9. Charm

751 92 2
                                    

Farrah

Tinuruan ko lang naman ng kaunting ingles si Julia tapos na-aning na, "So tara na." Sabi n'ya. Grabe fast learner, medyo matagal din kaming nasa lungga n'ya.

"Gagamitin natin yung tinuro ko para kapag may kaaway, sa lenggwahe na 'yan natin lalaitin." Sabi ko.

"Baliw." Pag-tawa n'ya.

Pumunta muna kami sa bahay nila Tristan, "Maayos lang kaya si Tristan?" Tanong ko.

Tumango s'ya, "S'ya pa, strong 'yun." Sabi n'ya. Hindi pa maayos ang ingles n'ya pero medyo proud ako. Proud ako sa kalokohang tinuro ko.

Pumasok kami sa loob, "Hoy Tristan." Pag-tawag n'ya kay Tristan. Sinabi rin sa'kin ni Julia na pinsan n'ya si Tristan.

Naalala ko naman si Theo, "Nga pala Julia mukhang hindi na ako mag-tatagal kasi naiwan pala si Theo sa palasyo." Sabi ko.

"Ah, may trauma pa rin ba s'ya kay girl?" Tanong n'ya at tumango ako, "Ikamusta mo nalang ako kay Tristan at pwede kayong bumisita sa palasyo kapag na-miss n'yo ko." Sambit ko sabay kindat kay Julia.

"Kamahalan, wag kang ganyan baka ma-inlove ako." Biro n'ya at tumawa kaming dalawa.

"Anong mga lenggwahe yan?" Pagtataka ng isa, "Lihim lang namin 'yun." Sagot ni Julia.

"Ihahatid pa ba kita kamahalan?" Baling naman nito sa'kin at umiling ako, "ayos lang, baka gabihin ka pa sa pag-uwi mamaya. Baka mapano ka pa." Aniko.

"Mag-ingat ka." Sabi ni Tristan at tumango ako bago lumisan.

Inihanda ko ang aking kabayo nang may lumapit sa'kin, "P-Prinsipe Kian." Yumuko ako bilang pag-galang.

"Akala ko pupunta ka sa palasyo kahapon..." Usal n'ya.

"Patawad ngunit wala akong kasama nung gabing 'yun kaya hindi ako nakadalo." Sagot ko.

"Dahil din ba sa nangyari sa matanda?" Tanong n'ya. Tinutukoy n'yaang lola no Tristan. Bahagya akong tumango.

"Bakit ka nga pala naparito, kamahalan?" Pagtataka ko.

"May pag-diriwang mamaya, maaari ka bang dumalo?" Tanong n'ya.

"Kung maaari akong mag-sama ng kaibigan, bakit hindi?" Sabi ko at napangiti naman s'ya.

"Aasahan kita sa pag-dalo sa kaarawan ng hari, mahal na prinsesa." Hinalikan n'ya ang likuran ng aking palad at mabilis na lumisan. Kaarawan ng hari? Hanep, may pinipili atang petsa yung mga kaarawan nila.

"Mag-iingat kayo sa pag-balik, mahal na prinsipe." Kahit wala na ang prinsipe ay nag-bigay galang pa rin ako. Syempre, bida-bida tayo guys.

Bumalik ako sa bahay nila Tristan, "M-Mahal na prinsesa bakit naririto ka pa?" Pagtataka ni Tristan.

Sumilip ako sa loob at tulog na si Julia, "Pag-pasensyahan mo na yan kamahalan."

"Nga pala Tristan. Gusto ko sanang sumama kayo ni Julia para sa kasiyahan sa palasyo ng hilaga." Sabi ko. Medyo pamilyar ang mga lugar at mga tao dahil pinaliwanag ni Julia.

Tumango si Tristan, "Ikinagagalak kong tanggapin ang iyong imbitasyon, kamahalan." Hinalikan n'ya ang likuran ng aking palad.

"Salamat Tristan, mauuna na ako." Paalam ko at sumakay na sa kabayo at mabilis itong pinatakbo.

Habang pinapatakbo ko ang kabayo ay sumulyap ako sa kabilang bayan na may kalayuan, "Sasha..." Usal ko.

Pag-dating ko sa palasyo ay palubog na ang araw, "Maligayang pag-babalik, kamahalan." Pag-salubong ni Theo.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Maayos na kailangan ko ring umalis-"

"Dahil dadalo ka sa kaarawan ng hari sa hilaga?" Pag-papatuloy ko sa kanyang sasabihin, "Kamahalan, hihintayin na lamang kita roon." Hinalikan n'ya din ang likuran ng palad ko. Nag-hahalo na ang laway nila sa likod ng palad ko.

