34. Killaro's fall

231 30 5
                                    


Farrah

"Who did this?" Pag-buhat n'ya sa'kin.

Narito na sina Cain, kasama ang asawa n'ya at ang dalawang kapatid nito... si Crishen at Krishanj.

Nagtataka ako kung paano sila nakarating nang mabilis sa Killaro...

Nilingon ko sina Adam na halos pilayin na ang kapatid ko.

"Mabuti na lang ay nandito ka na." Pag-yakap ko kay Liam. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating na sila.

"Sino ang lalaking iyan?" Baling ng Prinsesa Thana kay Lupin.

"Ano lang... magnanakaw lang." Kapilyuhan n'ya.

"Crishen." Pagtawag ni Liam.

Lumapit ang lalaki at nakinig sa sasabihin ni Liam.

"Bawiin mo si Aifrel, patayin mo ang sagabal."

Tumango si Crishen at kalmadong nag-lakad papunta kila Adam. May humarang na tauhan at nagulat ako sa sumunod na nangyari.

"Shh, magpahinga ka na... dugo ang ating lagda, aking tangi ." Pag-haplos ni Liam sa buhok ko nang maramdaman n'yang ikinagulat ko ang ginawa ni Crishen.

Dinurog ni Crishen ang ulo ng lalaki gamit lamang ang kanyang kamay.

'Anong klaseng tao ang makakagawa n'yan?!'

"Nakapag-isip-isip ka na ba, prinsesa ko?" Bulong ni Liam sa'kin.

Niyakap ko s'ya nang mahigpit, "oo, deal is a deal."

"Mahal na mahal talaga kita." Bulong n'ya na ikinagulat ko.

"G-gago? anong mahal? akala ko trip mo lang yung kondisyon na 'to?" Taka ko.

"Kailan pa ba ako nag-biro, prinsesa?" Sarkastikong tanong n'ya habang nakatingin sa'kin.

'Seryoso? Sa sitwasyon na 'to?! Tsk! Pwede namang mamaya na sa palasyo...'

"TANDAAN MO ADAM! MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN!" Galit na sigaw ni Aifrel habang hinihila s'ya ni Crishen papunta sa'min.

"Tara na, hindi naman na sila makakasunod kung naririto ang Prinsipe Liam." Sambit ni Crishen.

"Kumusta?" Pag-aalala ng Prinsesa Thana sa'kin.

"Maayos lamang, kamahalan." Ilang ko. Naiilang talaga ako sa Prinsesa Thana.

Nagpatuloy ang pag-sabog sa Killaro kaya nagmadali kaming lumabas.

"Kamahalan, patawad at salamat sa lahat..." yuko ni Lupin.

"Sige na, mag-ingat ka sa iyong pagbabalik at 'wag mo na ulitin ang pag-nanakaw." Sabi ng duke. Pinanood lang naming makaalis si Lupin.

"Paano kayo nakarating agad dito?" Pag-tataka ko, "ang ibig kong sabihin.. ang mga kapatid ng Prinsesa Thana?" Dugtong ko pa.

"May mga mabilis na ruta papunta sa iba't ibang emperyo. Bilang lamang sa daliri ang mga taong nakakaalam no'n." Paliwanag n'ya.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon