24

2.4K 95 27
                                    

Serene's point of view

"Your twin sister responded this morning," 'yan ang balita ni Mommy sa akin ngayong umaga. Masaya niya akong binalitaan tungkol sa paggalaw ng kamay ni Serenity.

What did I feel? Nothing, simula nuong muntik na akong mamatay kasama si Tanya nag-umpisa na akong mawalan ng paki kay Serenity at kay Mommy.

Mommy said sorry to me, actually, all of them said sorry after my breakdown in front of them. Nakakataa lang na hindi ko maramdaman na masaya ako kahit nagsorry sila, sinusubukan nilang bumawi but I refused. Kasi bumabawi lang naman sila at dumadalaw sa akin dahil na-guilty sila.

Nuong naaccidente ako at nahospital duon ko nakilala ang mga taong mahal ako. Si tanya, Tito Jewel, Zhaika at Tito Shawn lang ang dumalaw sa akin at nag-alala sa akin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko nuon pero hindi ko pinahalata, and Serenity posted a picture of her and them in the hospital. 

How about me? Yan ang tanong ko nuon perowala silang narinig na panunumbat sa akin. I graduated pero sino ba ang pumunta si Mommy Daddy pero kailangan nilang umalis agad kasi hinahabol nila ang kay Serenity.

"Hey, you okay?" Tanong ni Laurence.

"Yeah,"

"Alam mo naninibago talaga ako sayo simulanuong ikasal tayo. Ibang iba sa Serenity na kinamumuhian ko," sabi nito kaya ngumiti ako ng mapait.

"People change," mahinang sabi ko.

"I like the changes of you now. I really hate it when you wore dresses like a dalagang Filipina just to impressed me. Look at you now, wearing sexy dresses. Walang pagpapanggap," sabi nito. "Sexy dresses for a slut like you."

Binatukan ko siya ng malakas dahil sa pang-iinsulto niya.

"Be good, jerk. One year lang tayo," inis na sabi ko sa kanya.

Tumawa naman ito kaya napatitig ako sa mukha niya. Ito ang unang beses na tumawa siya na walang halong pangungutya sa akin. Inakbayan niya ako.

"Ipagluto mo ako, sarap mo magluto eh. Mukhang nag-aral kang maging asawa ko bago tayo ikasal, dati lang kahit tubig mo inuutos mo pa sa katulong niyo. Bitch," sabi ulit nito kaya siniko ko ang tiyan niya.

"Iba na nga ako," sabi ko.

Habang nagluluto ako ay nakabantay lang siya sa akin.

"Serenity," tawag nito sa akin pero hindi ako humarap.

"Serenity," aba bahala ka dyan hindi ako yan.

"Serenity!!" Inis na tawag nito pero hindi ko pa rin siya hinarap. I am not Serenity for hell sake.

"Wife," sabi nito kaya ngumiti akong humarap sa kanya.

"Yes, hubby?" Biro ko.

Tinignan ko nito nang masama kaya natawa ako. 

"Are you deaf?"

"No,  I heard you say wife. What is it?" Natatawang sabi ko dahil hindi maipinta ang mukha niya.

Sumimangot ito at tumitig talaga sa akin.

"Lucas said na may ginawa ka sa buhay niya nuon na hinding hindi ka niya mapapatawad dahil nawala ang isang taong mahalaga sa kanya. Did you kill someone?" Tanong nito kaya nagulat ako.

Lucas? My ex? 

"His dog. Nawala siya nuong hiniram ko sa kanya," pagsisinungaling ko.

Hindi ko na kailangang isipin kung sino ang tinutukoy nitong nawala sa buhay niya. I am his ex and they betrayed me.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now