Sumakay na ng kabayo si Theo, "Sandali, ano ba ang ibig-sabihin ng pag-halik sa likuran ng palad?" Pagtataka ko.

Ngumiti s'ya, "Ika'y marahuyo, aking tangi." Mabilis s'yang lumisan sakay sa kanyang kabayo. Grabi yung tagalog nakaka-touch by touch.

Pumasok ako sa palasyo upang makapagbihis. Ano kaya 'yung magandang kulay?

Kulay puti ang kinuha ko. Parang wedding gown lang pero open yung bandang pakpak sa likuran n'ya, "Kamahalan, may bisita kayo." Sabi ni Aida.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Julia, "Tulungan mo muna ako."

Pinataas ko ang zipper ng gown sa likuran kasi 'di ko abot, "Komportable ka ba sa ganitong damit?" Tanong n'ya.

"Kung hindi lang mag-susuot ng ganito dapat nakapantalon ako." Sabi ko, "Oo nga, same." Pakikisabay n'ya.

"Pumili ka na rin ng susuotin mo, first time mo mag-susuot ng gown ngayon." Sabi ko.

Pumunta s'ya ng sa aparador at pumili ng masusuot, "Nakabihis na ba si Tristan?" Tanong ko.

Tumango si Julia, "Hindi mo ba napansin kanina?" Pagtataka n'ya.

Umiling ako, "Gwapo naman 'yung pinsan mo, bakit wala pang nobya yun?" Pagtataka ko.

Tumawa s'ya, "Wala 'ata s'yang oras para sa mga romantikong bagay."

Umupo ako sa tapat ng salamin upang ayusin ang aking buhok, "Anong bagay na pwede itali sa'kin?" Tanong ko.

Lumapit s'ya at sinuri ang mahabang buhok ni Farrah, "Paano kung gayahin mo yung buhok mo sa mundo n'yo?" Rekomenda n'ya.

"Pero-"

"Dali na, hindi ko alam kung tatagal ka pa dito kaya kailangan mong sulitin ang bawat oras." Sabi n'ya. Medyo hindi ko pa naiintindihan ang Reincarnation, baka nga hindi na ako makabalik.

"Yun nga, maikli kasi yung buhok ko." Sabi ko.

"Edi gupitin natin dali!" Excited na sambit n'ya ngunit pinigilan ko s'ya.

Maganda naman ang buhok ni Farrah. Mahaba ito na may medyo pagka-kulot, "ayos na siguro 'to."

Binuksan ko ang drawer sa ibaba ng salamin at kumuha ng mga panali. Kinuha ko ang magarang lastiko at ginawang messy bun ang mahabang buhok.

"Ito prinsesa, bagay 'to." May kinuhang bulaklak na ipit si Julia at inipit sa buhok na malapit sa aking tainga.

"Ikaw? Tara, aayusan din kita." Sabi ko at pinagpalit ang pwesto namin.

Pinaupo ko s'ya at tinirintas ang mahaba n'yang buhok, nilagyan ko rin ng bulaklak na ipit sa itaas ng tirintas.

"Nagiging babae ka na." Biro ko.

Nakapag-ayos na kami at hindi na namin inalis ang palamuti na nilagay namin sa aming buhok dahil maganda naman, "Magiging babae lamang ako sa gabi na 'to." Sabi n'ya. Nag-suot ako ng puti na cloak na may disenyong ginto.

Lumabas kami at nadatnan naming nakatayo lamang sa labas ng pinto si Tristan, "Bakit naging babae 'to?" Biro ni Tristan kaya nakatanggap s'ya ng hampas mula kay Julia.

"Napakaganda mo kamahalan." Sabi ni Tristan sa'kin kaya nag-pasalamat ako.

"Tara na, nagugutom na ako." Sabi ni Julia.

Bumaba kami ng hagdan at isa sa mga kawal ng palasyo ang mag-hahatid sa'min papunta sa hilaga, "Sumakay na kayo." Sabi ni Tristan at una kaming pinapasok sa kalesa.

"Kamahalan, ang prinsesa ay mapaparoon." Sambit ni Julia.

Tumango ako, "Alam ko."

"Ang prinsipe ng timog at silangan ay mapaparoon din." Dugtong n'ya pa, "Wala akong balak mang-akit ng mga prinsipe dahil kaarawan iyon ng hari." Sabi ko.

"Pero yung prinsesa na 'yun tiyak na ganun ang gagawin." Sabi n'ya.

"Mukhang may kaguluhan mamaya.." Usal ni Tristan kaya bumaling ang tingin namin sa kanya, "Ano ang ibig mong sabihin?" Pag-tataka ni Julia.

"Tama si Tristan. Tiyak na mag-kakaroon ng kaguluhan dahil naroon ang limang emperyo." Sabi ko.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon