72. desire

85 0 0
                                    

Aifrel

"J-Julia..." Agad kong nilapitan si Julia na umiiyak sa kaniyang pag-tulog. Pinunasan ko ang kaniyang luha at marahan siyang ginising.

"Ayos ka lang?" Pag-aalala ko.

Humihikbi ito sabay yakap sa'kin, "Si Hana... napanaginipan ko." 

Ilang araw na simula nung umiiyak siya kada-paggising niya. Ilang linggo na rin ang nakalipas noong pumunta si Farrah sa timog at hanggang ngayon ay walang tugon ang aming mensahe sa kaniya aabutin na nga ng isang buwan sa tagal. Kahit ako rin naman ay nag-aalala ay kailangan kong magpakatatag para kay Julia, malapit na rin ang buwan na hinihintay ko kaya kailangan ko siyang tutukan.

Sa panahon na rin nito ay nagpalitan kami ng mensahe ni Liam patungkol sa isyu na ito, binalak niyang pumunta roon ngunit mas lalala lamang ang mga problema na ginagawa niya, maaari siyang matanggal sa kaniyang pwesto kung hindi pa namin siya pinigilan.

Ipinaalam ko siya sa kaniyang ama na manatili muna sa gitnang emperyo at doon na namin sinimulan ang mga plano, maswerte na siguro na nakapasok sa timog ang daga na ipinadala ko upang sumagap ng balita mula sa timog, papabagsakin ko ang timog nang hindi dinadaan sa gera, mga gago sila.

Mabuti nga at wala ngayon dito sina ama at ina dahil nasa Leonhart sila, walang nakapagsasabi sa'min kung ano ang ginagawa nila doon ngunit kasama naman nila sina Cain at ang asawa nitong si Thana.

"Tahan na... heto, uminom ka ng tubig..." Binigyan ko siya ng isang basong tubig na palaging nakahanda sa gilid ng kaniyang kama.

"Hingang malalim." Ginabayan ko siya na kumalma upang hindi masyado maka-apekto sa dinadala niya, "W-Wala pa rin ang prinsesa?" Tanong niya.

Malungkot akong tumango at inihiga siya sa kama at ipinatong ang baso ng tubig sa lamesa na nasa tabi niya, "huwag mo na muna siyang alalahanin, sinusubukan naming mag-bigay ng mensahe sa timog at inaantay na lamang ang kanilang tugon." Pagsisinungaling ko upang hindi siya masyadong mag-alala.

"Kamahalan, narito na ako." Pagkatok ni Fergus.

Agad akong lumapit sa pinto upang pagbuksan siya at kausapin, "huwag mong ipaalam sa kaniya." Bulong ko, "ikaw na munang magbantay sa kaniya." Tinapik ko ang kaniyang balikat bago lumisan sa lugar.

Tumungo ako sa silid na pambisita kung saan naroon ang Prinsipe Liam at ang iba pa. Nadatnan ko ang prinsipe na nililinisan ang kaniyang espada, kasama niya rin ang kaniyang dama na nakatayo sa kaniyang tabi, si Theo naman ay hindi mapakali na palakad-lakad, si Jace naman ay nasa gilid ng pinto na nakapikit na ang mga mata, ang kambal ay tahimik lamang sa tapat ng bintana, ang magkapatid na sina Chrishen at Krishanj ay nasa gilid din na tila'y may iniisip, at si Shin na nasa lapag na nakaluhod sa tapat ni Liam.

Naalala ko lamang, simula noong kaarawan ni Farrah ay nawala na rin sa palasyo ang isa niyang kabalyero, sino nga ulit iyon? si Elias? Nasaan na nga rin ba ang isang iyon? Hindi kaya't sumunod siya sa timog o may iba pang dahilan? 

"Anong ganap dito?" Bati ko.

"Huli ka na sa kasiyahan." Sambit ni Zariyah.

Lahat kami ay natuon ang atensyon kila Liam at Shin. Huminga nang malalim si Liam bago mag-salita, "Alam mong pinagbibigyan ko lang kayo diba? Hindi ko pinakialam ang kamangmangan niyo ni Penelope, kaya uulitin ko, Shin... nasaan ang prinsesa ko?" Tumutok ang espada ni Liam sa kaniyang leeg.

Pinanood ko ang paglunok ni Shin at tumingala upang hindi madaplisan ng talim sa espada ni Liam, "uulitin ko rin, Liam. Hindi ko alam." Matigas ang boses ni Shin na animo'y pinipigilan ang gigil.

Nagagalit din ako ngunit alam kong mas galit ang isa dito, hindi ko kailangang makisawsaw. Tumaas ang espada ni Liam sa kaniyang baba. Alam kong nauubusan na ng pasensiya si Liam dahil hindi naman ito mapagtimpi na tao.

"Naiinip na ako." Sumabat si Jace at hinawi ang espada niya palabas mula sa kinalalagyan nito.

"HINDI KO NGA ALAM!!!" Hiyaw ni Shin kaya napatigil si Jace. Isa pa itong kawal na ito na hindi kayang magtimpi.

Napalunok si Shin bago mag-simulang magpaliwanag, "Simula nang dumating ang prinsesa sa timog ay bantay sarado na siya ng kapatid ko, ni-hindi ko makita nang buo ang mukha ng prinsesa kapag lalapitan ko na dahil sa pagharang ng tauhan ni Haru."

Napayuko si Shin, "dahil ang buong akala ni Farrah ay aatakihin ko siya kapag lumapit ako. Hindi niya inisip na hindi ako ang tunay niyang kalaban sa timog. Nabulag siya, at walang ni-isa sa inyo ang naglakas ng loob upang pigilan siya!" 

"Liam." Pagtawag ko kay Liam at agad niya naman akong nilingon.

"Pabalik na ang pinadala kong daga sa timog at may balita na kay Farrah, pahingahin mo na si Shin." Sabi ko at inalalayang makatayo si Shin. 

"Lumalambot ka ata, prinsipe?" Sarkastikong tanong ni Chrishen.

"Lalambot 'yang laman loob mo kapag pinuruhan ko." Tugon ko.

Inantay lamang namin ang pagdating ng kawal na pinadala ko sa timog at pinakinggan namin ang mga nakita at nalaman niya, "ano prinsipe? narinig mo? kapag kumalat ang baho niyo sa buong mundo, saan ka pupulutin?" Baling ni Zariyah kay Shin.

Tinutukan ni Liam ang kawal habang nagpapaliwanag pa ito, "may nakita ka? ang sabi mo, hubo't hubad siya, nakita mo?"

"H-Hindi, kamahalan. Narinig ko lamang iyon sa ibang kawal dahil pinagnanasahan nila ang prinsesa habang binabantayan nila sa bartolina." Saad ng kawal.

"Bwisit." Rinig kong usal ni Zariyah.

Binitawan ni Liam ang espada at pinanghilamos ang palad habang nagpipigil ng galit, "ano pa?" Katanungan niya.

"Positibong buntis ang prinsesa." Tugon ng kawal.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Kahit ako ay hindi ko alam ang mararamdaman at magiging reaksyon ko, paano pa kaya si Liam na kasintahan niya ang pinag-uusapan, "Nakakainis, nakakaasar, BWISIT!" Napasabunot na lamang sa sarili si Liam.

"Paano mo nalaman na buntis ang prinsesa?" Tanong ni Jace.

"May doktor doon na ilang beses nang bumalik na may dalang mga gamit para sa mga nagdadalang tao. Minsan na rin akong nakalapit sa silid ng Prinsipe Haru at narinig ko sila ng prinsesa na mula sa kanluran na nag-uusap patungkol sa pagdadalang tao ng Prinsesa Farrah." Paliwanag ng kawal.

Muling tumahimik ang paligid. Tila'y mabibingi ako sa sobrang tahimik kaya inusisa ko ang buong silid, "Sandali, nasaan si Theo?"

"Lumabas siya." Sagot ng kambal.

"Bwisit, hindi maaaring manguna siya sa pagpatay sa gagong iyon." Pinulot ni Liam ang kaniyang espada at mabilis na tumalon sa bintana. Sumunod ang iba hanggang sa kami na lamang ni Zariyah ang natira, "hindi ka susunod?"

"Kaya kong maghintay, mag-iingat kayo." nakapamulsa akong tumalikod at lumabas ng kwarto upang balikan si Julia.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon