11. Assassin

725 88 1
                                    

Farrah

Tiningnan ako nang masama ni Penelope dahil sa aking sinabi, "Patawad sa aking masakit na pananalita, Penelope." Sarkastikong saad ko.

Ayoko ring gumawa ng gulo o iskandalo ngunit nagawa ko na. Nilagpasan n'ya ako, "Patawad sa nangyari, mahal na hari." Aniko.

Yumuko ako sa tapat ng hari, "Naiintindihan ko, kumusta ang reyna?" Pag-iiba n'ya ng usapan.

"Mag-kasama po sila ni ama." Sagot ko.

Bakit biglang umiba 'yung ihip ng hangin? Parang may mali. Naramdaman ko 'to nung unang gabi ko sa kwarto ng palasyo. May nag-mamasid sa'kin.

Tumingin ako sa itaas ng palasyo at may nakita akong naka-tayong lalaki at pumana s'ya. Nakaiwas ako ngunit nadaplisan pa rin ako sa pisnge.

"PUMASOK ANG LAHAT SA PALASYO!" Sigaw ng kabalyero kasabay nang pag-sigaw ng mga tao.

"Julia! Tristan!" Pagtawag ko sa dalawa.

Iniabot nila sa'kin ang pana na itinago nila sa likod ng puno sa hardin. Umalis sa itaas ng palasyo ang lalaki kaya sumunod ako sa kan'ya.

"Kamahalan!" Pagtawag pa ni Julia ngunit desidido na akong mapatay ang nag-tangkang pumana sa'kin.

Mas mabilis s'ya sa inaakala ko at nawala s'ya sa aking paningin. Alam kong nasa paligid lang s'ya, "Ayaw ko ng gulo, paki-usap."

Bigla na lamang n'ya ako hinila at tinakpan ang aking bibig nang may mga kabalyerong naglilibot. Nang makaalis ang mga kabalyero ay binitawan n'ya rin ako.

"Liam Scaife, prinsipe ng silangan." Pakilala n'ya.

"Hindi ko tinatanong." Iritang saad ko at tinutukan s'ya ng pana sa leeg. Ngumiti ang loko, "Kamahalan, napakaganda mong demonyo."

"Muntik na akong mamatay dahil sa'yo kaya manahimik ka." Pinanliitan ko s'ya ng mata.

Marahan n'yang pinunasan ang dugo na nasa pisnge ko kung saan ako natamaan ng pana n'ya, "Humihingi ako ng tawad sa pag-sira ng napakaganda mong mukha."

Nabitawan ko ang pana na hawak ko at lumikha ito ng ingay. Pasmado kasi ako, malay ko bang mabibitawan ko yung pana dahil madulas kamay ko. -,-

"DOON MAY NARINIG AKONG INGAY." Sigaw ng isang kabalyero.

Hinila ako ni Liam at isinandal sa malamig na pader ng palasyo at mapusok na hinalikan kaya wala akong alinlangan na sinaksak s'ya sa tagiliran gamit arrow na hawak ko. Nakita kami ng mga kabalyero ngunit isinawalang bahala lamang nila ang kanilang nakita.

"W-WALANG ANUMAN ANG NARIRITO." Sigaw ng kabalyero at lumisan.

Agad kong tinulak si Liam. Marahan s'yang tumawa, "Bakit mo naman ginawa 'yun?" Tanong n'ya at hinawakan ang aking pang-ibabang labi gamit ang kanyang hinlalaki.

"Patawad, nabigla lamang ako." Sagot ko. BAKIT NAMAN AKO HUMIHINGI NG TAWAD?!

"Kamahalan, kung kailangan mo ng tulong ko tawagin mo lamang ang aking pangalan kahit pabulong man 'yan." Sabi n'ya.

"Bahala ka, mamamatay ka rin naman." Biro ko.

Hindi naman malalim ang saksak ko sa kanya, "Hanggang sa muli, kamahalan." Mabilis s'yang lumisan.

Kapag magiging kalaban ko ang prinsipe ng silangan, malaki ang posibilidad ng aking kamatayan.

"Kamahalan, ayos ka lang?" Pag-aalala ni Julia pag-balik ko sa palasyo. Tumango ako, "Ang hari?" Tanong ko.

"Maayos din naman ang lagay ng hari." Sagot n'ya. Si Kai kailangan ko rin maka-usap.

Hinanap ko si Kai at mabuti na lamang ay maayos lang din ang lagay n'ya, "Kamahalan, maayos lang ba ang lagay mo?" Tanong n'ya at pinunasan ng panyo ang pisnge ko.

"Salamat. Kailangan nating mag-usap." Sabi ko at hinila s'ya sa sulok ng palasyo. Hindi naman kami maririnig dahil sa ingay ng paligid.

"Ano ang pag-uusapan?" Tanong n'ya.

"Pag-balik mo sa bayan. Kapag may nag-papadala ng mga bagay na pangangailangan n'yo at sinabing mula sa'kin, 'wag mong tatanggapin." Sabi ko.

Labis na nag-tataka ang kanyang mukha, "Kamahalan, mag-sisimula na ba?"

Tumango ako, "Mukhang ganoon na nga ang mangyayari." Sabi ko.

"Wag kang tatanggap ng padala ko hangga't hindi ako mismo ang lalapag sa bayan." Dugtong ko pa at tumango s'ya.

"Ano naman ang balak mo?" Tanong n'ya.

"Aalis ako sa aking pwesto." Sagot ko na ikinagulat n'ya, "H-Hindi maaari." Gulantang n'ya.

"Kai, wala pa akong magagawa bilang prinsesa at ipapangako akong babalik ako kapag nagka-ayos na ang emperyo." Sabi ko.

Nanlumo ang kanyang mga mata, "Sisiguraduhin kong bibisita ako sa bayan mo." Sabi ko.

"Mag-iingat ka kamahalan, lalo na sa prinsipe ng silangan dahil s'ya lamang ang bukod tanging may lakas na loob na pumatay sa limang emperyo." Sabi n'ya. Si Liam?

Tumango ako, "Naiintindihan ko. Salamat din sa pag-aalaga kay Sasha at sa dalawa pa." Sabi ko.

"Prinsesa Farrah, maaari ba kitang maisayaw?" Pag-yaya ni Kian. Tinanggap ko ito.

"Patawad sa kaguluhan, prinsipe." Sabi ko habang sumasayaw kami sa gitna.

"Sa'kin dapat ang linya na 'yan kamahalan dahil kayo ang bisita dito." Saad n'ya.

"Posible kayang magkaroon ng gulo sa emperyo?" Tanong ko.

Tumango s'ya, "Kaunting pag-kakamali lamang ay pag-aawayan na."

Bumuntong hininga ako, "Kapag may away ay hindi lamang tayo ang may problema dahil madadamay ang mga bayan."

"May punto ka. Matagal-tagal din bago mag-kaayos ang emperyo dahil kailangan pa ito idaan sa gera." Saad n'ya.

"Mahal na prinsipe, kung magkakaroon man ng digmaan ay sana mag-ingat kayo." Sabi ko.

"Ikaw din kamahalan, napakabuti mo." Nginitian n'ya ako.

Pagkatapos ng sayaw na 'yun may marahang humila sa'kin, "Nag-kita ulit tayo."

Nanggigigil pa rin ako sa mukha ng prinsipe na 'to, "Bakit hindi ka pa mamatay, Liam?" Inis na tanong ko.

"Hindi naman 'ata ako tatanggapin kahit saan." Pabalang na sagot n'ya, "Tsaka bakit ang laki ng galit mo sakin kamahalan? Dahil ba sa pag-pana ko o sa pag-hali—"

Tinakpan ko ang bibig n'ya, "Dahil sa pag-pana mo, 'wag kang mag-patawa."

Marahan n'yang tinanggal ang aking kamay at hinalikan ang palad ko pababa sa aking pulsuhan, "Seryoso ako Liam." Sabi ko.

"Seryoso sa alin?" Pag-ngisi n'ya kasabay nang malambing na tono.

Umiwas ako ng tingin, "Wala, kalimutan mo na dahil hindi ka naman mapagkakatiwalaan." Nag-lakad ako palayo upang bumalik sa pinuno.

"Kumusta ang sayawan, kamahalan?" Nakangiting tanong n'ya. Umupo ako sa tabi n'ya, "Masakit sa paa." Sagot ko.

"Nga pala, 'eto ang balabal mo dahil malamig na ang panahon baka sipunin ka sa pag-babalik mo sa palasyo." Sabi n'ya at isinuot sa'kin ang cloak.

"Kinuha mo 'to mula sa kabalyero?" Pag-tataka ko at inayos ang pag-suot ng cloak.

Tumango s'ya, "Dito ka muna kamahalan at kukuhanan lamang kita ng makakakain." Umalis s'ya sa kan'yang upuan kaya sinundan ko s'ya ng tingin.

Nahagip ng paningin ko si Liam na nakatingin ng masama kay Kai bago lumisan. Kapag si Liam ang kinalaban ko talaga, babagsak ang limang emperyo dahil hihiyakatin s'ya ni Penelope. Pero...

Papayagan n'ya ba ang kanyang sarili na akitin ng isang bata?

At isa pa, kung mapalambot ko ang loob ni Penelope. Baka maging payapa pa ang lahat. Agh, whatever.

Center Empire PrincessWhere stories live. Discover now