61. Solution

129 6 0
                                    

"Here's tea to calm you down." Tinimplahan ko ng tsaa ang dama pati na rin ang prinsipe. Mabuti na lamang ay napag-kasunduan nilang tumigil. Gayunpaman, na-damage ang kurtina ng bintana pati na rin ang carpet kaya ngayo'y inaayos na ito ng mga katulong.

"Bakit ba nag-away ang dalawang 'to?" Pag-tataka ni Aifrel. Dumating na rin s'ya dahil narinig n'ya ang ingay ng pag-aaway ng dalawang 'to kanina.

"Kapag talaga nakikita ko ang prinsesa ng gitnang emperyo parang gusto ko na agad simulan ang gera para angkinin s'ya." Kasagutan ni Shin nang nakatingin sa akin.

"E kung pasabugin ko 'yang pag-mumukha mo, Shin?" Pagbabanta ni Aifrel.

"Uh, Aifrel... alam mo ba ang oras ng pag-dating ni Liam?" Pag-baling ko sa aking kapatid.

Lumapit ito sa'kin upang bumulong, "mahuhuli sa pag-dalo ang prinsipe, may pinuntahan ata s'ya." Tila'y hindi pa ito sigurado sa naging sagot.

Tumango-tango ako bilang kasagutan.

"Hoy! Dukesa! Mahiya ka nga sa posisyon ng iyong pag-kakaupo!" Pinag-sabihan ni Henry ang dalaga na preskong naka-upo, nakabukaka pa ito na animo'y lalaki.

Inirapan s'ya ng dukesa at kumuha ng tinapay upang kainin ito, "manahimik ka."

"Kamahalan, kumusta ang pakiramdam? Gusto mo bang mag-lakad-lakad muna sa labas?" Aya ni Venomus.

Umiling ako, "salamat na lamang, Venomus."

Sinulyapan ko s'ya, sa tingin ko ay nagulat silang dalawa ng kakambal n'ya kung paano ko nalaman ang kanilang pinagkaiba.

"Kung matutuloy ang kasunduan, sino sa kanila kamahalan?" Interesadong tanong ni Shin.

Napairap ako at itinuon ang atensyon sa hawak kong tasa, "oo nga pala! Wala nga pala sa kanila ang gusto mong pakasalan-"

Mabilis na tumutok sa baba ni Shin ang espada ni Aifrel. Hinawakan ko ang braso ni Aifrel upang mapakalma ito, "enough." Sambit ko at humigop sa tasa kong may tsaa.

"Manatili muna kayo rito, bibisitahin ko lamang si ina." Paalam ko at lumisan ng silid.

'At saan naman pupunta ang lalaking 'yon? Liam... kapag talaga nalaman kong nambababae 'to, kikilitiin kita gamit ang kutsilyo.'

"Yo! Mukhang malalim ata ang iyong iniisip..." Nakasalubong ko si Julia kaya agad-agad ko s'yang nilapitan na may pag-aalala.

"Sh*t! Bakit ka lumalabas ng silid mo? Baka mapano ka rito at hindi mo pa kasama si Aifrel o si Aida!" Pinag-sabihan ko s'ya.

Marahan itong tumawa, "huwag kang mag-alala, narito lang naman ako para isauli 'tong kutsilyo mo... ang tagal kasing bumalik ni Aifrel sa taas kaya ako na lamang ang nag-kusa." Paliwanag nito. Pansin ko pa ang pag-hapo nito.

"Nai-stress ako sa'yo bumalik ka na nga sa kwarto mo." Pag-hablot ko sa kutsilyo at baka mapano pa s'ya. Inalalayan ko ito paakyat sa kanyang silid bago ako nag-patuloy sa paglalakad papunta sa kwarto ni ina.

Habang naglalakad sa pasilyo ay may nakabunggo akong katulong na yumuko lamang at mabilis na nag-lakad.

Sa pasilyong nilalakaran ko ngayon ay papunta sa kwarto ng hari, reyna, at ang throne hall. Usually walang dumadaan dito except sa mga may dugong bughaw.

Ilang segundo akong nakatingin sa lalaki bago naisipang sundan ito.

Lumabas s'ya sa bintana at sumunod din naman ako. Dahan-dahan lamang ang galaw ko upang hindi n'ya ako mahalata. Wala na akong balak na sabihin sa mga kawal dahil tiyak na magnanakaw lamang ito mula sa ibang bayan.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon