1. Reincarnation

5.2K 203 39
                                    

This story is not perfect like what you're expecting.

Language: Taglish

Genre: Fantasy

Status: On-going

I warn you, that you may encounter some misspelled words, typos, and incorrect grammar, You can correct it if you want but don't you dare to insult my work. I'm still practicing.

The covers and fonts that I used are not mine. It came from Pinterest and Dafont. Inedit ko lang para may cover ako for the meantime.

PS!

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locals is entirely coincidental.

.
.
.
.

Farrah

I gasped for air as I woke up.

"Eh? Ano nga ba nangyari?" Tanong ko sa aking sarili at inalala ang nangyari.

Hmm, nasagasaan ako ng tangang truck driver. Ibig-sabihin nasa heaven na ba ako?!

Tumingin ako sa paligid na puro damo at bulaklak, baka hardin 'to. Sinampal ko ang mag-kabila kong pisnge, "Malamang hindi ka tatanggapin sa langit." Pag-kausap ko sa aking sarili.

"Mahal na prinsesa.."

Agad akong napabangon, "Ay yawakumikinang—" No bad word girl baka ibagsak ka ulit sa lupa.

"P-Patawad kung nagulat kita mahal na prinsesa." Lumuhod s'ya. Marahan akong tumawa, "Hoy baliw hindi ano ka ba." Pabalang kong sambit.

"A-Ayos ka lang ba mahal na prinsesa?" Pagtataka n'ya.

"Mahal na Prinsesa?" Pagtataka ko rin.

Wait, langit ba 'to? Na-dedemonyo ako sandali lang..

Tiningnan ko ang aking kasuotan, "Anak ng— anong kasuotan 'to? Ang init." Reklamo ko kasabay nang pag-suri sa tela ng bestida.

"Reincarnation ba tawag dito? Or 'yung isang klase pa ng reincarnation? Hay, bahala na.." Tanong ko sa aking sarili, "Malalagot ako kay mama nito.." Mangiyak-iyak na sambit ko.

"Mahal na Prinsesa kung gusto n'yo ng bagong kasuotan, ihahanda ko para sa'yo." Sabi n'ya. 'Di ko nga kilala 'to.

"U-Uh, sandali—! Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko.

"Aida, Mahal na Prinsesa." Sagot n'ya at nginitian ako. Umalis na s'ya ng hardin at napuno naman ako ng pagtataka.

Malalagot talaga ako nito kay mama! Wah! 'Yung order kong stylus pen 'di pa dumadating at hindi ko pa nga naiintindihan yung math namin!!

Lagot din ako kay papa kapag na-late ako sa archery practice namin! Ibalik n'yo ko please.

"Lord, alam kong makasalanan ako pero sana wag n'yo naman ako parusahan sa ganitong lugar mukhang bibitayin ako pagna-buking na hindi ako ang Prinsesa, at sana po mabawasan yung mga marites sa lugar namin dahil baka pag-bumalik ako sasabihin nilang buntis ako, Amen." Pag-dasal ko.

"Ok, so kailangan ko munang umalis sa lugar na 'to." Saad ko at naglakad habang nililibot ang tingin. Mahirap na, baka may daga na sumunod.

Akala ko talaga langit na 'to, as in yung heaven. You know what I mean, hehe.

"Paano kaya ako na-reincarnate? Pero, ayos na siguro 'to kaysa sa cremate." Biro ko.

"Prinsesa Farrah, nasa loob ng palasyo si Julia upang tanggapin ang parusa na iginawad n'yo sa kanya." May sumulpot na isang lalaki at sinabi sa'kin 'yun. Gwapo s'ya, opo.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon