59. Ictus

128 9 0
                                    


Farrah

"Huling salita?" Tanong ni Aifrel sa babae na ngayo'y nakaluhod sa aking harapan habang hawak sya ni Theo at Fergus. Oo, sinadya kong sila ang maghawak sa babae para makita nila kung sino ang paglilingkuran nilang Farrah.

"Ang tunay n'yang intensyon ay hinding-hindi mabubunyag." Taas noong sabi nito. Ang tono pa nito ay matapang at matapat.

"Bigyang-wakas ang kanyang walang kabuluhang buhay." Utos ko.

Bago pa man may lumabas na salita sa bibig ng dalaga at hinawi na ni Aifrel ang espada pababa sa kanyang batok hanggang sa humiwalay ang ulo nito mula sa kanyang leeg.

Sumirit ang dugo sa'kin at kumalat sa aking kasuotan at sa aking pisnge, "magandang gabi." Sambit ko bago talikuran sila.

"Buo na ang aking desisyon, wala nang mga babae ang maaaring mag-trabaho dito." Sabi ko.

"K-kamahalan, paano ang mga matapat na trabahador natin?" Tanong ni Theo at lumapit pa sa'kin.

Muli ko silang hinarap at itinuon ang mga mata kay Fergus, "tingnan natin kung hanggang saan sila magiging matapat."

"Theo, pumunta ka sa kwarto ko mamaya. Aasahan ko ang iyong pag-dating." Bulong ko at naglakad papasok sa palasyo.

"Talaga ngang nakakatakot ang mga babae." Biro ni Aifrel na sumunod sa'kin.

"Mas matakot ka kay Julia kapag iyan tinopak." Tukso ko at dumila pa para mas mainis s'ya.

Napanguso ito, "manahimik ka nga!"

"Bahala ka riyan." Pag-irap ko at nauna na sa aking kwarto.

Itinago ko sa ilalim ng lamesa ko ang regalong kutsilyo ni Liam upang hindi ito mabasa habang ako'y naliligo mamaya.

Nanlalagkit na ako sa dugong nakadikit sa aking balat kaya agad akong pumasok sa banyo upang ibabad ang aking katawan.

"Aah..." pag-buga ko ng hangin habang nagbababad sa tub kahit suot ko pa ang aking pantulog.

Ilang minuto akong nagbabad sa malamig na tubig habang nakapikit nang maramdaman kong may tela sa aking ulo.

"Kamahalan, baka magkasakit ka kung magbababad ka nang matagal d'yan." Pag-aalala ni Theo.

"Sigurado kang may mga matapat pa na naglilingkod sa kaharian na ito? Burado na ang dalawang bayan natin. Anong nagawa ng Leonhart? Wala rin?" Pagtataka ko.

"H-hindi sa ganoon kamahalan, ginagawan na nila ito ng paraan... hindi naman palaging minamadali ang pag-ayos ng isang bagay, kamahalan. Dumadaan din ang mga bagay na ito sa proseso." Paliwanag nito habang pinupunasan ang aking buhok.

Tumayo ako mula sa tub at hinubad ang aking kasuotan, "i-ihahanda ko lamang ang iyong kasuotan, kamahalan." Pagtalikod n'ya.

"Hindi, manatili ka riyan." Sabi ko at agad naman s'yang tumigil.

Mabilis kong nilinis ang aking katawan at ibinalot ko ang aking aking katawan ng hawak n'yang tuwalya.

"Ihanda mo ang aking pantulog." Utos ko.

Nakasunod lamang ako sa kanya na lumabas ng banyo. Umupo ako sa kama at s'ya naman ay dumeretso sa aking aparador upang kumuha ng pantulog.

"Gusto ko ang kulay puti." Sabi ko.

"Masusunod, kamahalan." Anito at inilabas ang bestidang puti at lumapit sa'kin.

"Lumabas ka muna." Bilin ko at yumuko naman s'ya bago lumisan.

Lumapit ako sa aparador at kumuha ng panloob na kasuotan. Isinuot ko ito bago ang pantulog na bestida.

"Theo, halika nga rito." Sabi ko. Inutusan ko s'ya na itaas ang siper sa likuran ng bestida.

Iniangat ko ang aking buhok upang itaas n'ya ang siper, "salamat."

"Walang anuman, kamahalan." Anito.

Dumeretso ako sa kama at inayos ang higaan.

"Theo, maaari ka nang lumisan kung gusto mo... kung gusto mong manatili, huwag kang aalis sa tabi ko." Sambit ko at ipinikit ang aking mga mata.

Wala akong narinig na yapak ng mga paa. Sigurado akong hindi s'ya lumisan.

Kinaumagahan ay naroon pa rin s'ya sa kanyang pwesto at nakangiti s'yang bumati sa'kin, "magandang umaga, mahal na prinsesa... masaya ka ba sa kaarawan mo para bukas?"

Bumangon ako, "walang sasaya." Usal ko.

Napalingon ako kay Aida na tahimik na naghahanda ng mga tela. Marami s'yang mga kasamang ibang katulong.

"Magandang umaga kamahalan." Pag-yuko n'ya at ng iba.

"Ano ang inyong balak?" Tanong ko.

"Minamadali na ng iyong ama ang paghahanda kaya balak sana naming sukatan kayo habang kayo'y natutulog." Paliwanag n'ya.

"Theo." Sambit ko.

Bigla na lamang humawak si Theo sa kanyang espada na ikinaatras ni Aida at ng ibang katulong.

Napatawa ako, "silly, gusto kong paghandaan mo ako ng almusal, tulungan mo si Chrestienne." Sabi ko.

"P-paumanhin, mahal na prinsesa..." yukod nito.

"Sige na." Tinanguan ko s'ya at pinanood na lumabas ng kwarto.

Bumaling naman ang paningin ko pabalik sa kanila, "maaari na kayong mag-patuloy."

"Kamahalan, maaari po bang ayain kayong tumayo rito upang ika'y masukatan?" Tanong ni Aida.

Tumango ako at tumayo roon sa pabilog na kahoy na may kataasan. Pinalapad ko ang aking braso upang masukatan nila ako.

Sinukat nila ang bewang, dibdib, balikat, braso, at ang aking ulo. Nagtaka ako kung bakit kasama ang aking ulo.

"Bakit kasama ang pag-sukat sa aking ulo?" Pagtataka ko.

"Sa kadahilanang gusto kang regaluhan ng iyong kapatid ng korona, mahal na prinsesa." Sagot ni Aida.

"Salamat sa iyong kooperasyon, kamahalan. Tapos na po." Pag-yuko ni Aida kasama ang iba nang matapos na sila sa kanilang ginagawa.

"Walang anuman, naka-handa na ba ang palasyo?" Tanong ko.

Tumango si Aida, "may idadagdag na lamang, kamahalan. At isa pa nga pala... nag-papagawa rin ng masusuot ang hari para sa kanyang pangalawang asawa na si Leonor, kamahalan—"

"Anong kinalaman ko?" Putol ko sa kanyang sinabi. Wala naman akong paki-alam kung sino man ang mga karelasyon ni ama.

"Kamahalan, gusto ng Binibini Leonor na ramihan ng alahas ang kanyang susuotin para bukas." Aniya.

Na-agaw nito ang atensyon ko nang sabihin n'ya iyon, "ang rason?"

"Para maka-akit ng pansin para bukas." Sagot n'ya.

Bigla na lamang kumulo ang aking dugo, "hindi ba n'ya batid ang gaganapin bukas?"

"Hindi ko naman kailangan malaman ang mga ganyang mga bagay ngunit salamat sa pag-sabi, desisyon iyan ni ama." Dugtong ko sa aking sinabi.

Yumuko sila, "maagang maligayang kaarawan, kamahalan." Pag-bati ni Aida.

"Salamat sa lahat at aasahan ko pa ang mga susunod n'yong tungkulin." Ani ko at nginitian sila.

"Nga pala, gusto kong isama sa kasiyahan ang Talimuwang Mangingibig, kahit sino ay maaaring sumali." Rekomenda ko.

"Ayaw mong lumahok, kamahalan?" Tanong ng isang katulong.

Umiling ako, "mayroon na akong inaasikasong laro at mukhang malaki ang pa-premyo ni ama." Humagikgik ako.

"Tiyak nga na masaya iyan kamahalan." Saad ni Aida.

"Sige na, salamat ulit. Magpapahangin na muna ako sa hardin at siguro'y doon na rin ako magt-tsaa." Tinalikuran ko sila upang lumisan.

Lalanghap muna ako ng sariwang hangin, nakakasakal dito.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon