25

2.3K 95 23
                                    

Serene's pov

"Laurence, wake up. Laurence," paggising ko sa asawa ko.

And yes magkatabi na kaming natutulog. Walang nangyayari, tabi lang.

"Shut up, Serenity-OUCH BAKIT KA BA NANGHAHAMPAS!?" Inis na sabi nito at bumangon.

Hinampas ko kasi ang dibdib niya.

"I told you not to call me that name," sabi ko.

"It is your name for fuck sake. Tell your mom to change it if you don't want me to call you by that name. I'm sure your mom will do anything you want," inis na sabi nito at humiga ulit. "What the hell, stop hurting me!"

"Bakit ba kasi galit na galit ka sa Mommy ko? " Tanong ko.

Tinignan niya ako at ngumisi.

"Siya ang dahilan kung bakit ganyan ka, ang alam mo lahat makukuha mo dahil kinokonsente ka ng ina mo. She's not a good mother, she raise a devil like you."

Pagkatapos nitong sabihin ay tumalikod na siya sa akin.

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Serenity is lucky to have mom by her side, she is the best.

"She is the best mom," bulong ko. Best mom to Serenity.

"Best mom my ass, your mom is a witch. Your sister in heaven is lucky dahil hindi siya matutulad sayo," sabi nito na nakaupo na.

"Sister in heaven?" Nagtatakang tanong ko.

"May amnesia ka ba? You told me na nag-iisa ka na lang na anak dahil namatay ang sister mo sa accident. Kaya kahit anong hilingin mo sa mommy mo ibibigay niya kaya nga napakasal ka sa akin," nangungutyang sabi nito.

Ako? Patay na? Wow, tuluyan na pala akong tinuring na wala sa pamilya.

You made me hate you more, Serenity.

"Where are you going? It's only 3am," Tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa paglabas.

Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko baka masugod ko si Serenity at ako na mismo ang magtanggal sa kanya ng machine na bumubuhay sa kanya.

How dare her, alam ko- nababasa ko sa post niya na the only daughter ang laging caption niya pero hindi ko alam na pinagkalat niyang patay ako. At hindi man lang tinama ni Mommy and Daddy, wow, just wow.

"Oh, bossing ang aga mo ata magising. Kakain ka na?" Tanong ni Divine. Yeah, kinuha ko siyang taga linis sa bahay.

"No, bakit gising ka na? " tanong ko.

"Jogging lang bossing," sabi nito.

"Sama ako," sabi ko.

"Jogging? wearing almost nothing?" Sabi sa likod ko.

Si Laurence na kakababa lang. Hindi ko siya pinansin at palabas na sana ng hawakan ako nito.

"Look, I'm sorry. Alam kong mahal na mahal mo ang mommy mo kaya mali na sinabi ko ang mga 'yun sayo," sabi nito.

Hindi naman ako galit dahil duon.

Galit ako dahil habang tumatagal ako dito sa Pilipinas nalalaman ko kung gaano nila ako hindi pinapahalagahan.

Hindi ako masyadong gumagamit ng social media, magpost man ako ang kasama ko lang si Tanya at Uncle Shawn. Ni minsan hindi ko kasama ang pamilya ko, why? Wala naman sila sa mahahalagang araw sa buhay ko.

Ayokong maiinggit sa kambal ko, hindi ako yung taong naiinggit sa kung anong meron ang ibang tao.

Pero mula pagkabata naiinggit ako kay Serenity dahil sa pagmamahal ni Mommy, she's unfair.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!On viuen les histories. Descobreix ara