THE REVELATION

2.2K 68 51
                                    

Author's pov

"Shit, bossing. Hahayaan mo ba talaga na magpatayan sila?" Bulong ni Andrew kay Zhaika.

"Yeah, just enjoy the show Andrew."

Ngiting ngiti si Zhaika habang nakatingin kina Serene at Serenity na may hawak na baril at parehong nakatutok sa isa't isa.

" Mga anak please, pag-usapan natin ito. Ayusin natin ang problema," punong puno ng emotion na sabi ni Shannie sa kambal.

" Too late. She needs to die," malamig na sabi ni Serene. "Both of you ruined our family - my family! "

Tumawa si Serenity at tumingin sa Ina bago binalik ang tingin kay Serene.

"Our family?! No! It is my family! Shock?"

Ngising Sabi ni Serenity at tumingin sa Ina pero hindi pa rin nilalayo Ang baril Kay Serene.

"Mommy bakit Hindi mo sabihin sa babaeng 'yan ang sinabi mo sa akin kagabi? Bago man lang siya mamatay malaman niya Ang totoong pagkatao niya," nanghahamon na Sabi nito sa Ina.

"Serenity please, ayusin natin Ang pamilya -"

"PAMILYA NATIN! IKAW SI DADDY AT AKO! TAYO LANG AT WALA ANG HAYOP NA BABAENG 'YAN! "

" You are crazy-"

" Crazy ako? Bakit Hindi mo tanungin Ang Ina natin? Tanungin mo kung kasama ka ba talaga sa anak ni Daddy," nangungutyang sabi nito.

Lalapit na sana si Shannie Kay Serene ng may dalawang taong pumasok sa loob ng bahay.

" Zeo," bulong ni Shannie. " Drey."

" OH, SHIT! KOMPLETO!" Natatawang Sabi ni Serenity at hinarap si Serene.
" Kita mo nga naman bago ka mamatay may huling sandali ka pa palang natitira para mayakap Ang ama mo."

Gulong gulo si Serene sa pinagsasabi ni Serenity.

Mabilis niyang sinipa Ang kamay at sa pagkahulog ng baril, agad niyang sinipa ang tiyan at hinila patalikod bago ipwesto Ang baril sa may ulo nito.

"SERENE, ANAK WAG!" sigaw ni Drey.

"ANAK? DAD AKO LANG ANG ANAK-AHHHHH!"

Di na natapos Ang sasabihin ni Serenity ng higpitan ni Serene Ang pagkakasakal rito.

"Naiirita ako sa boses mo at sa pinagsasabi mo," mariing sabi ni Serene

"Pwe! Ina mong anak sa labas," nakangisi kahit hirap ng Sabi ni Serenity.

"Aphro, ano bang nangyayari? Bakit pinapunta ako rito ni Serenity? Bakit ganyan? Bakit nagpapatayan Ang kambal mo?" Gulong gulo na sabi ni Zeo.

"Serenity, please. " Pagmamakaawa ni Shannie na hindi pinansin si Zeo.

"Walang lalapit kung ayaw niyong sumabog Ang bungo nito," mariing sabi ni Serene ng magtangkang lumapit si Drey at Shannie sa kanila.

"MOMMY, ANO BA?! SABIHIN MO NA SA KANILA ANG TOTOO! WAG KANG DUWAG! " Sigaw ni Serenity na nakawala sa hawak ni Serene.

Mabilis Ang naging kilos ni Drey at nilagay niya sa likod niya si Serenity.

" Dad, don't protect her." Mahina pero mariing sabi ni Serene sa Ama.

" Anak, maawa ka sa kambal mo." Pagmamakaawa ni Drey. "Wag kayong magpatayan."

"Siya pa rin Ang pipiliin mo hanggang Ngayon dad," Puno ng hinanakit na Sabi ni Serene Kay Drey.

Tinutok ni Serene Ang baril sa Ina.

"Talk," mariing sabi nito.

Agad namang humarang si Zeo sa harap ni Shannie.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now