55. Responsibility

135 13 0
                                    


Farrah

"Nasabi mo na ba sa prinsesa?"

Nasa labas pa lamang ako ng pinto ng kwarto ng ina upang kumatok ay naririnig ko na si Aifrel.

"Nasabi man o hindi, iyon ang aking desisyon. Hindi s'ya karapat-dapat maging reyna."

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng reyna kaya ako pumasok sa silid at kinompronta ang dalawa.

"B-bakit hindi ako?" Agad na bungad ko sa kanilang dalawa.

"Manners, Farrah." Aifrel firmly said.

"Asiwa ang pag-kilos mo at ni-hindi ka marunong gumamit ng espada, sa tingin mo ay pagkakatiwalaan kita sa korona ko, Farrah?"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil wala akong responsibilidad ngunit may parte sa akin na gusto kong ako ang mamuno sa gitnang emperyo. Ako lang. Ako.

Iniyukom ko ang aking palad, "tch."

"Aifrel, maiwan mo muna kami." Sabi nito sa kapatid ko na agad namang umalis.

"Lumapit ka rito." Utos nito sa'kin.

Nilapitan ko s'ya roon sa kanyang kama. Hinila n'ya ako at malakas na sinampal sa pisnge.

"Ayaw na ayaw ko ang ganyang kaugalian, Farrah." Aniya at tinulak ako.

"Patawad, kamahalan." Pag-yuko ko habang naka-upo sa lapag. Gayunpaman, s'ya pa rin ang reyna na dapat ginagalang.

Bumuntong hininga ito at bumangon mula sa kanyang kama, "tumayo ka na riyan, dito ka maupo sa aking tabi." Aniya.

Agad akong tumayo at umupo sa kanyang tabi. Inayos n'ya ang buhok ko at pinunasan ang aking luha, "patawad, ito lamang ang paraan upang maturuan kayo ng leksyon sa bagay na ayaw ko nang ulitin n'yo." Aniya at hinalikan ako sa pisnge.

Tumayo s'ya mula sa kama, "ngayon."

"Humihina na ang gitnang emperyo dahil sa kakulangan ng pagbabantay dito. Maraming umaatake na hindi namin naaasikaso." Aniya.

'Gusto kong sabihin na inaasikaso ko na ngunit mas gusto kong makinig sa sinasabi ni ina.'

"Alam ko ang iyong iniisip, alam kong inaasikaso mo. Doon ko nakita ang potensyal mo na hindi ko mapapantayan. Pinanood ko ang galit mo Farrah, nakita ko lahat iyon." Pag-kwento nito.

"Sa kadahilanang ayaw kitang maging reyna dahil hindi mo maaasikaso ang ibang bahagi sa emperyo..." Usal nito.

"...magagampanan mo kaya ang pamumuno sa buong gitnang emperyo bilang ang pinaka-unang emperatris?"

Tumayo ang balahibo ko sa sinabi ng reyna. Hindi ko alam ang aking isasagot, sobrang laking responsibilidad ang ibibigay n'ya. Kakayanin ko kaya?

"Gagawin ko ang lahat, mahal kong ina." Pag-ngiti ko at niyakap s'ya.

"Maaari ko bang ipahayag sa publiko ang araw ng koronasyon o hindi na muna?" Tanong ng reyna.

Umiling ako, "hindi maaari, kamahalan. Sa ngayon, may tatapusin muna ako." Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Wala akong ibang bilin kundi ang mag-iingat ka palagi." May kaunting pag-aalala sa kanyang tono.

Nagpaalam na ako sa reyna at lumisan ng silid.

'Wala dapat makaalam ng plano ni ina maliban lamang sa aming dalawa.'

'Maging empress...? Nakakatakot...'

Bumalik ako sa aking silid at nadatnan kong hinahanda ni Aida ang mga ipapakita n'yang tela.

"Ito kamahalan-"

"Yung pula." Mabilis kong sabi. Pinalapad n'ya ang mga pulang tela at ipinakita sa'kin.

Ang isa'y masyadong matingkad, ang isa naman ay maraming disenyo- pinili ko ang gradient red-black.

"Ito." Sabi ko.

May inilabas naman s'yang papel at ipinakita kung anong klase ng gown ang gagawin. Pinaliwanag ko naman ang aking suhestyon na off shoulder, ball gown talaga ang gusto kong klase ng gown.

"May gusto ka pa bang idagdag, kamahalan?" Tanong n'ya.

"Wala na, salamat." Tugon ko. Agad n'ya namang niligpit ang mga tela at lumisan.

Hindi pa nga ako tapos kumain, niligpit na agad ni Theo. Hayst.

Tumungo ako sa aking upuan upang ipagpatuloy ang ginagawa kong pag-lista ng mga iimbitahan. Mabilis ko naman nang natapos ang pag-aasikaso sa kontrata ni Sebastian.

"Kailangan pa kaya ng permisyon ni ama?" Tanong ko sa sarili.

"Kamahalan?" Kumatok si Theo.

"Pasok." Sambit ko.

"Hindi lalagpas sa dalawampu lamang ang pwede n'yong imibitahan, kamahalan." Anito.

'Marami na nga iyan, akala ko hanggang sampu lang.'

"Sige salamat." Sabi ko at nag-lista pa ng mga pangalan. Hindi ko na maiimbitahan ang dapat kong imbitahan. Lakas ng loob nilang paslangin ang mga taong malapit sa'kin.

"Alam mo bang sinasakop na ang norte? Hmm, bakit kaya walang kumikilos mula sa ibang emperyo?" Tanong ko.

"Kamahalan, hindi na natin sakop ang lugar na iyan kaya malabong magagawan natin iyan ng paraan." Sagot n'ya.

"Paano kung... may kapangyarihan ako upang maki-alam sa problema ng ibang emperyo... katulad ng pagiging empresa? Maaari kaya ito?" Tanong ko.

Tumango s'ya, "makapangyarihang posisyon, kamahalan."

Napatingin ako sa kawalan at napabuga ng hangin.

"Kian..." Banggit ko sa pangalan ng prinsipe mula sa emperyo ng hilaga.

"Agh..." napahawak ako sa aking sentido dahil sa sakit ng ulo.

"Theo, bigyan mo ako ng listahan ng mga mabababang monarko sa gitnang emperyo." Utos ko.

"Kamahalan, humihingi ako ng permiso upang makapag-bigay ng suhesyon." Anito.

Itinigil ko ang aking ginagawa at itinuon sa kanya ang aking atensyon, "ano iyon?"

"Ang kaharian ng Karucia, ang namumuno at gumagawa ng pahayagan sa iba't ibang emperyo." Panimula nito.

"Kaharian ng Karucia...? Naniniwala ako na hindi kabilang ang lugar na 'to sa gitnang emperyo." Usal ko. Ngayon ko lamang narinig ang ganitong pangalan ng kaharian.

Tumango si Theo, "ang lugar na ito ay nasa pagitan ng kanluran at gitnang emperyo kaya walang nakapagsasabi kung saan ang panig nila. Malaking oportunidad ito kung makukumbinsi natin silang pumanig sa'tin lalo na at kaya nilang bawasan ang pagpapalaganap ng mga isyu sa loob ng emperyo." Paliwanag nito.

Maganda nga ang kanyang naisip. Napakagandang ideya, "not bad, maaari nga nating gawin iyan."

"Mahal na prinsesa... ang kaso, ang munting prinsesa ng Karucia. Walang nakakalabas nang buhay sa palasyo nila." He feared.

"Ang prinsesa? Bakit?" Tanong ko.

"May sakit itong hindi maipaliwanag. Gusto na ang lahat ng bagay ay pantay at perpekto, ayaw n'ya rin ng karumihan. Mabilis magbago ang kanyang kalooban." Paliwanag n'ya.

Napasandal ako sa aking upuan, "ano ang solusyong ginawa ng kamahalan?" Tinutukoy ko ang hari at reyna ng Karucia.

"Alam nila ang mas nakabubuti sa kanilang anak kaya... pinapanood nila itong pumatay ng tao." Tugon n'ya.

'Wow.'

Napangiti ako, "pupunta tayo, ngayon na." Sabi ko at tumayo.

"M-masusunod kamahalan, ihahanda ko na ang kalesa." Aligagang lumabas ng silid si Theo.

Inilabas ko sa kahon ang kutsilyong regalo ni Liam, "ngayo'y parang kasama na rin kita sa bawat pag-alis ko, aking tangi."

Now I'll deal with a brat with some incurable disease.

'Split personalities.'

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon