakikita ko sa Asawa mo na mahal ka pa niya at mahal niya rin si Sierra. Gusto niyang makompleto kayo, Ikaw lang ang hinihintay."

Habang nakatingin ako ngayon kay Serenity, gusto kong lumabas at patayin siya. My husband fucked her, fuck!

"It's not easy-"

"Serene naging roller coaster ang Buhay mo. Ang dami mong pinagdaanan, Ang daming luha ang nasayang. Ngayon abot kamay mo na ang kasiyahan mo at kasiyahan ng anak mo," saad nito sa akin. "Ipamukha mo kay Serenity na sa kabila ng mga ginawa niya para pahirapan ka, nasa iyo pa rin ang huling halakhak."

" Baliw," naiiling na sabi ko dahil tumawa pa ito na parang kontrabida.

"Sagutin mo ang tanong ko gamit ang puso. Mahal mo pa ba ang Asawa mo? "

"I still love him," saad ko bago binuksan ang pinto ng makita ko na pinipilit ng lalaki na isakay si Serenity sa kotse.

"Mahal mo pa pala bakit nagpapakipot ka pa," Sabi ni Zhaika na lumabas rin sa kotse.

"Shut up," saad ko at nilapitan si Serenity.

Malakas kong sinipa sa tyan ang lalaki.

"PUTANG-INA!" Galit na sigaw ng lalaki at susugod na sana palapit sa akin ng pumunta sa gitna namin sila Andrew, mga kaibigan ni Zhaika.

Hinila ko si Serenity papunta sa kotse at malakas siyang tinulak kaya Galit itong napatingin sa akin.

"Ohhh, my evil twin sister. Happy? Sinira mo ang buhay ko at inagaw mo lahat," Galit pero may kahinaang sabi nito dahil na rin siguro sa pagkalasing.

"I really don't know why you hate me so much, ako nga ang dapat magalit sa lahat ng ginawa mo." Inis na sabi ko.

Tumawa ito nang malakas at tumingin sa akin na may luha sa mata.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon