Farrah"Hmh..." Pag-daing ni Liam at napabangon habang hinihimas ang leeg.
Hinanda ko ang tsaa n'ya at iniabot sa kanya, "kumusta ang pakiramdam ng prinsipe ko?"
Tinanggap n'ya ang tsaa at ipinatong sa itaas ng kabinet n'ya at hinila ako pahiga sa kama, "inaantok pa ako, saan ka galing ha?"
Bumuntong hininga ako at hinimas ang kanyang pisnge, "sa gitnang emperyo."
Napadilat s'ya at alam ko nang magugulat s'ya, "bakit parang gulat na gulat ka ata, mahal ko?"
He scoffed, "ugh, Farrah... hindi ka pa dapat babalik doon."
"Liam... babalik ako kung gusto ko." I said as I lean closer. A sudden heartache stop me.
"Are you alright?" Mabilis na bumangon si Liam at hinaplos ang pisnge ko.
Siguro'y napansin n'ya ang pagbabago ng ekspresyon ko.
"Hindi... namatay sila, Liam... wala akong alam sa pinanggagawa n'yo ngunit sana ako na lang, huwag na kayo mandamay." Sabi ko. Pinigilan ko ang umiyak dahil baka isipin ni Liam na mahina ako.
"Namatay? Sino? Sabihin mo." He sincerely said na para bang handa s'yang makinig.
"Dalawang bayan ng gitnang emperyo ang sinira n'yo, Liam... ano ang pakiramdam?" Tanong ko.
"Bakit ako?" Biglang tanong n'ya.
"Bakit hindi ikaw, Liam? Ikaw ang ugat ng halos lahat ng gulo." Sagot ko. Bumangon ako mula sa kama at tinalikuran s'ya.
"Hindi, mali ka ng iniisip... dahil ba narinig mo ang pinag-uusapan namin ng prinsesa Penelope?" Tanong nito.
Ayoko na muna makinig kaya nag-lakad ako palabas ng silid.
Gayunpaman, ang sakit sa dibdib. Tila'y dumoble ang sakit dahil...
Tangina ni Liam, hindi ko s'ya kayang talikuran.
Huminga ako nang malalim bago umusad sa paglalakad patungo sa silid ng aking kapatid. Bago ko pa mapihit ang pinto ay narinig ko sa loob ang boses ni Julia.
"A-aifrel... ah..."
Napatakip ako ng palad sa aking bibig. WHAT THE HELL.
Are they having sheesh in this kind of situation? Ganyan ba mag-comfort si Aifrel? Wild?
Hindi ko nakayanan ang aking mga naririnig kaya dumeretso ako sa silid aklatan. Sobrang tahimik talaga rito.
Kumuha ako ng aking babasahin at umupo sa gilid ng bintana, tinanaw ko ang magandang hardin ng silangan.
"Nakita n'yo ba ang prinsesa Farrah? Pinapahanap s'ya ng prinsipe." Napabalikwas ako sa kinauupuan ko at nagtago sa ibaba ng bintana.
"Aray..." Usal ko pa.
May pumuntang kawal sa gawi ko, "parang may narinig akong kalabog dito..."
"Guni-guni mo lamang yan, tara hanapin natin ang prinsesa dahil tiyak na mapaparusahan tayo ng prinsipe." Sabi nung isa at umalis na sila.
Nakahinga ako nang maluwag at isinara ang kurtina ng bintana.
Bakit ba naman pinapahanap ako ng prinsipe na iyon? Hindi pa ba sapat ang pinanggagawa n'ya sa buhay?
Ayaw kong makinig sa kanya dahil tiyak akong magugulo nanaman ang isip ko kung sino ang paniniwalaan. Ngunit, ayon sa sinabi ng multong si Kian... walang kasalanan si Liam.
Kahit na, ayon naman sa narinig ko mula mismo sa kanila ay may balak talaga sila.
Sisirain ko lamang ang ibidensya upang makapag-ayos na ako. Kapag naka-alis na ako ng emperyo, hahayaan ko s'ya mag-dusa sa mga kaganapan sa silangan at sa gitna. Ngunit... magdudusa kaya s'ya?

YOU ARE READING
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...