75. Attempt

85 1 0
                                    

Liam 

"Kumusta siya?" Tanong ko kay Zafira, ang doktor na pinsan ni Zariyah na kasalukuyang umaasikaso kay Farrah. Kasama ko si Fergus at Aifrel sa pinto habang nakasilip kila Zafira.

"Kalmado na siya, pakainin niyo na siya upang hindi siya magutom." Agad na tumayo si Zafira at lumapit sa'kin, "mag-usap nga tayo." Aniya.

"Kami na muna rito, kamahalan." Boluntaryo ni Fergus bago pumasok sa loob kasama ang prinsipe. Dumeretso naman kami ni Zafira sa silid pambisita upang makapag-usap nang pribado.

"Maaari ka nang mag-simula." Saad ko.

"Nagkita kayo ni Mustafa?" Tanong niya.

Inalala ko ang nangyari nang makarating kami sa timog,

[Flashback]

"Oh? Ano ang dahilan at pumarito ang prinsipe? Hindi ba't ipinagbabawal ka na rito?" Binati agad ako ni Mustafa, sa tapat mismo ng palasyo. Tinutukan ko siya ng hawak kong espada, "bakit hindi natin tapusin ang huling laban natin noong nakaraan?" Tanong ko.

"Kapalit ng prinsesa?" Tanong niya.

Hinawakan ni Zariyah ang braso ko upang pigilan, "wala na tayong oras, kapag nalaman nila na nakapasok na si Theo sa loob, patay ang prinsesa." Pinagsabihan niya ako.

"Huwag kang mag-alala, prinsipe, ako ang magpapatuloy ng labanang ito." Boluntaryo ni Crishen at hinarap si Mustafa.

"Nasaan ang Prinsipe Haru?" Tanong ni Shin kay Mustafa.

Ngumisi si Mustafa sabay sabing, "kung nasaan ang prinsesa mo."

[End]

Tumango ako sa katanungin ni Zafira, "hindi ko alam kung ano ang layunin niya roon ngunit alam kong may koneksyon siya sa timog. Malaki rin ang posibilidad na kasama na ng grupo nila si Haru. Wala ang katawan nito sa timog."

"Magmasid ka, hindi lulubayan 'yan ng prinsipe. Ngayong sinira niyo ang palasyo nila, aasa iyan sa kapangyarihan ng gitnang emperyo kapag nailuwal na ni Farrah ang kaniyang anak, kaya gusto kong ipalaglag ang anak niya bago mag-dalawang buwan. Ngunit wala akong karapatan na gawin iyon dahil desisyon iyon ng prinsesa katulad ng sinabi mo." Paliwanag niya at lumisan na.

Pinag-isipan ko ang kaniyang sinabi. Ngunit mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala ko sa kalagayan ni Farrah, ang mahalaga ay maayos pa siya sa ngayon. 

Farrah

'Agh, shit, ang sama ng pakiramdam ko...'

"Anong plano mo, prinsipe?" Rinig ko na kausap ni Fergus kay Aifrel. Bumuntong hininga ang kapatid ko at naramdaman ko na lamang ang kaniyang palad sa aking noo at sinuklay ang aking buhok, "sana ginawa ko ang lahat upang mapigilan siya, kung wala lamang akong takot sa hari ay pinigilan ko na si Farrah."

'Let me just fix myself, Aifrel... Babalik ako.'

"At isa pa, kapag nagising ang prinsesa ay haharapin niya pa ang kaso na iginawad sa kaniya ng Prinsesa Penelope." Saad ni Fergus.

"Iyon nga ang ipinag-aalala ko, baka ma-sabotahe nanaman siya." Tugon ni Aifrel, "Anong balita kay Theo?" 

"Kasalukuyang nasa byahe na siya, nakakalungkot lamang na wala nang buhay nang matagpuan siya sa bartolina na may mga nakatanim na espada sa kaniyang katawan." Tugon ni Fergus.

"Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga hangal na 'yon, iniinsulto nila ang gitnang emperyo sa kanilang paraan." Iniyukom ni Aifrel ang kaniyang kamao.

May kumatok sa pinto na agad namang pinapasok ni Fergus, "magandang hapon, kamahalan, narito na ang pagkain ng prinsesa kapag nagising na siya. Inihabilin ng kaniyang doktor na hindi muna siya maaaring kumain ng matitigas na pagkain katulad ng karne, kaya nagluto kami ng mainit na sopas para sa kaniya." Paliwanag ng katulong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon