44

2.8K 150 82
                                    

Zhaika's pov

Today is my grandparents anniversary kaya nagtipon-tipon ang lahat sa mansyon.

Nakita ko na malungkot si Tita Shannie habang yakap ni Mamita, sinisisi niya ang sarili sa nangyari lalo na't may hinanakit sa kanila si Serene bago mawala. Ilang buwang na ang nakalipas pero wala pa rin itong pagbabago, kinakain pa rin ng kalungkutan. Deserve!

Minsan nga naririnig kong sinasabi ni Mommy na wag niyang sisihin Ang sarili niya, Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Go Tita sisihin mo ang sarili mo' baka managot ako kay Mommy best friend pa naman sila.

"Yves, bakit wala pa ang kambal mo?" Tanong ni Pops Gavin.

"Hindi siya makakarating. May importante daw siyang-"

"Important than this?" Nakataas na kilay ni Tita Erza.

"Ate naman parang hindi mo kilala si Bro. Subukan mong tawagan."

Napatingin ako kay Daddy ng umakbay ito sa akin.

"Lagi mong kausap si Shawn. Alam mo ba kung nasaan siya? How is he?" Tanong ni Dad sa akin.

"Hindi ko alam dad, kinakamusta ko siya lagi okay naman."

"Do you wanna stay at your Uncle for a while? Para mabantayan mo na rin siya, alam ko kung gaano siya nasaktan sa pagkawala ni Serene. Hindi na rin siya nagpapakita dito. Nag-aalala na ako," Sabi ni Dad.

"Really? I mean sa kanya muna ako titira?" Tanong ko at pilit tinatago Ang ngiti ko.

"If you want, yes. Hindi naman kita pipilitin pero sa nakikita ko masyado niyang miss si Serene, at Ikaw medyo close mo naman siya baka makatulong ka para makamove-on siya."

Sunod-sunod na tango ang ginawa ko.

"Opo, opo! Duon muna ako kay Uncle, gusto ko rin munang lumayo dito dahil lagi kong naaalala ng pinsan ko. Pag nakikita ko rin si Serenity gusto ko siyang saktan, " drama ko.

"She's still your cousin Princess. Spare her," natatawang sabi ni Daddy. "Ihahatid kita-"

"No need na po. Magpapasundo na lang ako kay Uncle Shawn para makita niyo rin siya," sagot ko na sinang-ayunan naman ni Daddy.

Limang buwan na pala simula nuong sinaktan ko si Serenity at Hindi nalaman yun ng buong pamilya dahil kinausap ni Daddy si Serenity na wag itong magsumbong dahil kasalanan rin naman niya kung ayaw nitong magkagulo Ang buong pamilya, Hindi nga nagsumbong Ang bruha aba takot niya lang kay Daddy.

Sinubukan pa nitong sabihin ang totoong nangyari pero napagalitan pa siya dahil ang saksi ko nuon ay si Divine, syempre nagsinungaling para sa akin.

"Serenity good thing you are here," nakangiting bati ko kay Serenity na hindi makatingin sa aking mata.

Takot yarn?

Nilampasan niya ako at dumeretcho sa malaking mesa. Walang party Ngayon dahil nagluluksa pa rin sila pero kailangan pa ring kaming makompleto.

Pumunta ako ng garden at sinigurado kong  walang ibang tao bago ko tinawagan si Uncle Shawn.

"What?"

"Wow Uncle wala man lang good eve sa 2nd favorite niece mo? Sakit sa feeling," pagdradrama ko.

"Sweetheart nasa meeting ako ngayon, why?" Natatawang tanong nito.

Yan sweetheart na tawag niya sa akin? Nagdrama pa ako bago niya ako tawaging ganyan, Sabi ko bat si Serene Sweety ang tawag tapos sa akin Zhaika lang. Ayun napilit ko at tinawag na rin ako sa endearment na yan.

"Nasa Puerto Rico ka, Uncle?"

"I'm in Manila right now, after my meeting babalik na ako duon. Alam mo naman na di ko pwedeng ewan ng matagal ang pinsan mo. "

"Sama ako sunduin mo na lang ako Dito kina Mamita-"

"No-"

"Uncle sama nga ako at duon muna ako hanggang sa gusto ko! "

"Zhaika wag matigas ang ulo. Bye-"

"Uncle si Daddy Ang nagsabi na samahan muna kita kasi you need me. Hehe, kaya sasama ako sayo at ako na ang bahala kay Serene,"bulong ko. " I'll wait for you here, bye. "

Pinatay ko na ang tawag dahil sigurado akong kokontra siya. Kahit hindi totoong patay si Serene lumalayo pa rin si Uncle Shawn sa pamilya except sa akin syempre. Galit ito na tinolerate ng lahat si Serenity.

Pagdating ko sa mahabang mesa tumabi ako kay Mommy.

"Zhaika apo sinabi sa akin ng Daddy mo na sasama ka kay Shawn at sa kanya ka muna titira? Tama ba ako?" Tanong ni Mamita.

"Opo."

"Kailan ka niya susunduin? Gusto ko ring makita ang anak kong 'yun?" Malungkot na sabi ni Mamita.

Paano ba naman kasi kahit sa kanya may galit si Uncle Shawn. 

"Tinawagan ko na po siya at sinabing sunduin niya ako dito kaya makikita niyo siya. Gift ko sa anniversary niyo ni Pops," nakangiting sabi ko.

Nagthank you sila sa akin, miss na miss na nila. Pagkawala ni Serene parang nawala na rin sa kanila si Uncle Shawn.

Excited na akong makasama si Serene, alam kong malapit na itong manganak.

"Can I come too?  I miss Uncle Shawn?" saad nito kaya napataas ang kilay ko.

Alam ko ang gusto nitong mangyari, ang mapalapit kay Uncle Shawn na impossibleng mangyari.

ANo pa nga bang aasahan ko? Malamang nasunod na naman ang gusto nito, hindi man lang naisip ang sariling magulang. Ang gaga talaga.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating si Uncle Shawn. Tumayo ako at humalik rito.

"Kanina pa kita hinihintay," parang batang sabi ko.

"Where's your thing? We need to go," saad nito na hindi man lang binati ang pamilya na nasa harap lang namin.

"Buy me na lang Uncle. Mayaman ka naman," patawang sabi ko.

"Uncle good eve," yayakap na sana si Serene pero umatras si Uncle kaya natawa ako. 

Natahimik lang ako nuong ako lang ang natawa at lahat sila ay hindi.

"Sorry not sorry," pa-cute na sabi ko.

Tumayo si Mommy at kinurot ako sa bewang at pinaupo.

"Behave, Zhaika." Bulong ni MOmmy kaya tumango ako.

"Uncle sit here. Hindi pa tayo pwedeng umalis dahil kakain pa ako at you can't say no," saad ko kaya wala na itong nagawa.

Sinubukan nilang kausapin si Uncle pero  YEAH, NO, OKAY lang ang sagutan.

"Take care of my Princess, Shawn-"

"You don't need to tell me what to do. I know how to spoil my niece," seryosong sabi ni Uncle.

"Ahyieeee kinikilig ako Uncle. Spoil me? Pahiram ng black card ah duon na ako bibili ng gamit ko," lambing ko na niyakap pa ito.

"Kay Serene niya lang pinapahawak ang black-Ops sorry," natigilan si Uncle Yves ng mapagtanto na nasabi nito ang pangalan ni Serene.

Ang sensitive naman nila. Kung alam lang nila na buhay si Serene, haitz.

Tumayo si Uncle ng matapos akong kumain.

"Let's go," saad ni Uncle kaya tumayo rin ako at nagpaalam sa lahat.

"Uncle sasama rin ako," saad ni Serenity na lumapit kay Uncle.

Walang emosyong tumingin si Uncle kay Serenity.

"You can't come with us. I don't consider you as my niece!"

Oh, shit!

Savage!

Naiiyak si Serenity na tumingin kay Uncle Shawn.

"Uncle-"

"You are the reason why Serene was so hurt. They tolerate your stupidity at si Serene ang sumalo ng lahat. I will never forgive you, Serenity!"

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now