40. Honestly

220 24 1
                                    


Farrah

"Nasaan na ba kasi 'yon?" Nanghahalukat nanaman ako sa mga gamit ni Liam.

"Nasaan ang alin?"

Hindi ko napansin na lumabas na s'ya mula sa banyo. Nauna akong naligo kaysa sa kanya kaya agad akong nanghalukat habang nasa banyo s'ya.

Naka-pantalon na ito ngunit walang pang-itaas at pinupunasan pa nito ang kanyang buhok.

"W-wala." Aniko at lumayo mula sa kanyang lamesa.

Lumapit sya sa lamesa at tiningnan ang mga gamit n'ya. Iniangat n'ya ito at ibinagsak na lumikha ng malakas na ingay.

"Magtapat ka nga, ano ang tinatago mo sa'kin?" Tanong n'ya at ibinagsak ang sarili sa kanyang upuan.

"Lumapit ka sa'kin nang mas marinig kita." Sabi pa nito.

Huminga ako nang malalim.

"Paano ko ba sisimulan 'to..." Usal ko.

"Kasi..."

"Farrah."

"Oo! Eto na!" Sambit ko at pinakalma ang aking sarili, "balak kong umalis sa pwesto bilang prinsesa upang makalayo sa mga responsibilidad kaya pumayag ako sa hukuman upang mapatalsik na ako." Pagsasabi ko ng totoo.

"Nabalitaan ko na ginawan mo ng paraan ang mga isyu ko kaya nagulat talaga ako." Sabi ko.

"Iyan din ba ang rason kung bakit hindi ka masaya na mag-kasintahan tayo?" Tanong n'ya.

"H-hindi sa ganoon, Liam... ang ibig kong sabihin ay dinadahan-dahan pa lamang natin ang nangyayari at mas mabuti iyon. Walang kasinungalingan ang pinagsasabi ko kanina sa gubat, totoo iyon."

"Nang maalala ko na may maiiwan ako sa emperyo... hindi ko na itinuloy ang plano." Dugtong ko pa.

"That's all I want to hear, ito ang hinahanap mo." Inabot n'ya sa'kin ang kontrata.

Tinitigan ko nang mabuti. Nagdadalawang isip sa aking gagawin.

"Punitin mo kung may balak kang umalis, halikan mo ako kung mananatili ka sa tabi ko." Malambing ang kanyang tono.

Tapos na akong magdesisyon sa ganitong bagay, kanina pa.

Nirolyo ko ang kontrata at mabilis s'yang hinalikan sa kanyang labi.

"Aah... napakaganda talaga ng asawa ko, ikamamatay ko ito." Pagyakap n'ya mula sa aking bewang.

Isinubsob n'ya pa ang kaniyang mukha sa aking dibdib, "ang lambot..."

"What do you think you're doing?" Tinaasan ko s'ya ng kaliwang kilay.

Iniangat n'ya ang mukha n'yang nasa pagitan ng aking dibdib, "namamangha sa'yo, mahal ko."

Sinuklay ko ang kanyang buhok at hinalikan s'ya sa noo, "marami ka pang gagawin, tama na ang lambing."

Another thing, hindi ko pa nakikita ang kapatid ko...

"Asan si Aifrel?" Tanong ko kay Liam.

"Yun na nga..." Usal nito, "nawala ako sa sarili nang malaman kong wala ka sa palasyo..." anito.

"Pinauwi s'ya ni ama para sa kanyang kaligtasan." Dugtong pa nito.

"Maayos na ba ang lagay mo? May nasaktan ka ba sa palasyo?" Tanong ko.

"Si ama... kakausapin ko s'ya mamaya." Sabi n'ya at kumawala mula sa pagkakayakap.

Nakarinig ako ng ingay mula sa pasilyo. Tiyak akong boses ni Julia at Aifrel na nagbabangayan iyon.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon