31. Second Thoughts

269 38 0
                                    


Farrah

"Be my wif-"

"WHAT-!? No!" Mabilis akong tumanggi.

Lumapit s'ya sa'kin, "why?"

Umatras naman ako, "anong bakit? Siraulo, seryoso ako-"

Umatras ako hanggang bumangga na ang likuran ko sa saradong pinto.

"Seryoso rin naman ako." Pag-korner n'ya sa'kin.

"Jusko, ewan ko kung anong pumasok sa kukuti mo Liam at iyan pa ang naisip mong kondisyon pero sa ngayon kailangan ko ng mapa para sa lagusan na 'yon, pakiusap." Matapat kong tono.

Umirap s'ya kasabay ng kanyang pag-buntong hininga at nag-lakad palayo papunta sa mesa n'ya.

Napabuga ako ng hangin, "what the hell..." Usal ko.

Padabog n'yang isinara ang drawer n'ya at padabog din na inilapag sa lamesa ang bungkos ng papel.

"Ibibigay ko ang mapa kung sasagutin mo ang kondisyon ko." Anito.

"Hindi ka ba makapag-antay?" Tanong ko.

Nilapitan n'ya ako, "no." at nilagpasan ako.

Lumapit ako sa mga papel at lahat iyon mga mapa ngunit hindi ko alam kung saang mga lugar, tiyak na s'ya lamang ang nakakaalam.

"Liam." Pag-lingon ko sa kanya.

"Hmm, mahal ko?" Bumaling ang tingin n'ya sa'kin habang hinuhubad n'ya ang kanyang pang-itaas.

"Anong mahal ko- LIAM! KAILANGAN KO NA ANG MAPA, NGAYON NA!"

Nagsimula nanaman ang pagdadabog n'ya at inis na hinagis ang kanyang damit.

'Haha joke lang naman, hindi ka naman mabiro Liam haha.'

"Lumapit ka nga rito." Utos n'ya.

"At paano naman kung ayaw ko?" Taas noong sambit ko.

"Hahalikan kita-"

"Ito na sabi ko nga lalapit na, hindi ka masyado mabiro." Sambit ko at nag-madaling lumapit sa kaniya.

"Pangatlo sa bungkos ng papel. Hihintayin ko ang sagot mo sa iyong pagbabalik, summon me." Anito.

'Anong summon me ka d'yan? dyablo ka ba?'

Bumalik ako sa lamesa at kinuha ang pangatlong papel at agad na ibinuklat. Bumungad sa'kin ang blueprint ng buong palasyo.

"Gawa mo?" Paglingon ko sa kanya at tumango naman s'ya. Pakialam ko kung naka-hubad s'ya? Ayos lang, maganda naman sa eyes.

"Kung saan-saan na dumadapo 'yang mata mo, akala ko ba nagmamadali ka?" Taas kilay na tanong nito.

Napakurap ako at umiwas ng tingin, "s-sabi ko nga," nirolyo ko ang papel at naglakad papunta sa pinto.

"Teka lang." Pigil nito kaya nilingon ko s'ya na agad na lumapit sa'kin.

"Ano?" Tugon ko.

"Mag-ingat ka roon." Hinaplos n'ya ang ulo ko. Tumango ako at lumisan.

Huminga ako nang malalim bago kumaripas ulit ng takbo papunta sa opisina ng heneral.

"T-teka napapagod na ako..." nagpahinga muna ako sa gilid ng pasilyo. Hingal na hingal, "k-kingina naman kasing palasyo 'to, napakalaki."

Nagpatuloy ako sa pagtakbo papunta sa punong himpilan nang makasalubong ko si Vernon, "kamahalan, ito na ang mga susuotin at gamit mo... ihahatid pa ba kita sa pribadong kwarto?" Tanong n'ya bitbit ang mga gamit.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon