71. Breed

94 2 1
                                    


Zariyah

Napabuntong hininga na lamang ako habang nagpapahangin sa taas ng kwarto ng Prinsesa Farrah. Paano, hindi kinaya ni Prinsipe Liam ang kaniyang galit kaya nauna na siyang bumalik sa kagubatan.

Ilang sandali lamang ay agad akong naging alerto nang marinig kong may nagbukas ng silid ng prinsesa at narinig ko ang kaniyang boses. Inayos ko ang pwesto ko dahil baka makita niya ako rito. Pumunta pa ang prinsesa sa terasa kaya nakaramdam ako ng kaba a baka tumingala siya sa aking pwesto.

"Bakit hindi ka nakadalo, mahal ko?" Kausap ng prinsesa ang hawak na kutsilyo. Niregalo pala ng peste na prinsipe iyon, ang sabi niya sa'kin ay gagawa siya ng alahas para sa kaniyang ama? Napaka-walang hiya talaga. Ngunit, maayos naman ang pagkadisenyo niya sa pulang diyamante at mukhang nagustuhan naman ng prinsesa niya.

Agad din na bumalik ang prinsesa sa kaniyang silid at ako naman ay ilang minuto rin na nanatili sa pwesto bago bumaba at pumasok sa kaniyang silid. Inusisa ko ang kaniyang kwarto at binuksan ang mga kagamitan at papel sa kaniyang lamesa ngunit wala naman akong matagpuan na kahit anong kahina-hinala.

Lumapit ako sa kama at pinanood ang prinsesa na mahimbing na natutulog, "napakaganda mo talaga, kamahalan." Yumuko ako upang mas malapitan ang kaniyang maamong mukha, "Kung hindi ka lamang pag-aari ng amo ko, nanakawin na kita mula rito." 

Agad akong lumayo at umakyat sa kisame nang pumasok si Aifrel ngunit alam ko naman na sobrang lakas ng pakiramdam nito sa paligid, para siyang hayop. "Hindi ako pabor sa pagbabantay mo sa prinsesa habang natutulog ito. Lumabas ka riyan."

Agad ko siyang inatake nang makababa siya at marahan pa akong pinagsabihan, "letse, gusto mo bang gisingin ang prinsesa?" 'Simula pagkabata alam kong nahumaling ka rin sa prinsesa, gago.'

"Siguro." Usal ko at inalis ang balabal na kasuotan dahil tiyak na patay ako kapag hindi niya ako makilala agad. 

Inatras niya ang kaniyang espada, gayundin ang ginawa ko, "talaga namang ang lalakas manloob ng mga taga-silangan, ano?" 

Napabuntong hininga ako at naghanap ng mauupuan dahil sa ngalay at pagod na kanina pa nag-tatago, "Hindi nakadalo ang prinsipe kaya't narito ako upang tingnan ang kalagayan ng prinsesa. Ako nanaman ang nadamay sa pesteng pag-iibigan ng mga kamahalan na ito." Dahilan ko.

"Ayusin mo nga iyang lenggwahe mo. Sa'yo siguro natutunan ni Julia ang ganiyang pananalita." Agad ko siyang nilingon dahil sa kaniyang sinabi.

"Julia?" Pagtataka ko, parang narinig ko na ito noong nasa silangan ang Prinsesa Farrah.

"Asawa ko, hindi na nakapagtataka na hinahangaan ka niya noon pa, halos magkaparehas kayo ng ugali." Tugon niya sabay buga ng hininga. Napangisi ako upang asarin siya, at agad niya naman itong nakita, "subukan mong agawin ang asawa ko, kakalabanin kita." Anito. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapairap nanaman sa usapang pag-ibig na iyan.

"Kumalma ka, prinsipe. Ni-hindi ko kilala ang asawa mo, hindi ko nga alam na may asawa ka o sadyang wala lang talaga akong pakialam sa buhay mo." Pag-irap ko.

"Talaga namang-! Ang tulis ng dila mo." Dinuro niya pa ako sabay silip sa kapatid niya at baka magising sa ingay ng kaniyang bibig.

"Nga pala, bakit hindi nakadalo ang prinsipe? Siya lamang ang inaantay ng kapatid ko at wala pa siya. Kanina ko pa nga napapansin ang pagka-irita ni Farrah at pagkabalisa na animo'y hindi siya mapakali sa mga tao sa kaniyang paligid." Pagtataka niya. Malamang nagmumukmok yung isa sa bartolina kanina. Ngunit, nakakahanga naman at nalalaman niya ang ekspresyon ng mga tao.

"Nakakahanga, kaya mong malaman ang nararamdaman ng prinsesa base lamang sa mukha nitong walang ekspresyon?"Sarkastikong tanong ko.

"Maniwala ako sa pagkahanga mo, hindi mo lamang mabasa ang prinsesa kaya wala kang maibalita diyan sa prinsipe mo pero sinabi ko na ang nararamdaman ni Farrah kaya may ibabalita ka na mamaya." Paliwanag niya. Ang dami namang sinasabi ng lalaking 'to, nagsasawa na agad ako.

Napatawa na lamang ako, "hindi lamang iyon, may malaki pa akong ibabalita sa kaniya na hindi mo alam."

"Ano?" Tanong niya.

"Akala ko ba bantay sarado mo 'yang prinsesa? bakit hindi mo alam na pumayag na siyang magpakasal sa panganay na prinsipe ng timog?" Ngisi ko sa kaniya.

Natahimik siya sa aking sinabi, tiyak na ngayon lang din niya nalaman. Mas mabuti kung malalaman din niya, "Kanina lamang bago siya magpahinga, mukhang nagulat ka sa biglaang rebelasyon ko, patawad." Marahan akong napatawa bago lumabas mula sa terasa. Tiyak na naiinip na ang prinsipe kakaantay sa akin sa gitna ng kagubatan.


Liam

Napabuntong hininga ako nang ikwento ni Zariyah ang ganap nung umalis na ako mula sa palasyo kagabi.

"Gusto ko siyang makita ngayon." Usal ko.

"Hindi ka maaaring pumunta sa timog, ipinagbabawal ka na roon pagkatapos mong putulan ng kamay ang kanilang hari." Pinagsabihan niya ako.

"Ginawa ko lamang iyon para hindi na niya paglaruan ang kaniyang sarili, dapat nga iba ang pinutol ko para matapos na ang lahi nila." Galit pa rin ako. Lalo na at naalala ko pa ang kaganapan kagabi. Wala akong magagawa sa ngayon kung hindi magtiwala muna sa prinsesa ko.


Farrah

"Salamat sa presa at tsaa." Pinasalamatan ko ang prinsipe nang paghandaan niya ako ng pagkain. Ilang oras na nang makarating ako mula sa gitnang emperyo.Nadaanan namin ang bayan kanina at sigurado na ako na may mali sa lugar na ito. Tiyak akong may tinatagong baho ang pamilyang ito.

"Farrah-"

Dumating si Shin ngunit agad siyang pinigilan ng mga nakapalibot sa amin na mga kawal sa utos ni Haru, "patawad, ngunit hindi ka maaaring makalapit sa prinsesa ko, Shin."

Pinanood naming lumisan si Shin. Hindi ako nakaramdam ng tuwa dahil sa ginawa ni Haru na pagprotekta sa'kin, dahil alam kong may mali. Kung susugurin ako ni Shin... bakit pag-aalala ang nasa mga mata niya at hindi galit?

Hindi ko matukoy kung anong mali ngunit sa ngayon ay kailangan kong makipag-deal sa prinsipe na katapat ko, kingina.

Sinimulan ko nang kumain ng presa habang pinapanood naman ako ni Haru, "kumusta? masarap ba?" Tanong niya. Tumango ako at binigyan din siya ng aking kinakain, "matamis." Anito.

Pagkatapos kumain ay ininom ko na rin ang tsaa na ginawa niya, "gusto mo na ba magpahinga? ilang oras din ang papunta rito kaya tiyak na napagod ka."

Tumayo ako sa aking kinauupuan at agad niya akong inalalayan nang makaramdam ako ng matinding hilo, "Farrah? ayos ka lang?"

Inaantok ako...

Dahil ba sa presa?

Sa tsaa?

"Farrah..." Ngisi ni Haru ang nasulyapan ko habang nakahawak siya sa puson ko, "... ikaw ang magdadala ng mga anak ko."

"H-Hayop ka..." Nagpumiglas ako mula sa kaniya ngunit hindi ko na kinakaya ang matinding hilo at sakit ng ulo kaya ako nawalan ng malay.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon