37. She's at fault

235 31 1
                                    

Farrah

Kinaumagahan ay agad akong bumangon. Hindi na masakit ang paa ko ngunit may kaunting kirot. Kaya ko naman nang maglakad.

"Hindi ba komportable ang pang-itaas ko?"

Bumaling ang mata ko sa lalaking naka-upo sa upuan at abala sa pag-susulat.

Damit n'ya ang suot ko ngayon sapagkat nasa kwarto pa namin ni Aifrel ang iba kong gamit na kasama ang mga kasuotan ko.

May kalakihan nga ang long sleeve na suot ko, parang bestida.

Bumangon ako at akma naman s'yang lalapit sa'kin upang alalayan ako, "it's okay, ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa." pag-pigil ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya, "masakit pa ba?" Tanong n'ya.

"Kaunti." Sagot ko.

Hinapit n'ya ang bewang ko paupo sa kanyang hita, "kailangan ko ng halik para sa agahan." Bulong n'ya habang inaamoy-amoy ang leeg ko.

"Ang aga mo naman lumambing, prinsipe ko." Pag-tawa ko at mapaglaro s'yang hinalikan sa pisnge.

"Lumalambing ka na sa umaga, prinsesa. Halina't mag-almusal muna dahil baka hindi kita matiis at ibulsa kita riyan." Biro n'ya na ikinatawa ko.

"Nga pala, magpapatuloy ang paglalakbay namin sa timog pagkatapos ng iyong kaarawan." Anito.

Nakaramdam ako ng lumbay dahil sa kanyang sinabi, "mag-iingat ka roon."

"Ikaw ang mag-iingat, nasa sa'yo ang mga mata ng kalaban." Sabi n'ya at hinalikan ako sa noo.

Kagabi, hindi nila kailanman natagpuan ang mga bakas ni Mustafa ngunit sigurado si Liam na s'ya ang umaaligid sa palasyo kagabi.

May kumatok sa pintuan at narinig namin ang boses ni Dominique, "kamahalan, ihahain na ang inyong almusal. Dadalhin ko ba rito?"

"Hindi, bababa kami at sasabay kay ama." Sagot ni Liam.

"Naiintindihan ko, kamahalan." Anito at rinig kong palayo nang palayo ang yapak ng paa ni Dominique.

Tumayo ako at hinaplos ang buhok ni Liam, "tara na at baka ma-sermunan ka nanaman ng iyong ama."

Kinuha n'ya ang palad na nag-lalaro sa kanyang buhok at hinalikan ang likuran nito, "mabuti pa nga."

"Teka, hindi ka naman siguro lalabas ng kwarto na ganyan ang suot, diba?" Pigil n'ya.

'Ay hala, oo nga pala.'

"Kukuhanan kita ng masusuot sa kwarto n'yo at titingnan ko na rin ang prinsipe kung gising na s'ya." Paalam nito at lumisan.

Nang lumisan ang prinsipe ay lumapit ako sa lamesa n'ya at hinanap ang papeles na pinaasikaso n'ya kay Zariyah.

Binuksan ko ang mga drawer at hinalukat ang mga naka-tuping mga papel.

"Teka nga, anong papel ba 'yon?" Tanong ko sa sarili.

'Tungkol sa isyu... kontrata? Kontrata ng deal?'

Hinanap ko ang kontrata at inalala ko ang kontrata na pinakita ni Penelope nung kinompronta n'ya ako. Nakita ko na.

"Mahal na prinsipe? Nariyan ka ba?" Pag-katok ni Zariyah. Agad kong isinara ang drawer at lumapit sa kama bago pumasok si Zariyah.

"Anong ginagawa mo? Mula rito naririnig ko ang pag-hingal mo." Aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "anak ng- tinakbuhan ka ba ng prinsipe na iyon?! Bakit ganyan ang iyong kasuotan-"

"Kinuhanan ako ng damit ni Liam, kumalma ka lamang at baka magising ang mga nagpapahinga." Sabi ko.

"Sandali, susunduin ko s'ya kasi hindi ako kampanteng isipin na walang nangyari sa inyo." Aniya at lumisan.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon