58. Caution

142 12 0
                                    


Farrah

"Naparito ka?" Sambit ng reyna nang hindi manlang tumitingin sa'kin.

"May mga tanong lamang akong gustong liwanagan, mahal kong ina." Aniko at nilapitan s'ya.

Bumaling ang paningin n'ya sa'kin, "bakit hindi ka muna maupo rito?"

Bumangon s'ya mula sa kanyang kama at lumapit sa upuan na malapit sa kanyang bintana. Ginamit n'ya ang kanyang paa upang sipain ito papunta sa'kin.

Agad kong pinigilan ang upuan gamit ang aking palad at ibinalik sa tabi ng bintana, "anong alam mo sa Karucia?"

Hindi s'ya natinag sa tanong ko. Dahil magaling s'yang mag-panggap.

"Bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan? May aasikasuhin ka bang isyu?" Tanong n'ya.

Umupo muna ako sa upuan bago mag-salita, "may tinatago pala yung pamilyang Karucia..."

Nagsimula na s'yang maglakad-lakad, "nalaman mo na pala ang tungkol sa prinsipe ng Karucia..." Usal nito.

Napagtanto ko na pagpapanggap din pala na may sakit ang reyna. Tiyak na may sarili s'yang plano.

Hindi kaya...

... nagpanggap s'ya na nanghihina upang hindi s'ya abalahin ng mga kalaban? Matalino ngunit mahinang estratihiya.

Malaya s'yang nakakapaglakad-lakad sa sarili n'ya at maganda ang kanyang postura. Parang ako lang ang nakakaalam sa bagay na ito.

"Prinsipe? Tunay nga na may prinsipe sila." Pag-ngisi ko. Ngunit...

"Bakit tinatago nila?" Pagtataka ko.

"Kung malala ang prinsesa ng Karucia, mas malala ang kanilang prinsipe. Sapat na siguromg rason ito upang itago nila ang katauhan nito." Paliwanag n'ya.

"Hanggang kailan?" Tanong ko.

Tumigil s'ya sa paglakad-lakad, "mahirap basahin ang mga galaw nila, mahirap hulaan."

"Saan mo nalaman ang tungkol sa prinsipe?" Tanong n'ya.

Kibit balikat ang sagot ko sa kanyang katanungan.

Kumatok naman sa pinto ang katulong na kasama ko sa kusina kanina at pinapasok s'ya ng kawal ni ina sa labas ng kwarto.

"Magandang gabi kamahalan, ito nga pala ang prutas na inihanda natin kanina." Nginitian ako ng babae.

"Salamat, Chrestienne." Sabi ni ina. Umiwas na lamang ako ng tingin bilang pag-irap.

Padabog na pinatong ng reyna ang plato sa lamesa na malapit sa'kin.

"Pinaiyak mo si Chrestienne?" Tanong n'ya.

Muli, kibit-balikat ang sagot ko.

"Ganyan ang pag-trato mo sa kanila kapag naging empresa ka na?" Tanong n'ya.

"Pagod lamang ako." Sinandal ko ang aking katawan sa likuran ng upuan.

"Ginawa namin iyan para sa'yo, kumain ka muna ina." Sabi ko.

"May isa pa akong katanungan, ina..." Usal ko.

"Ano?"

"Ang prinsipe ng Romanus...?" Tanong ko.

Doon ko nakita ang pagka-bigla n'ya. Napatayo ako mula sa upuan at kinompronta s'ya, "may alam ka sa prinsipe ng Romanus?"

"Wala, sampung taon na ang lumipas... sa tingin mo buhay pa s'ya?" Tanong n'ya pabalik. Bakit ba binabanda ng reyna ang aking katanungan? May tinatago ba s'ya?

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon