15. East Kingdom

556 79 12
                                    

Farrah

Nang makarating kami sa kaharian ay agad akong bumaba ng kabayo upang alalayan si pinuno, "Salamat kamahalan."

Hindi pa rin ako makapaniwala na isa s'ya sa kerida ni Farrah. Malay ko ba. -,-

Nginitian ko ang pinuno bago s'ya sumunod kay Julia papasok sa kaharian at ako naman ay sumabay kay Liam, "Nakakatakot ba ang hari ng silangan?" Tanong ko.

Bumuga s'ya ng hangin, "Wag mo na tanungin."

Iritable ko s'yang tiningnan, "Ang sungit mo."

He glared at me, "Wag kang maingay."

Sungit talaga, dukutin ko kaya bituka nito. 'Pag ako talaga napikon jusko Liam. Hmp! Pasalamat ka gwapo ka.

Sumunod na lamang ako sa kanya papasok sa kanilang kaharian. Nakasalubong pa namin yung mayordomo n'ya, "Maligayang pag-babalik ulit sa kaharian ng silangan, kamahalan." Pag-bati ni Benedict.

Yumuko rin ako bilang pag-galang.

"Nasaan ang hari?" Tanong ni Liam.

"Maaari kayong sumunod sa akin, kamahalan." Sagot ni Benedict. Sumunod kami sa kanya at gayundin ang pinuno at si Julia.

Gusto ko isama si Julia kasi para may kasama naman ako na ka-close ko.

Itinulak ni Benedict ang malaking pintuan at bumungad sa'min ang malapad na conference room. Wow, big time.

"Maupo kayo." Dumadagundong na boses ng Hari na ikinatayo ng balahibo ko, "Nakakatakot nga.." Usal ko.

Sumunod lamang ako kay Liam, "Stop following, pwede ka maupo kahit saan." Bulong n'ya.

Tiningnan ko s'ya ng masama, "W-Wag ka makulit." Sabi ko at umupo sa tabi n'ya.

Ilang minutong katahimikan at biglang nag-salita ang hari na ikinagulat ko dahil pangalan ko ang sinabi n'ya, "Prinsesa ng gitnang emperyo? Kumusta?" Pag-bati n'ya.

Napalunok ako bago mag-pakilala, "Prinsesa Farrah Alastair, Ikinagagalak kong makilala kayo, kamahalan." Yumuko ako bilang pag-galang.

"Balita ko may koneksyon ka na sa bayan ni Kai? Kumusta naman ang bayan ng Pinuno?" Tanong n'ya.

"Maayos ang pamamalakay ngunit mayroon pa ring problema patungkol sa pakikisalamuha-"

Hinawakan ni Liam ang pulsuhan ko, "Hindi pa oras ng pag-pupulong, bawal kang mag-paliwanag hangga't wala pa ang iba. Isang kabastusan ang bagay na iyon." Bulong n'ya.

"Sige lang, ipagpatuloy mo." Sabi ng hari.

Nilingon ko si Liam na inalis ang kamay n'ya mula sa pag-kakahawak sa'kin. Muli akong nag-salita, "Problema tungkol sa pakikisalamuha ng ibang mamamayan sa ibang bayan." Sabi ko.

Tumango ang hari, "Gusto ko ang iyong pananalita kaya gagawan natin ng sulosyon yan." Ikinagulat ko ang pag-sang-ayon ng hari sa'kin.

Masaya akong yumuko, "S-Salamat kamahalan."

Umupo ako sa aking upuan. Katapat ko ang Pinuno at katabi naman n'ya si Julia at katabi ko naman si Liam.

Mabuti nga't pinayagan ni Liam na sumama itong si Julia.

Isang oras ang nakalipas ay may mga dumating na, ayon sa narinig ko ay ang iba raw ay bukas pa ang dating. Nag-simula ang pag-pupulong at dahil sa kaguluhang nangyari sa bayan ni Kai ay magtitipon-tipon muna ang mga emperyo sa kaharian ng silangan.

Ang hari ng silangan ang isa sa mga matapang na hari kaya mas mapagkakatiwalaan s'ya kaysa sa iba. Lalo na sa hari ng kanluran. Greedy.

"Napag-isip-isip ko lamang na dumarito muna kayo upang makapag-ayos at makipag-salamuha." Sabi ng hari ng silangan at nakinig lamang kami.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon