22. Trepidation

357 51 4
                                    

Farrah

"Kamahalan-!"

"Mahal na prinsipe-!"

"Fergus! Ilag!" Sigaw ni Julia bago tumama sa mukha ni Fergus ang unan.

Pagpasok kasi namin sa kwarto ni Aifrel ay nag-batuhan agad kami ng unan.

"Sinabi ko na sa inyo na tumigil na kayo, kamahalan." Buntong hininga nito. Gayunpaman, hindi nawawala ang pag-galang n'ya sa'min.

"Patawad Fergus! Ngayon lang kasi namin magagawa ang mga bagay na 'to dahil tiyak na abala na kami pagbalik sa palasyo." Sabi ni Aifrel.

Bumuga ng hangin si Fergus, "ANG.KALAT.KAMAHALAN." Diin na diin n'ya ang bawat salita.

"Oh kalma lang, stress ka na riyan." Pabirong sambit ko at nilapitan s'ya.

"Tatawag lamang ako ng katulong para ligpitin ang mga kalat." Sabi ni Aifrel.

"Bakit tatawag ka pa? Pwede mo naman ligpitin lahat ng 'yan!" Sabi ni Julia.

"Aba-aba inuutusan mo 'ko?" Pag-babanta ni Aifrel.

"Pigilan mo nga ang dalawang iyan dahil kapag hindi ako makapagpigil dito pipingutin ko yan." Utos ko kay Fergus.

Bumuntong hininga s'ya at pilit na ngumiti sa'kin.

'Fergus n'yo stress na sa life.'

"Mahal na prinsipe at Julia... tatawag ako ng katulong para maligpit na 'to kaya tumigil na kayong dalawa maliwanag?" Klaro ni Fergus.

"Maliwanag ba kamahalan?" Baling n'ya sa prinsipe.

Tumango naman ang dalawa at umiwas ng tingin.

"Maiiwan ko muna kayo kamahalan." Paalam naman nito sa'kin bago lumisan.

Napaupo naman ang dalawa sa kama dahil napagod sa harutan. Naglakad ako palapit sa malaking bintana at nakinig sa malakas na ulan.

"My bagyo ba ngayon?" Pagtataka ko. Malakas ang ulan, hangin, kulog, at may kasama pang kidlat. May takot pa naman ako sa kulog at kidlat pero keri ko pa naman.

"Hindi ko alam, wala namang nakapagsasabi kung may bagyo o wala." Sabi ni Aifrel.

'Wala nga pala silang weather forecast, how suck.'

"Naisip ko lamang na maaari na ba tayong bumalik sa kaharian bukas?" Tanong ko.

"Kung babalik na tayo, hindi na natin mararanasan ulit 'to..." Sambit ni Aifrel.

"Bakit? Mamamatay ka na ba?" Biro ni Julia.

"Baliw talaga 'to." Usal ko.

"Mamamatay talaga ako kapag hindi mo itinikom 'yang bibig mo, nakapa-ingay." Iritableng si Aifrel.

"Pwede naman tayo magbigayan ng mensahe o 'di naman kaya'y pwede ako bumisita roon." Sabi ko.

"Magandang ideya! Nakakapanibago naman ang ugali mo Farrah." Sambit ni Aifrel.

Bumaling tingin ko kay Julia na gulat din ang reaksyon.

"May tinatago ba kayo sa'kin?" Tanong n'ya.

Umiling ako, "wala! Hindi ba pwede-"

"Iyon na lamang pakiligpit ng kalat." Pagdating ni Fergus.

"Thank you, Fergus. You're my savior." Pag-hinga ko nang maluwag at naunang lumabas ng pinto.

"Muntik ka na girl. Masyado ka nang komportable sa mundong 'to at nakalimutan mo na ang pagpapanggap mo." Pinagalitan ko ang aking sarili dahil sa kapabayaan ko.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon