42. The Innocent

197 28 0
                                    


Farrah

Mabilis akong bumalik kila Aifrel na may gulat sa mukha.

"Oh anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Julia habang ngumunguya ng ubas.

Ni-lock ko ang pinto at yumakap sa kapatid ko. Nakaramdam ako ng matinding takot dahil sa narinig ko kanina.

"A-anong problema?"

Pinakalma ko ang aking sarili at kumawala mula sa pagkakayakap, "sino ang inatasan kong tumanggap ng mensahe sa labas ng palasyo habang wala ako?" Tanong ko.

Nagtaas ng kamay si Julia at may takot sa kanyang nga mata, "a-ako."

Lumapit ako sa kanya, "s-sabihin mo, may mga natanggap ka bang mga mensahe maliban sa mensahe ni Cain?" Tanong ko.

"M-magpapakatotoo na ako prinsesa, a-ako ang iyong inatasan ngunit wala akong sapat na oras upang tumanggap ng mensahe sa labas ng palasyo dahil sa mga gawain." Panimula nito.

"At may nag-boluntaryo na isang katulong na s'ya na lamang ang kukuha ng mensahe, pinaalalahan ko pa s'ya na huwag basahin ang mensahe at ideretso ito kay Theo o kay Fergus." Dugtong nito.

"Naalala ko... si Tanya ang katulong na iyon. Napansin ko ang kilos n'yang kakaiba. Ipinagbabawal nga sa mga katulong na panay labas ng palasyo." Sambit ni Fergus.

Napaupo ako sa gilid ng kama, "jusko..."

"Ano ang problema, mahal kong kapatid?" Pag-lapit ni Aifrel.

"Kanina... narinig ko ang pag-uusap ng prinsesa Penelope at Liam, nabanggit ni Penelope ang pag-sira n'ya sa dalawang bayan ng gitnang emperyo nang hindi ko nalalaman." Mahinang bulong ko.

"Dahil abala ang prinsipe na guluhin ka." Biglang sabi ni Julia kaya siniko s'ya ni Fergus.

"Natitiyak kong nagmemensahe sa'kin ang mga taong naroroon... natatakot ako sa maaaring mangyari sa mga taga-bayan..."

"Anong bayan, kamahalan?" Tanong ni Julia.

"Ang bayan ni Kai at-"

"Si Tristan, hindi ko s'ya pwedeng iwan sa bayan." Aligagang si Julia at balak pang lumabas ng silid.

Hinila s'ya ng kapatid ko, "hindi pa natin alam ang maaaring kahihinatnan natin sa labas ng silangan kapag lumisan pa tayo."

"Bitawan mo 'ko! Hindi ko matiis na tumayo na lamang dito at walang gagawin habang ang mga taga-bayan ay lumalaban sa sari-sarili nilang mga buhay!" Hiyaw ni Julia.

"K-kumalma ka muna Julia, kailangan natin ng plano..." Pakalma ni Fergus.

'Kailangan ko ng plano... paki-usap, presensya ni Farrah makisama ka...'

"Ako, ako na lamang ang babalik sa gitnang emperyo, alam ko naman na ang maikling ruta." Sabi ko.

"Hindi pwede, ayoko." Tanggi ni Aifrel.

"Sige na Aifrel, paki-usap." Usal ko.

"Hindi, hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyari pa sa'yo ulit... ang mangyayari kay Liam..." Tila'y hindi pa s'ya mapakali.

"Pakisabi na lamang na may importante akong gagawin sa emperyo paki-usap pagtakpan n'yo muna ako at huwag n'yo s'yang hahayaang umalis ng silangan." Aniko.

Nagtinginan silang tatlo sabay tango.

"Ngayon ka na umalis dahil tiyak na tulog ang mga umaaligid d'yan sa labas, kung mayroon mang hahabol sa'yo, gamitin mo ang armas mo." Paalala ni Aifrel.

Iniabot sa'kin ni Julia ang bow at arrow para magamit ko, "salamat sa inyo, napakabuti n'yo."

"Para sa kapakanan mo rin 'to, kailangan mong masanay mag-isa." Sabi ni Fergus. May punto s'ya.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon